Chapter 17: Nakalabas na Kami sa Horror House!

50 4 0
                                    

Thalia's POV


Nakakadalawang oras na pero hindi pa rin kami nakakalabas ng horror house. Nilalamig na ako. Eh paano ba naman kasi eh nakaupo ako sa sahig! Malamang maginaw di ba?


Eto na yata ang huling gabi ko sa mundo. Mamamatay na siguro ako sa ginaw at gutom. Tapos yung nakalagay sa lapido ko.. 

"R.I.P 

Thalia Jimenez. 

Born March 12, 1998. 

Died September 12, 2015"

Oh diba  exactly 6 months mula sa buwan ng pagkakaluwal ko sa earth! From the womb of my mother. From being a zygote to a fetus hanggang sa magkaulo ako at paa. Hanggang sa nagkaisip ako at nagkacrush!


6 months lang ang pagitan! Sa hinaba haba ng proseso ng pagkabuhay ko! 6 months lang ang pagitan! Huhuhuhu :'( 


ANyways, tama na ang drama, masyado na akong nagiging lola. Senti much. Back to reality. And since maganda ako este giniginaw daw ako, lumapit ako ng kaonti kay Ken. hehehe! Konting konti lang naman. Siguro mga 1 inch na lang ang natirang distance namin.


Para paraan? Di nu! Ewan ko sa inyo basta ako ay happy!


"You're cold again." sabi ni Ken 1 inch apart from me. Mehehehe kinikilig ako. (Oh baka naiihi lang ako? Nyahaha!)


"Ken I'm fine. Nabigyan mo na ako ng body heat kanina lang." Kelan ba kasi magkakaroon ng kuryente dito? Mommy ko!


"Not enough though." Hinila niya ako at biglang niyakap ng mahigpit. Sobrang mahigpit! Tapos..


Tapos..


JOKE LANG!


Wala pa nga eh! haha. Nagde-day dream lang. Di pa niya ako nayayakap. Echos niyo haha. Dahan dahan ko naramdaman ang pagkilos niya. ANg pag shift ng body niya at ang pag alis niya sa pagkakasandal ng ulo sa pader..


"Come here." At niyakap niya ako! For real na talaga to guys ha. Real na real real na real. Nesfruita! Omg sumasayaw ang inner beauty ko. 


Nakasuper hug siya sa akin tapos yung kamay niya nasa..


Nasa..


Boobs ko?!


HAHA! Syempre joke lang ulit yun! Super gentleman si Ken di yan manyak. Di tulad ni Michael! Palagi ako inaaway nun. Pero bati naman kami. I think. 


Masyado na yata akong na feel at home sa yakap ni Ken. hahaha keleg much me! OMG I'm so jeje!


"Besh? What's happening?"


Nagulat ako sa boses ni Mimi at nakakasilaw yung patutok niya ng flashlight sa mukha ko. Mukha ko talaga ha? Di pwede sa mukha ni Ken at nang siya yung masilawan? 

Forbes AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon