Prologue

47 4 1
                                    

Cliches. Something that become very familiar or common place.

Punong puno ng ganyan ang buhay ko. Bully na classmates, nakakaantok na prof, super-extraordinary life, mga kontrabida, bad guy na in the end magiging prince charming mo pala at syempre isang dalagang maganda, mabait, at matalino na nangangarap ng isang simpleng buhay.

Yan ang buhay ko. Parang isang pelikula. I guess lahat naman tayo nakakaranas din ng ganito. Hindi lang siguro napagtutuunan ng pansin dahil normal nalang satin ang ganito.

Kain, pasok sa school, uwi, kain uli, tapos tulog na. Kinabukasan ganon ulit. Paulit ulit hanggang sa nakakasawa na.

Hay tama na nga ang pagtytype Jamie. Wala namang kakwenta kwenta pinagsusulat mo di ka parin tumitigil.

Ang kulit talaga ng sarili ko. Ayaw paawat. Hindi naman ako nagsusulat para magkaroon ng mga readers na magiging fans eh.Basta gusto ko lang may makinig sakin.

Eh maintindihan naman ba nila ako??
Ewan basta sisimulan ko na to.

Jamie Sanchez. 3rd year Accountancy. Dito na magsisimula ang kwento mo.

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon