2nd Rejection

220 12 28
                                    

"BWAKANANG THE DERP!! GUMISING KA SABI MO SASAMAHAN MOKO SA DATE KO?!?!"

Dalawang araw na ang lumilipas simula nung naganap na kagaguhan sa bahay ni Dean Eli na kung saan nangako si The Derp kay Dean Eli nasasamahan nya ito sa lahat ng gala kapalit ng ginawa neto sa nanay nya.

Pumupungas pungas pa si The Derp at nagtakip ng unan sa ulo nya "5 minutes pa Dean Eli....."

"HOY PUTA BANGON NA!!HOY PUTA BANGON NA!!HOY PUTA BANGON NA!!"

Naasar si The Derp sa ingay kaya bumalingkwas sya para bumangon at bininyagan si Dean Eli sa kanyang pagkalalaki na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng kama nya sa loob ng kwarto nya.

"ARAY!!! PAKSHET!!! AWCH!!PARA SAN YON?!?!?!?!?! TANGNA NAMAN THE DERP!!" Sabi ni Dean Eli habang nakaupo sa sahig at nanlalambot ang tuhod.

"Ang aga aga kasi mura pinapalamon mo saken?!?!" Ganting sigaw ni The Derp.

"ANO?! DI AKO YUNG NAGSABI NG PUT---"

"HEH PAKYU!"

Sa totoo lang di naman talaga si Dean Eli yung nagsabi ng sabi ng 'hoy puta bangon na'. Alarm clock yun ni The Derp na nakalimutan nya lang na pinalitan nya ng ganung alarm tone. Lasing sya kagabi nung sinet nya yun. Lagapak kasi sya sa sahig kagabi, hawak ang cp nya. Di nya namalayan na sinasabi nya pala yun sa sarili nya habang nakarecord at naset nya pang alarm tone. Di rin sya makagising ng maayos kasi may hang over pa.

Kahit masakit ang ulo pumasok si The Derp sa banyo at naligo.

"Badtrip sakit pa rin ng ulo ko....Dami kong nainom kagabi ugh..." bulong ni The Derp sa sarili habang nagsoshower.

Pagtapos maligo ay lumabas syang naka bathrobe at naabutan si Dean Eli sa kama ni The Derp habang higa at naidlip na dun kasi halos kalahating oras din itong naghintay sa paligo ni The Derp. Lumapit si The Derp at pinag masdan ang bespren nya.

Umupo sya sa gilid ng kama katabi ang nakahiga at tulog na si Dean Eli.

"Matangos naman pala ilong mo e, perfect jaw line, may kaputian para sa isang lalaki, saktong lips, chinito........sorry ha dahil sakin wala ka pang gf, hadlang kasi ako e...sorry ha..." sabi ni The Derp sa isipan nya habang nakatitig pa rin.

"Akala kasi nila gf moko e porket lagi tayo magkasama....takot pa naman sila saken... di tuloy sila makalapit sayo.... Friendzoned kaya tayo di ba nila alam...bakit kasi di nalang ak---" Naputol ang iniisip ng hawakan ni Dean Eli ang kamay ni The Derp at narinig nyang bumulong ito.

"Don't go......." Napangiti naman si The Derp sa sinasabi ni Dean Eli habang tulog.

daldal pala neto pag tulog.... sa isip nya

"Don't go........."

"Please ate Des...Stay by my side ate....."

Napawi naman agad ang ngiti na iyun ni The Derp sa mga narinig. Nakaramdam sya ng di maipaliwanag na sakit. Nailang rin sya bigla sa pagtabi nya kay Dean Eli at napaisip ulit...

Tanga ko talaga para akalaing ayaw nya ko mawala....inakala ko pa rin kahit matagal ko ng alam na si ate Des lang ang gusto nya. Desperado talagang makamoveon tong kumag na to.

Nagbihis nalang si The Derp at tyaka nung palapit na sya kay Dean Eli, uupo sana sya ng maupuan ang cellphone neto.

Hmmmm.....ABA OO NGA!! BRIGHT IDEA!!  sa isip ni The Derp.

Sakto naman kasi na nakaisip na gumanti ni The Derp kay Dean Eli sa pangmumura sa kanya neto para lang gumising. Di kasi alam ni The Derp na alarm tone nya pala ang pangmumurang  yon na sya mismo ang nagset.

Hawak ni The Derp ang cellphone ni Dean Eli at tyaka pinindot ang sound record app neto. Sinimulan nyang gayahin ang boses ni Dean Eli at nirecord ito.

"Eh kase powtangina mo. GETS?! POWTA KA." clinick ni The Derp ang stop at tyaka naman ang save. Ginawa nya itong message alert tone ni Dean Eli. Ibig sabihin kada may magtetext kay Dean Eli, yang nirecord nya na 'Eh kase powtangina mo. GETS?! POWTA KA'. Pagtapos ay ibinalik na ni The Derp sa tabi ni Dean Eli ang cp neto at inilapit ang mukha nya sa tenga neto.

"Dean Eli" She whispered.

Di naman pumungas si ungas kaya nairita ng times two si The Derp.

"Sabi nga nila lahat nadadaan sa halik." Bulong ni The Derp habang nakapikit..

Niyuyog nya si Dean Eli ngunit tulog mantika pa rin ito. Lumapit ulit sya sa tenga nito.

"Kiss?"

"BUT OFCOURSE NOT!!!!!!!!!! I WON'T !!!!!!!!!NEVER!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni The Derp sa tenga ni Dean Eli na tulog na tulog.

"ATE DES!!!" Agad namang napabalingkwas si Dean Eli at napasigaw.

"Wag mo na hanapin ang KAPATID KO, wala sya dito." sabi naman ni The Derp

Natahimik silang dalawa....

Humingang malalim si Dean Eli at tyaka sumigaw din..

"EH PUTA NAGULAT AKO SA SIGAW MO E, MAKA 'I WONT' KA!! ANO BANG PROBLEMA MO? NAGSUSUGGEST NA MA-RAPE KO?"

Namula naman sa inis si The Derp sa narinig.

"HEH DEAN ELI PUTANGINA MO KA. SHUT UP."

"Letsugas, tara na. Saan na si JP sabi mo isasama mo para di ka mukhang chaperone ko?"

"Nasa kapitbahay pa ata, inutusan ko bumili e. Sino nga pala date mo ngayon Dean Eli?"

"Ahh yon, classmate ko dati tas nasa ibang school na. Nakausap ko sya sa fb tas ayon. Ang name nya, Paula Eunice. Tas ang pronounciation ay 'Pola' pero ang gusto nyang tawag sa kanya ay 'POU' na ang pronounciation ay 'POW'..Ano tatanong pa?"

"Sabi ko nga di na."

"Oy ano na gagawin natin, wala pa si JP!"

"Mag iintay malamang"

"AMBORING THE DERP! AMBORING!!"

"Edi manood tayo pero dahil bahay ko to, NATGEO ang panonoorin."

"Wala ng pero pero Dean Eli, ano ba gusto mo? AWAY O GULO?"

"Pakyu."

Ganon na nga walang nagawa si Dean Eli. Nanood sila ng mga palabas sa NATGEO..

"WOA TIGNAN MO DEAN ELI O!! DAMI PALANG AMERIKANO SA AMERIKA."

"WOW DEAN ELI, ASTIG!! ANG ASO PALA MAY TATLONG LETRA!!!"

"ASTIIIIG! ANG KABALIKTARAN PALA NG PUSH AY PULL?!"

"SHET!! DEAN ELI!! SABI SCIENTIFICALLY PROVEN DAW NA MAY MAS MALAKI PA SA BAG NI DORA AT BULSA NI DOREAMON AT YUN DAW ANG NGUSO NI ANNE CURTIS!!"

"TENGENE WAYOS TO DEAN ELI!! NUNG TINANONG KUNG SAAN BINARIL SI RIZAL, ANG SAGOT DAW SA LIKOD?! WOA OO NGA NO!!"

Napa facepalm nalang si Dean Eli sa mga naririnig nya mula kay The Derp na aliw na aliw sa pinapanood.

"TAS DEAN ELI, SABI EQ DIAPER DAW TALAGA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGLABAN SI LAPU LAPU AT MAGELLAN!! AMAZI--"

Biglang bumukas at bumalabag ang pinto at iniluwa nun ang isang pataygutom na bata na may hawak pang softdrinks at piattos at ngumunguya pa nung sumigaw sya...Bastusing bata. Sabing dont talk when your mouth is full.

"HIGAD ALERT ATE THEN DERP!!!! HIGAD ALERT LEVEL 5!!!" Pagsisigaw ni JP.

Nagwawala si JP kaya napatulala nalang kame ni Dean Eli sa kanya pero mas nagulat kame ng may lumabas na di maipaliwanag na nilalang sa likuran nya.

"Hi Dean Eli." sabi nung babaeng higad nga (tama si JP lvl 5 nga ituu) kumindat pa si girl, bet yata madukot ang mata.

"Pou??" 

____________

May part 2 po ito, kalma haha.

Dean Eli, Ang Lakwatserong PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon