Dean Eli, Ang Lakwatserong Pogi

1.3K 37 28
                                    

Kasalukuyang nanunuod ng drama si Dean Eli at ang bestfriend nya sa bahay nya. Dahil nga nacocornyhan sya, ilang beses nya sinubukang patayin ang tv at guluhin sa panunuod ang kaibigan.

"Pwede ba Dean Eli, wag kang mamakielam. Pektusan ko yang nilimliman mo sa loob ng labing apat na taon na nagkukuta sa brief mo e."

Natatawa tawa pa si Dean Eli sa sinabi ng bestfriend nya, ganyan naman sila araw araw e. Lumaki silang magkasama kaya kumportable na sila isa't isa. Normal na sa bokabularyo nila yan at nananalaytay na sa dugo,bato at baga nila yan.

"E kasi naman The Derp, Ang shutabekiboomboombastikels naman kasi ng pinapanuod mo e." ganti nya dito. 

"Eh sa babae ako e. Kala mo dyan. Bakit ba kasi di ka nalang humanap ng mamahalin mo, kulit ng lahi mo a. Kesa ginugulo mo moment ko."

Nakaramdam ng aray-sakit-awts-awtsu-ouch-ouchie pain si Dean Eli sa loob ng dibdib nya, sa loob ha. Di sa suso nya. Napaisip din sya na siguro, may point din si The Derp at kahit ganun yun ay may utak din pala. Napa-uy kala ko display lang utak nun a, nalang sya sa isip nya. Kaya ayaw nya ng drama e. Peste.

Nung mga panahong yan, ang akala nya may try-outs sa pag ibig tulad ng basketball at ng ibang sports bago sumali pero hindi pala, sa paghahanap ng pag ibig, di uso ang try outs try outs, rekta na agad ng di mo nalalaman ... AT DUN NAGSIMULA ANG PAKIKIPAGSAGUPAAN, BAKBAKAN, GYERA, DIGMAAN, PAKIKIPAGLABAN AT ANG 'RAK NA ITUU'...

sa mga adventure ni Dean Eli, ang Lakwatserong Pogi

___________________________

Rye Jin's notes:

Pasensya na di ako kagalingan sa romance(although romance categ ko to nilagay) e nung nag iisip kasi ako ng storya puro kalokohan ang pumapasok sa isip ko, tas nakita ko pa yung pinsan kong bata na nanunuod ng dora sa Ipad kaya dun sa 'Dora, Ang lakwatserang negra' ko nakuha tong idea.

Oo sa romance kasi sa ganun nag rerevolve yung story e(Oo na di nga sabi ako magaling e) + kalokohan at napaka corny na banat. Ginawa ko naring narration style para pag dating sa POV ng babae, di ako mahirapan.

Ang story ay tungkol sa paghahanap ng minamahal na di naman talaga sadya, napeste lang sya sa sinabi ng bestfriend nya XD so ganun

[Alienese alert: Balbal na lenggwahe ang ginagamit dito kaya please kung santo ka wag mo na ituloy basahin at baka sisihin mo pa ako kung bakit nawala ang virginity ng mata mo sa mga bad words. For short, bawal bait baitan dito haha. Absurd din ang story na to ok haha]

Bakit Lakwatsero?? Abangan...

Dean Eli, Ang Lakwatserong PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon