Chapter 3: Ken, My Knight In Shining Armor

422 9 0
                                    

Thalia's POV

"Oh tapos? Anong nangyari?"

"Eh ayun nga napagalitan ako ng bonggang bongga ng librarian. Sinamaan pa ako ng tingin."

"Eh yaan mo na lang besh, menopausal stage na yan eh. Sooner or later retired na yan. Lola na, kaya ibalato mo na lang sa kanya ang pagkakasigaw sayo."

"Ehhh kainis naman kasi besh eh! Chansa ko nang ma solo si Ken."

"Eh kung bantayan mo kaya ulit bukas sa lib? Baka pumunta siya ulit dun?"

"Besh! ang talino mo talaga! Ba't di ko naisip yun?"

"Eh kasi puros na lang Ken ang nasa isip mo o di kaya naman todo buhos ang oras sa praybeyt personal journal na yan!"

"Sheesh! Oo na besh! byeeee!!" Binaba ko na ang telepono.

Sa lahat ng tao kay Mimi ko lang ipinagkakatiwala ang sekreto ko. Ooops! di ko pwedeng sabihin kung ano yun kasi secret nga devah?

May secret bang pinapakalat at pinagsasabi?

Oo meron. Kapag sinabi mo sa di katiwatiwalang tao ang sekreto mo paniguradong kakalat yan mabilis pa sa showbiz news report.

Hoy, subconscious ko tumahimik ka diyan! Wala ka sa posisyon magpahayag ng opinyon mo. Tandaan mo, dahil sayo kanina napagalitan ako ng librarian na nasa menopausal stage at napaalis tuloy ako ng labag sa kalooban ko.

********

Kinabukasan bumalik ako ng lib para silipin kung andun si Ken, my prince charming. 

Ikot ikot, ikot ikot lang.

Kanina pa ako ikot ng ikot daig ko na ang ikot ikot ni Sarag G. Pero di ko talaga ma sight si Ken. Awwww :'(

Nagmadali pa naman akong umalis pagkatapos ng klase baka sakaling maabutan ko siya. Pero wala :'( 

Umalis na ako ng lib at uuwi na ng may naghagis sa akin ng bag.

"Aray! Sinong langyang nagtapon nito?"

"Ako bakit, may angal ka?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ba't mo ko hinagisan ng bag ha?!"

"Bitbitin mo yan. May practice ako ngayon."

Wow anong akala niya sa akin, yaya niya? Dakilang tagabuhat ng bag niya? Edi sana nagpalagay na lang siya ng sign na "Wanted: Tagabuhat ng Bag" sigurado naman na maraming magkakandarapa maging yaya niya. 

"At sinong may sabing susundin kita? Sino ka ba sa akala mo?"

"Ayaw mo kong sundin?"

Ay naku po gods, pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko baka sumabog ako sa harap ng lalakeng ito.

"Ayaw! Hinding-hindi kita susundin!"

Humanap ka ng yaya mo na uutusan at papasweldohan. Di naman mababa ang standards ko para lang maging yaya at utusan mo. I have high standards, excuse me!

Kahit nerd ako may dignidad pa rin naman ako noh.

"Sigurado ka ba na hindi mo ako susundin?" 

Aba kung makangisi at pagtaasan ako ng kilay parang may maitim na balak! Kala niya gwapo siya? Tanga lang ang magkakagusto sa taong ito na may maitim na budhi at ugali!

"Hindi ako susunod sayo!"

"Okay, your choice." 

Parang hindi ko ata gusto ang mga titig niya!  

Forbes AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon