Chapter 7

34 2 0
                                    

Perfect

Break muna tayo sa love story ko. Love?? Teka nga.. Hindi pala love. Ah basta, hindi na muna kasama yung lalaking yun sa chapter na to. Alam niyo na kung sino yun.

Summer vacation na kasi eh. Ayun, naghahanap ako ng summer job. Kailangan ko kasing mag-ipon para sa pasukan. Full scholar naman ako sa school namin kaso yun nga lang, may mga expenses parin na hindi kasama sa scholarship allowance ko.

Mga two years narin akong nagsusummer job. Karaniwan sa mga fastfoods ako nagaapply bilang crew. Minsan naman sa mga office. Mga secretarial jobs. Ganun.

" Wala ka pang nahahanap na trabaho Mie ah. " itatanong niyo kung sino ang kasama ko? Si Anna. Hindi naman siya nagaapply, nagpasama lang talaga ako sa kanya. Wag niyo muna itanong kung nasaan "siya". Pero sige kung talagang curious kayo, sasabihin ko na. Nagbakasyon siya sa Switzerlands sa lolo't lola niya. Hindi ko lang alam kung kelan siya babalik. Hindi niya naman sinasabi eh.

Hayy! Diba sinabi ko na banned muna siya sa chapter na to?

"Oy! Napapailing ka dyan? " yan tuloy nakalimutan ko na may kasama pala ako.

" Sorry. May iniisip lang ako. " at nakita ko naman siyang napangisi. " Kung ano yang sasabihin mo, wag mo nang ituloy. Iniisip ko lang kung pano ko makakakuha ng trabaho. " hay nako talaga. Makakain na nga lang ng french fries. ( Nandito pala kami sa Mcdo. Courtesy of Anna yung foods. XD)

" Talagang lang ah. " at parang di pa siya kumbinsido sa sinabi ko.

" Anna, may tanong ako. "

" Hmm? "

" Bakit tinawag na french fries ang french fries? "

" Alam mo, gutom lang yan. Kumain ka nga. Ikaw napaghahalataan ka eh. " mukhang nabanas ata siya sa tanong ko. Eh bakit ba kasi yun ang lumabas sa bibig ko?

" Na ano? " tanong ko nalang pabalik sa kanya.

" A feeling of strong or constant affection for a person. Nakks, kabisado ko yung webster!" at talagang sinasabi niya pa yan with feelings. Mabato nga ng fries.

" Hindi ako inlove no! "

Tumawa pa ang bruha. " Defensive! "

Hindi ako inlove no. At hindi ko pa yun naramdaman ever. Inaamin ko, naaamuse ako sa mga ipinapakita niya sakin. Lagi nga siyang tumatawag at nagttext mula ng umalis siya eh. Pero hindi ko muna kailangan ang mga petty feelings na yan sa ngayon.

" Kumain na nga lang muna tayo Anna. Maghahanap pa ko ng trabaho. " tinatigan lang ako ng kaibigan ko na nakakunot ang noo. Pero hindi narin naman siya nagsalita pa at nagpatuloy nalang kumain.

Bata pa naman ako eh. Hindi ko pa kailangang seryosohin to. Alam kong merong tamang time dito.

"Hayy, hanggang ngayon wala paring tumatanggap sakin. Nakakalungkot naman. " naupo nalang ako sa isa sa mga benches sa mall dahil sa pagod. Nauna nang umuwi si Anna dahil tumawag ang mama niya. Hindi na nga tumigil ang isang yun sa kakaasar sakin eh.

" Oy Miss! Ikaw na!" nagulat naman ako sa biglang kumalabit sakin mula sa likod. Paglingon ko isang nerd na lalaking nakangiti ang nakita ko. Cute siya, maputi, tsaka singkit ang mata na merong black-rimmed glasses. Tss. Naaalala ko tuloy si Kim Bum. Tamad lang akong tumingin sa kanya. " Ikaw na talaga ang hinahanap namin! " tapos pumalakpak pa siya pagkasabi nun. Tss. Sayang na lalaki.

" Huh? " ako hinahanap? Nawawala ba ako?

" Oo. Bagay na bagay ka sa trabahong to. Teka, naghahanap ka ba ng trabaho? " biglang nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya. Trabaho? Yess!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon