Chapter 10: Detention Buddy

265 11 0
                                    

Thalia's POV

Okay let’s just say that this is not as bad as I thought it would be. If getting detention is what it takes just so I could spend time with him then so be it. I don’t care anymore.

Tignan nga naman natin oh, a nerd who’s afraid to get into trouble let alone a detention is now thinking of ‘gimme more detentions’ tsk. Ken you’re a bad influence to me.

You’re like a drug I’m addicted to. No let me rephrase that since hindi naman ako nagddrugs, Ken Forbes you’re like an ice cream melting that I want to lick.

Okay this is bad. Just thinking of him makes me go insane. But yeah whatever!

I saved what I had just written sa X Files folder ng phone ko just in time dumating na kasi si Ms. Calculus for our…argh!

I hate saying this but…our detention, my detention. Nakaupo lang ako dito sa loob ng classroom with a bunch of behaviour probation students.

I hate thinking that I belong to those kind of students when in fact hindi naman talaga ako BP. Na late lang ng minsan at ang minsan na yun ay di na mauulit pa. Ever.

But I never thought I would be saying this pero sulit din ang pagpunta ko dito, andito kasi si prince charming ko!

Oh look he’s sleeping again, ang cute niya talaga. Makunan nga ng picture. Kunwari daw nagttxt yun pala camera rollin HAHA!

Pero syempre nakatago sa ilalim ng mesa ang phone ko, mahirap na baka ma-confiscate ng dragon kong prof saying tuloy ang efforts ko. Nang nakailang shots na ako sa kanya tinignan ko ito ng patago.

Hays…ang cute talaga ni baby Ken!

“Wake up Mr. Reyes!”

Ms. Mouth of the dragon talaga, lakas-lakas makasigaw kala mo naman kung ano kalayo ang distansya nila ni Ken eh nasa harapan lang naman.

At dahil nga sa sigaw niya nagising tuloy ang natutulog kong prinsipe. Kahit bagong gising siya ba’t ang gwapo pa rin? Why? Nakakalaglag panga tuloy ang kagwapuhan niya.

Malamang ako ang napapanaginipan nun haha! Assumera ko talaga.

“This is detention time Mr. Reyes not sleeping time. If you want kumuha ka ng banig at humiga sa sahig.”

Ken yawned napatulala tuloy ako sa kanya. Did I mention na ang cute niya talaga?

“As for your detention…well since we’re having an emergency meeting today..”

Naghiyawan ang mga BP students kasi nga ibig sabihin ng emergency meeting today is maka-cancel ang detention namin. May sumigaw pa at nag awooo-awooo..tsk disgusting! Where’s proper etiquette? Parang di anak ng mga sosyalero’t sosyalera ah.

“I’m not yet finished. Since we’re having an emergency meeting today your detention will continue next week. Community service for 5 hours.” Patuloy niya, the students groaned.

“5 hours of community service? Are you kidding me?”

“Additional 1 hour for you Clyde.”

“What the?....”

“Complain and I’ll extend it to 1 week.”

No choice si Clyde kundi ang mag shut up. Isa siya sa mga kaibigan ng feeling boss na si Hautea. Speaking of dapat mag community service din siya! Langya siya..

“Choose a partner, you will need one.” Sabi ni prof na nakangisi na parang may masamang balak.

“What for?” tanong ni Clyde. Sa lahat ng kilala ko si Clyde lang talaga ang sumasagot sa mala-dragon na prof namin, bilib din ako sa kanya ah. Di lang natakot? Kung sa bagay maitim din ang budhi ng isang to eh.

“That’s for you to find out next week. I will be going now kayo na ang bahala pumili ng kapartner niyo.” Sabi ni Ms. Calculus na hindi natutuwa sa pagsagot-sagot ni Clyde sa kanya.

She went out of the room leaving me mortified kung sino ang magiging ka partner. What if no one wants to pair up with me? Mababansagan akong loner.

Halos lahat  may partners na..si Max na lang kaya? Kaso he’s….no offense pero nandidiri ako sa kanya. Siya lang yata ang kilala kong anak mayaman na amoy sewer.

Pano ba to? Kung si Ken kaya?

“Hi Ken want to be my partner?” tanong ng girl sa kanya, di ko kilala eh pero halata naman na nakikipagflirt siya kay Ken.

“I already have a partner.”

Ay…may partner na pala siya. Looks like I’m stuck with Max Sewer.

“Hey, I’m Clyde.”

Napatingin ako kay Clyde. He extend his arms for a handshake parang getting to know lang? I shook hands with him.

“Wanna be my partner? You’re Thalia right?” I nodded. “So was that a yes?”

Napatingin ako kay Ken, nakatingin din pala siya sakin umiwas tuloy ako.

“Umm..what?” Ano nga bang tanong niya?

“I asked if you want to be my partner?”

“She’s taken.” I looked at Ken. “She’s with me.”

“I asked first.”

Is it just me or ang sama ng tinginan nila?

“Umm..” Ano ba to pinagaagawan ba nila ako? eh ang panget panget ko naman parang nabubulok na tae lang. Ang haba naman ng hair ko kung iisipin kong may gusto sila sa akin.

She’s taken.

She’s with me.

Oh my gods sinabi ni Ken na partner niya daw ako. May gusto kaya siya sa akin? Damn palpitations! My heart!

“Uy Thalia ikaw na lang partner ko ah?” Di ko namalayan na may kumukulbit pala sa akin kasi nakatulala ako at napa-oo na lang ng di sinasadya.

END OF CHAPTER 10

 twitter: @tin_Concepcion08

Forbes AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon