Chapter 14: Rooftop tale

162 6 3
                                    

"Saan mo nga kasi ako dadalhin?" Hinila lang ako ni Hautea at hindi sinagot.

Hinawi ko ang braso ko sa kanya. "Ano ba ha? Sasagutin mo ba ako o hindi?"

Hinarap niya ako at nag smirk.

"Bakit? Nanliligaw ka na ba sa akin nerd?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Hoy ikaw! lalakeng swapang! Hinding hindi ako magkakagusto sayo nu! Asa ka!" Mahangin masyado ang lolo niyo!

Hindi ko siya type nu FYI lang. Mangangalawang muna ang katawang lupa ko before ako magkagusto sa kanya. Si Ken lang ang gusto ko forever and 5ever!

Sean Kendrick Reyes my love! *sighs with sparkling eyes* Hangga't may bukas may posibilidad! Pag-asa..tiwala lang!

"Bakit ka ba nanghihila bigla?" tanong ko.

"Basta." Yun lang ang sagot niya at hinila ulit ako papunta sa hagdan.

Ano kaya ang plano ng isang to? Inakyat namin ang school building hanggang sa nasa tapat na kami ng isang pintuan.

Oh my gosh don't tell me hahalayin niya ako at ng mga gangsters niya? Huehue nooo! Ay umayos ka nga Thalia kung ano ano ang iniisip mo eh!

Binuksan niya ang pinto at naramdaman ko ang ihip ng sariwang hangin at ang pagdapyo nito sa aking buhok.

Kitang-kita mula rito ang mga booths at ang iba't ibang inihanda ng school for for the Academy Week. From up here you can see the results of all the hardships they went para lang maisagawa ng maayos ang event.

"Bakit mo ako dinala dito sa rooftop?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Dito ako pumupunta tuwing may gusto akong isigaw at ipalabas na saloobin.

Paano kaya niya nalaman kung papaano ang papunta dito? Eh hindi naman siya ang tipo ng lalakeng na pupunta sa school rooftop at tumambay lang. Masyado siya ostentatious.

Siya ang tipo ng lalke na gusto ang attention at ipagmayabang kung ano man ang meron siya. Umupo siya sa sahig at sumandal sa dingding. Lumapit ako sa kanya pero hindi ganun kalapit.

Distance is important especially to a person na hindi mo pa masyadong kakilala. And he is a stranger to me. Kilala ko siya sa pangalan at sa itsura byt not his story.

"My mom had an accident..car accident. She's in a state of comatose for almost 3 years now." sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa sahig? o sa sapatos niya? "My dad was never right after that. He was mentally absorbed."

Bakit niya sinasabi sa akin to? Bakit ako? Why are you telling me all this? Tatanungin ko sana siya pero imbis na magtanong ako nasabi ko sa kanya ang tungkol kay Mavy.

Forbes AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon