Dahil natutuwa ako na nasasabaw at the same time, mag uud ako. Pero, napag isip isip ko lang bakit nga ba nilagay ko ren to sa romance. Sa totoo lang matagal ko ng tanong sa sarili ko kung nasan ako nung nagpaulan ng kagalingan sa pagsulat ng romance but of course gagawin ko lahat mag improve lang lalo na't ang ending neto ay tsk tsk whaha.
Itong chap na to ay hango sa isang pelikulang napanood ko at nakalimutan ko ang title so ayon, binabalaan kita na corny tong chap na ito at napakaseryoso. Kaya wag na umapela, aprubado ni enrile to. Enjoyyy!
_________________________________
"Tama na ang sakit sakit na!!!!!!!! Lagi nalang ako narereject!!!!" Pag ngawa ni Dean Eli habang naglalakad.
Nasa labas na sila ng mall. Di na hinahabol ni Dean Eli sila The Derp dahil siguro napagod naren sya at wala naman mababago ang katangahan nya. Nasampal at nasampal pa ren sya ni Pou sa sinehan. Habang naglalakad nakasunod naman si The Derp at JP sa kanya.
"Dean Eli......uy sorry na.... Magcommute nalang kase tayo." Paghingi ng pasensya ni The Derp.
"Heh tangina shut up!" Sigaw naman ni Dean Eli ng di humarap at patuloy sa paglakad.
"Uy sorry na..."
"WALA NA E NAPAHIYA NAKO E!!!" Sigaw ulit ni Dean Eli sabay sabunot ng mahina ng buhok nya. Odiba intense.
"SO KELANGAN MOKO SIGAWAN?! TANGINA NETO MINSAN NA NGA LANG AKO MAGSORRY E!! PUTANGINA AWATIN NYO KO!! BUBUGBUGIN KO TALAGA TO!!" Ganti ni The Derp at ganito ang itsura nya -------> Picture sa gilid...
Inawat naman si The Derp ng pinsan nya kaya kumalma na ren, si Dean Eli naman ay lalong binilisan ang paglalakad at halata mong inis na inis na sya. Sa bilis ni Dean Eli napag iwanan nya sila The Derp at JP.. Tanaw pa naman nila The Derp si Dean Eli yun nga lang medyo malayo at nagulat sila ng kumaliwa ito at pumasok sa isang establishment.
***
"Asan si tito?" Tanong ni Dean Eli dun sa lalaki na nasa counter.
"Ahh, ikaw po ba yung pamangkin ng owner ng bar? Nasa loob po sya sir."
"Pakisabi si papa nalang singilin nya paguwi. Paorder nga isang case ng Red Horse." sabe ni Dean Eli. Kahit di pa sya 18 ay binigyan naman sya ng walang alinlangan. Di rin sya tinutulan ng tito nya dahil baka isumbong ni Dean Eli sa tita nya, na may kabit ang tito nya. Nahuli kasi sila (ang tito nya at yung kabit) dati ni Dean Eli sa CR ng bar, nagmimiracle wahaha. Kung nasan yung tita nya non? Aba malay ko si Dean Eli ang bida dito.
Bitbit ang isang case naghanap sya ng mauupuan. Nasasaktan at wala sa sarili yan ang nararamdaman nya ngayon habang magisang nakatayo sa gitna ng maraming tao na nag iinuman, nagsasaya, kumakanta, naglalandian, nagkekwentuhan. Sya lang ba talaga ang may dinaramdam ngayon sa lahat ng tao dito? Iniisip nya bakit sya pa.. Nag tingin tingin sya sa paligid hanggang sa mahagip nya ang isang babae. Mahaba ang buhok at nakatalikod. Mag isa lang yon sa table kaya nilapitan nya.
"Uhm hi?" Kalabit nya sa babaeng nakaupo at nakatalikod.
"Yes?" Sambit nung babae habang paharap.
"AY KABAYONG NAPANOOD KO SA VIDEO KARERA!!" Pagkabigla ni Dean Eli. Paano ba naman daw ba, makakita ba naman sya ng kabayong nakaupo sa bar ng tito nya e paano di sya kakabahan. Chick magnet talaga itong si Dean Eli parang kama kailan lang paa ang tipo nya ngayon kabayo naman?
"Excuse me? Ano po iyon?" Kunot noong sabi ng kabayo este babae? with matching alilangan pa yan dre.
"Sabi ko, akala ko sa unggoy mula ang tao pero bakit mukha kang kabayo? ESTE MAY KASAMA KA BA? Pwede makitable?" pagpapalusot ni Dean Eli. Kupal ren eno.
BINABASA MO ANG
Dean Eli, Ang Lakwatserong Pogi
HumorHopeless romantic nga ba o curious lang? Wala ka bang magawa? Bukod sa pagnguya ng bubog at pako, samahan mo nalang si Dean Eli, ang lakwatserong pogi sa mga adventures nya sa paghanap ng mamahalin. Gawa ng paglalakwatsa, makahanap nga kaya sya?