Chapter 11: Smelly Max Sewer!

210 7 0
                                    

THALIA’S POV

“Thalia bilisan mo naman ang paglalakad diyan naiiwan na tayo oh!”

Tsk. Sino ba kasi ang may sabi sayo na yayain mo akong maging partner mo? Kung nasa tamang pag-iisip lang sana ako nun edi sana di ako umo-o sayo.

Puros ka reklamo! Thalia ang bagal mo Thalia ano ba yang suot mo? Thalia ganito, Thalia ganyan. Bwesit.

Sobra pa siya sa babae kaya naman pala walang gustong makapartner siya at sobrang baho niya pa! Binabagalan ko nga ang paglalakad para di ko siya maamoy naaamoy pa rin ang baho niyang sewer.

Yan tuloy, pati ako nadala sa mga kutya ng mga BP students na to. Kesyo bagay daw kami kasi si Max panget na mabaho pa at ako panget din daw.

Ilang sandali at naaaninag ko na ang lugar kung saan kami magcocommunity service. Not only can I see it I can also damn smell it. Dumpsite.

Kaya naman pala di sinabi ni Ms. Calculus ang kung bakit at ano ang community service namin dahil talagang walang sisipot kapag sinabi niya na sa isang dumpsite pala kami maglelend ng aming 5 hours com service.

Shet 5 hours? Di ba kami hihimatayin sa baho nito o kaya magkasakit?

“Okay listen up! Together with your partner look for plastic bottles at ilagay sa plastic bag na to and once full bring it to that warehouse to be recycled. Get it?” sigaw niya sabay turo doon sa warehouse ng dumpsite.

Bingi ba kami at walang mga tenga? Kitang-kita tuloy ang pagshower ng laway niya. Yuck. Remind me sa next evaluation bababaan ko ang ratings nito sa personal hygiene. At buti na lang binigyan niya kami ng gloves at mask.

“Ewww! Dumpsite? Seriously? I’ll tell my mom about this! She will sue the school for this! This is unfair! This is disgusting! She will surely hear about this!” Pagrereklamo ng girl na nakipagflirt kay Ken noon.

“Well go on Ms. Ortiz and tell this to your mom and she will surely know what you’ve been doing. And the school staffs and admins already know about this.”

Natahimik tuloy siya at umalis na nagdadabog. Tsk, spoiled rich kids. Naghanap na lang ako ng plastic bottles, hinayaan ko na ang partner ko kung asan siya.

Bahala siya diyan at ng matakasan ko naman ang amoy niya pero everywhere I go still smells like damn sewer.

May nakita akong plastic bottles at sinoot ko na ang gloves at mask ko at agad na pinulot ito at nilagay sa plastic bag. May nakita pa ako at nilagay ulit ito.

“Uy Thalia! Madami akong dalang bottles!”

Nakita ko si Max na naglalakad papunta sakin na punong-puno ang kamay ng bottles at di niya nakita ang dinadaanan niya kaya natumba siya at nahulog yung mga bottles na bitbit niya.

Clumsy sewer boy. Nilapitan ko siya at tinulungan kasi naaawa ako sa kanya. Dinampot ko yung mga bottles at nilagay sa plastic bag at tinulungan siyang tumayo ng may narinig akong nag click kaya napatingin kami ni Max sa kanya. At umulan pa ulit ng maraming clicks.

“Uy bagay kayo! Lovers in sewer! HAHAHA! Gossip points na naman eto.” Kinunan pala kami ng picture ng Meg Ortiz na yun. Ang malanding bitch! Bruhilda talaga! Gagawan pa kami ng estorya.

“I-delete mo yan!” Nanggigigil na ako sa galit. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang gawan ako ng mali-maling kwento na di naman totoo.

“And why would I nerd?” Tumawa siya at patuloy kaming kinukunan ng picture. “Oh my gosh Tricia would love this.”

Binitiwan ko ang dala kong plastic bag at tinangkang kunin sa kanya ang cellphone niya.

“Ouch! Ano ba? Yuck! Stay away from me nerd! Baka mahawa ako sa kapangitan mo at sa pagiging nerd mo!”

Tinulak niya ako ng malakas dahilan ng pagkatumba ko.

“That’s what you get nerd!”

Tumatawa siya habang kinukunan ako ng picture na natumba. Nilapitan naman ako ni Max para tulungan pero di ako makagalaw sa pangingiyak-iyak.

“Oh you’re going to help your girlfriend sewer boy? Go on! Haha!”

Tumulo na talaga ang luha ko pero di ko pa rin magawang tumayo. Naging bato ako at ala estatwa.

Huminto sa pagtawa si Meg.

“Give me my phone back Ken!”

Ken? Napatingin ako sa direksyon nila at tinangkang bawiin ni Meg ang phone niya kay Ken.

“I said give it back!”

Nagulat ako ng tinapon ni Ken ang cellphone ni Meg at inapakan ito. Hindi makapaniwala si Meg sa ginawa ni Ken pati na ang ibang estudyante na ngayon ay nakatingin at nakanganga lang.

Lumapit si Ken sa akin at parang kabayong naguunahan ang pintig ng leche kong puso.

“Stand up.”

Hindi pa rin ako makagalaw.

“I said stand up!”

Nagulat ako sa pagsigaw ni Ken. Nang nakatayo na ako hinila niya ako papalayo sa pinangyarihan. Di ko alam kung saan kami papunta nakatuon lang ako sa kamay niyang hawak-hawak ang kamay ko.

END OF CHAPTER 11

COMMENT. VOTE. FAN

Twitter @tin_Concepcion08

Forbes AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon