Chapter 1

32 2 0
                                    

Beginning

Okay pano ba to sisimulan? Sige dito nalang.

Midterms.

Halata mo sa mga estudyante ang pagkukumahog sa pagreview ng notes nila. Yung iba walang pakealam. Nagcecelphone, nagmemake up o di kaya'y natutulog. Ako eto, simpleng nakaupo lang habang hinihintay ang iba ng sa gayon makapagsimula na ng exam..

Ilang sandali lang dumating na yung prof na magbabantay samin. Bigla namang natahimik ang klase at natuon ang atensyon sa prof. Medyo nakakatakot kasi ang aura niya eh..

"Lahat na ba nandito?" tanong niya.

"Si Hansel po wala pa." sagot ng isang kaklase naming babae.

"Hay sakit sa ulo talaga yung batang yun!!"sabi niya na halata mong naiinis na.

"Pag wala pa siya in 3 minutes magsisimula na ta--"

"Nandito na po ako.. " bungad agad niya na hingal na hingal pa. "Sorry I'm late.. " napakamot siya sa ulo niya at pagkatapos ay dumiretso sa upuan niya. Sa likod ng upuan ko.

"Mr. Lorenzo, kapag naulit pa to hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang pinaggagawa mo sa Dean. Hindi mo naman siguro gustong mawala ang posisyon mo diba?" may paghahamong usal ng aming prof. Si Ms. Diaz.

"Go ahead coz I don't care then." walang kagatol-gatol niyang sabi kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya na nagkaclash of clans sa iPhone niya.

"Di ka na talaga magbabago. Sana ayusin mo naman ang asal mo kahit dalawang oras lang dito sa klase ko. Mahirap bang gawin yun? "

"Magdradramahan na naman sila. Ang tagal namang magsimula nito." nabobored kong sabi sa katabi kong si Anna.

"My classmates are so sick of hearing that from you. Tapos ka na ba? Naiinip na kasi siya oh. " sabi ba naman niya na nginuso ang upuan ko. Narinig niya yung sinabi ko??

Para naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng mapunta sakin ang atensyon ng prof namin. "Ms. Sanchez, isa ka pa. Kung naiinip ka na, you can freely go out of my class. Is there any problem with that?? "

Umiling nalang ako sa kanya ng makailang ulit at ngumiti ng alanganin. Nakakatakot ang titig niya parang si Medusa. Lokong Hansel yun sinumbong ako. Ang sama ng ugali.

Hindi nalang niya ako pinansin at pinamigay nalang ang mga test papers na sasagutin namin.

Nakarating narin samin yung papel at sisimulan ko na sanang sagutan ng biglang may kumalabit sakin at paglingon ko sa likod ko..

"Peram ako ballpen." aba ang kapal ng mukha nito ah.

"Ayoko nga. " sabi ko nalang sabay irap sa kanya.

"Sabi ko nga pahiram ako. "

"Ayoko nga sabi eh. Pupunta punta ka dito tapos wala kang da--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niyang hinablot ang hawak kong ballpen.

"Salamat. Babalik ko nalang mamaya." sabi niya sabay ngumiti ng pang-asar.

Kainis talaga siya!! Gtech paman din yung ballpen ko. Grr!!

Hinayaan ko nalang. Kesa naman mabwisit ako.

30 minutes ang nakalipas at nakita kong tumayo na si Hansel senyas na tapos na siya. Ako naman halos di na makahinga sa hirap ng exam.

"Dali lang pala. " narinig kong bulong niya habang naglalakad papalapit sa prof para ipasa yung papel.

"Ang yabang talaga ng lalaking yun." di ko maiwasang magkomento sa ginawa niya dahil sobrang nakakainis na siya.

"Shh. Wag ka na ngang maingay. Marinig ka ni mam niyan." saway sakin ni Anna.

"Wala akong pakealam. Eh sa nakakainis talaga siya eh. "

"Hay bahala ka nga. Teka may sagot ka ba sa test 2? Pakopya nga ako."

Pinakita ko naman sa kanya yung sagot sa papel ko. Syempre yung hindi mahahalatang nagkokopyahan kami. Kaibigan ko naman si Anna eh. Simula first year college siya na kasama ko.

Pagkatapos ng isang oras ay nakaraos narin kami at pinasa na ang papel namin.

"Grabe ang hirap ng Finacc natin. Parang pang board exams na no. " sabi sakin ni Anna habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen. Nagutom kasi kami dahil sa hirap ng test.

"Tingin ko nga may tatlong mali sa computations ko eh. Wahh may mali na ko!! " disappointed kong sabi sa kanya habang sinasabunutan ang ulo ko sa inis.

"OA mo te ah. Para 3 points lang iiyakan mo na. Grabe! Ikaw na grade conscious. " komento naman niya sakin.

"Ehh.. Kasi eh.. Wait. May nakalimutan akong kunin." yung ballpen ko nga pala.

"Ano na naman yun? "

Imbis na sagutin siya ay hinatak ko na siya papuntang canteen.

Hindi nga ako nagkakamali. Nandito siya kasamang nakaupo ang mga kaibigan niya at yung mga babaeng nangfflirt sa kanya. Kung di ako nagkakamali sila yung mga babaeng nagmemake up sa classroom kanina.

"Hoy! Akin na yung ballpen ko. " lumapit agad ako sa tapat ng table niya at sinabi yon.

Kumunot ang noo niya na para bang nagtataka sa sinabi ko.

"Sabi ko akin na! " napasigaw na tuloy ako sa pagkairita. Aba siya na ang may amnesia.

"Jamie.. " bulong ni Anna sakin na pinipigilan ako.

"Sorry?? Yung ballpen ba ang tinutukoy mo? Tinapon ko na kasi eh. " preskong sagot niya. Nakita ko naman ang mga kaibigan niyang nakangisi sakin.

"Bayaran mo yun. Pinahiram hiram kita tapos itatapon mo lang?! Alam mo bang isang lunch ang di ko kinain mabili lang yung Gtech na yun?! " I can't beleive him! Nakakainis siya sobra!!

"Forget it. Who wants to pay that cheap ballpen of yours anyway? " he chuckled at talagang sinabayan pa ng tawa ng mga kaibigan niya. "If you want too.. Gusto mong makabawi ako sayo so now I get it. " tumawa tawa pa siya habang sinasabi yun.
Nagtaka naman ako dun. "Anong ibig mong sabihin? "

"C'mon. Gusto mong makipagdate sakin diba? I'm sorry pero hindi ako nakikipagdate sa mga hindi ko kilala.. Pero dahil sa ballpen mo, sige pagbibigyan kita."
Kumindat pa siya matapos sabihin yun habang ako nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Bakit signal no. 5 sa lugar na ito??

"What Hansel?? You're asking her on a date? This is impossible! " sabi nung malandi kong kaklase na naka angkla sa braso niya.

"Hindi ako ang nag aya, siya. " sagot naman niya. Tumingin sakin yung babae tapos inirapan ako. Psh Kainis lang.

"Hinding hindi ako nakikipagdate sa--"

"Teka sino ka nga ba ulit?? Makikipagdate ako sayo tapos di ko alam ang pangalan mo. This is funny. " tumawa ulit siya.

Teka di niya alam pangalan ko?? Almost 3 years ko siyang classmate sa lahat ng subjects ni first name ko di niya alam?!

Hansel Lorenzo. Nakakainis ka talaga!!!

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon