2nd Rejection (Part 2)

228 17 18
                                    

"Pou??" Nagtatakang tanong ni Dean Eli.

"Yes, nauna nako dito Dean Eli. Nasa fb mo naman yung address mo kaya nagpunta nako. Omg Dean Eli, you look so handsome na and--"

"Wooo JP!! Nangangati ka na ba? May higad nga!! Tama ka!!"

"Oo ate The Derp, MAY HIGAD NGA AT HALATANG KATING KATI NA SYA SA SARILI NYA--"

"Hoy kayong mga kumag kayo, manahimik kayo kung ayaw nyong hatiin ko kayo sa walo." Sabat naman ni Dean Eli.

"Omg Dean Eli, is this your sister?" Lumingon naman si Pou kay The Derp at tinaasan ito ng isang kilay at tyaka inirapan.

"ABA OY HIGAD SAGAD!! NGAYON PA LAN PINAPAPILI NA KITA ATE. NATANONG KO NA TO KAY DEAN ELI... AWAY O GULO?"

"Ohh what a CUTE little sister you have Dean Eli" sabay fake smile neto sa kay The Derp. Buryong buryo na si The Derp sa pag iinarte ng babae. Di naman talaga maldita si The Derp. Bonakid lang, batang may laban.

Tinignan naman ni The Derp si Pou, mula ulo mukhang paa este mula ulo hanggang paa at tyaka nagsalita ulit...

"O talaga? Ngayon lang kasi ako nakakita ng PAANG nagtataray e." Atyaka tumalikod at nagwalk out. Naks dramatic.

"Hayaan mo nayan Pou, ganyan lang talaga. Tyaka di ko yan kapatid.." sabi ni Dean Eli.

"WHAT?! Naghamon lang sya ganon? O well, di mo nga sya kamukha" Sabi naman ni Pou at kumindat pa.

"O tara na?" tanong naman ni JP.

"Yes dear~" sabi naman ni Pou.

"Pakyu higad ka tanga......." bulong naman ni JP.

Mabuti nalang ay di narinig ni Pou ang bulong ni JP kung hindi, makakaranas ito ng sampal na no hands. Dumiretso silang lahat sa sakayan. Habang nasa terminal sila at naghihintay nagkatinginan nanaman si The Derp at Pou.

"O tinitingin tingin mo?" Tanong ni Pou habang nagreretouch.

"Ngayon lang rin ako nakakita na pati paa nilalagyan ng make up." ganti ni The Derp.

"Shut up bitch." Sabi naman ni Pou.

"Wow ha, kala ko ang paa pinanglalakad lang pero ikaw... *tinignan mula paa hanggang paa* nakabihis pa." Sabay talikod.

"Bitchpa." Dagdag na bulong ni The Derp.

"What bitchpa?!" Lumakas na tanong ni Pou.

Lumapit naman si The Derp kay Pou at inilapit ang mukha nya sa tenga nito.

"Bitchpa? Yun yung bitch na lakas magtaray, mukha namang pasmadong paa. For short, ikaw." pagtapos bumulong ni The Derp ay naglakad ito papalapit kay JP at nakipaghi five.

"Naks ate The Derp, Puma-paa ang topic a."

"Naman JP. Di lang sya mukha paa no. AMOY PA."

Padabog namang lumapit si Pou kay Dean Eli at kinapitan ito sa braso. At tumingin sa direksyon ni The Derp at JP sabay nagtapon ng di-pa-tayo-tapos-bitch-pakyu-hard look.

Tinaasan lang naman sya ng kilay ni The Derp at itinaas ang middle finger nya.

"My middle finger salutes you bitch." sabi ni the derp.

"Tignan mo tong uod na to ate, kating kati. Sarap asinan." dagdag ni JP

Nagpalitan lang sila ng masasamang tingin hanggang sa may jeep na di masyadong puno pero may mga taong nakasakay ang dumaan. Sumakay naman silang apat agad agad.

Lahat silang apat ay nasa right side magkakatabi. Bale.....JP-The Derp-Pou-Dean Eli

Pagkatabing katabi ni The Derp kay Pou agad naman tong nagsalita.

"Pou, ganda mo ngayon a............Bagong footspa?"

"Mas bitch ako sayo friend sorry" Sabi ni Pou at sabay irap.

"Papakita ko sayo." dagdag pa Pou.

Niyakap naman ni Pou ng mahigpit ang braso ni Dean Eli at ito namang si Dean Eli ngiting manyak este ngiting tagumpay.

Nagbulungan naman yung mga babaeng nakasakay sa jeep.

"Ampogi naman ng bf nya yiii"

"Sila ba talaga? Bakit ganyan yung babae? Nadisgrasya?"

"Naniniwala na talaga ako sa gayuma!"

"Buti pa sila may magandang love life, ako kasi maganda lang..."

Naasar si Pou doon sa huling nagsalita kaya tinignan nya to ng masama pagkatapos ay tumingin rin sya kay The Derp at nagbigay ng I'll-show-you-who's-the-real-bitch look. Tumingin ulit si Pou sa babae kanina at tyaka nagsalita.

"Hoy ikaw! Wag kang feeling ha? Wag kang magsalita ng ganyan kung nanay mo lang ang nagsabi sayong maganda ka. Etchoserang aso to."

Napahiya naman yung babae kaya yumuko nalang. Nalait kasi ang pagkatao nya kay Pou e.Nagbulungan nanaman yung ibang babae sa jeep.

"O kayo magbubulungan nalang? Mga butiking to, takot malait?"

Nung wala ng pumalag, tumingin sya kay The Derp at sumenyas ng 'your turn'

Walang imik imik ay tinext ni The Derp si Dean Eli na lumipat sa upuan sa harap nya. Binantaan naman ni The Derp si Dean Eli sa text na ikakalat neto ang pic ni Dean Eli na naihi sa higaan nung grade 3 sila kaya di na nakapalag si Dean Eli.

"Just wait there Pou." paalam naman ni Dean Eli.

Nag nod naman si Pou.

Pagkaupo na pagkaupo ni Dean Eli sa harap ni The Derp agad naman na bumulusok ang bibig ni The Derp at sunod sunod na nag akusa.

"OH TALAGANG SINUNDAN MO PA KO?! SABI KO SAYO DIBA AYAW KO NA?! BAKIT MO BA PINAGPIPILITAN?! DEAN ELI!! GISING!! WALA NA TAYO!! WALA NA?! SABI KO SAYO DI NA KITA MAHAL!! BAKIT MO PA BA KO HINAHABOL?! PLEASE.... SINASABI KO SAYO. I LET GO MO NA AKO KUNG MAHAL MO TALAGA AKO!!TAS PINAGKAKALAT MO PA SA TROPA MONG 6 MONTHS TAYO KAHIT 2 MONTHS LANG TALAGA? GANYAN KA BA PATAY NA PATAY SAKEN?"

Nanlaki ang mata ni Dean Eli at nung nakarecover at nalaman na pinagtitinginan sya ay napayuko nalang sa hiya.

"TAS IPAGPAPALIT MOKO SA KATABI KONG MUKHANG PAA? ANG BITTER MO RIN ENO? ANO BA TO? PARA IPAMUKHA SAKEN SA SOBRANG GANDA KO HA DEAN ELI? SAGOT! ALAM KO MAGANDA AKO AT LALO PAKONG GUMAGANDA PAG TINATABI SA PAA TO. MALINAW NAMAN ANG PAGKAKAIBA NG PAA SA MUKHA!!KAYA PLEASE LANG, ILAYO MOKO SA PAA NA TO, BAKA KUMAPIT BA SA DAMIT KO ANG AMOY NETO."

Limpak limpak naman na pagkakapahiya ang sinapit ni Dean Eli at Pou kay The Derp. Pareho nalang silang napayuko. Bakit nga ba kelangan pa madamay ni Dean Eli dito haha, sadistang The Derp to.

"Alam mo sa isang bagay ka lang tumama Pou, yun ay nung sinabi mong 'di pa tayo tapos' dahil di pa talaga. SIMULA PA LANG TO KAYA LAMUNIN MO." bulong naman ni The Derp sa nagtitimping katabi na si Pou

___________

Wala natuwa lang ako kaya nag UD ng ganitong oras. May mga nagvovote na kase e :) Natutuwa ako. Gusto kong magthank you haha. May part 3 pa to guys.

Feel free to vote and comment :) Nakakatuwa po kasi na may nagbabasa na pala neto :D

Dean Eli, Ang Lakwatserong PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon