Dahil sa sabaw ako ngayon kakakain, mag uud ako ng seryoso. Seryoso na to para sakin. Promise, peksman. Kaya kung nacocornyhan ka wag ka na tumuloy baka sisihin mo pako e. Kaya ngayon binabalaan na kita na ang laman neto ay corny!
Dedicated to: @itsmeCed .. Oy bro welcome sa watty!
^Follow nyo naren sya. Mabait yan tas pog-- mabait ulit =))) sabi daw ng nanay nya.
___________
Bakit nga ba lakwatsero??
"Pfft-- BWAHHAHHAHAHHAHA!! Tanginang mukha yan, san ba gawa yan? HAHHAHHAHHA langya tong picture ni The Derp!! BUNGAL!! Laughtrip amputcha...HAHAHA!!"
Nagkandi gulong gulong sa sofa si Dean Eli habang hawak hawak ang picture ng bestfriend nyang si The Derp nung 7 yrs old pa lang sila. Naliligo sila ni The Derp sa batya nun tas nakasmile si The Derp, yun nga lang dahil bata pa sila... FILL IN THE BLANKS ang ngipin nito sa picture.
*Tok tok tok*
"DEAN ELI BUKSAN MO TO KUNG AYAW MONG BINYAGAN ULIT KITA. ISA!! DALAWA!!"
Kahit nauutot pa sa katatawa, pinilit ni Dean Eli na buksan ang pinto at yun nga... Iniluwa nito ang bestfriend nya kasama ang pinsan nito.
"Oh? Mukha kang natatae dyan Dean Eli?"
Inilapit pa ni Dean Eli sa mukha ni The Derp ang picture nito na bungal pa. Tinignan nito ang mukha ng bestfriend nya ng seryoso at tyaka tumingin ulit sa picture kaya natawa nanaman sya na halos lumuwa ang ngala ngala nya.
"PFFT-- HAHAHAHHAHHHAHAHHAHAHAHAH!! Bwisit mukhang argamentong halamang dagat dati!! KALA KO POKEMON LANG NAG EEVOLVE PATI RIN PALA IKAW!! HAHHAHHAH kung dati mukha ka lang halaman ngayon mukha ka ng sirena sa timba!! XDDD"
"Gusto mo talagang makayod ang ngala ngala mo no?"
Inubos muna ni Dean Eli ang mahigit 28 na tawa nya sa harapan ni The Derp at JP na pinsan neto habang nakatitig lang sa kanya. Kahit alam nyang mukha syang nakashabu dun e push pa rin sya sa pagtawa.
"Tapos ka na Dean Eli? Pwede na ba kami makinuod?"
"Ano panunuorin? Tyaka bakit dito?"
"The Notebook daw sabi ni ate. Wala kasing laman ref namin kuya Dean Eli."
"TAS BINITBIT KA PA NI THE DERP DITO?!"
"Oo kuya."
Nabulabog naman ang kagwapuhan ni Dean Eli kasi ngayon wala ang mga magulang nya kaya akala nya solo nya na lahat ng pagkain sa ref kaso dumating naman ang kinatatakutan nya... Si The Derp ang dakilang patay gutom, sama mo pa daw ang pinsan neto na mana sa ate... Ang junior patay gutom.. Si JP( Junior Pataygutom).
BINABASA MO ANG
Dean Eli, Ang Lakwatserong Pogi
HumorHopeless romantic nga ba o curious lang? Wala ka bang magawa? Bukod sa pagnguya ng bubog at pako, samahan mo nalang si Dean Eli, ang lakwatserong pogi sa mga adventures nya sa paghanap ng mamahalin. Gawa ng paglalakwatsa, makahanap nga kaya sya?