Red
"May inlove, may inlove, may inlooovveee!!"
"Anna tumigil ka nga dyan, yang bunganga mo. Ang aga-aga eh! " may hang over ata si Anna sa ininom naming rootbeer kagabi. Dito nga pala siya sa bahay nagpalipas ng gabi. Mahaba haba ung naging usapan namin eh.
"Anong sinabi mo ate Anna? Si Jamie may boyfriend na? Ma!! " isa pa tong si Jack, pasaway din.
" Hoy, sabing ate ang tawag mo sakin! Ikaw ta--"
"Ano ba tong pinagkakaguluhan ninyo? Ang aga-aga nag-iingay kayo? " pumasok si mama sa salas na basa ang mga kamay. Pinahid niya ang mga ito sa laylayan ng kanyang tshirt.
"Si Jamie po may boyfriend na. " at nakangisi naman ng nakakaloko ang dalawang asungot sa akin. Tumaas ang kilay ni mama.
"Wag kang maniwala dyan ma, hindi yan totoo. " napairap tuloy ako.
" Jack, mas matanda sayo ang kapatid mo. Tawagin mo siyang ate. Yang ate mo, malaki na yan. Hindi na ko magugulat na mayroon na yang natitipuhan. Pasasaan pa'y mag-aasawa rin yan at--"
" Ma, 19 palang ako. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan, tsaka hindi po totoong may boyfriend ako no. Ito kasing si Anna eh. "
Tumawa naman si mama. " O sya, kumain na kayo at tatapusin ko lang ang labahin. Basta aral muna mga anak ah. Ikaw rin Anna. "
"Oo naman po tita. " ani Anna. At lumabas na si mama.
" Ako bawal parin maggirlfriend?"
" Tumigil ka na nga, bata ka pa. " at pinisil ko ang ilong niya.
"KJ mo ah. " at yun, nilayasan ako ng magaling kong kapatid.
*****
"Sino kaya ung bagong teacher? At bakit patapos na ng sem di pa siya nagpapakita? " naisalita ko ang pag-iisip ko dahil isang linggo ng wala ang terror teacher namin. Remeber Ms. Diaz? Oo nagresign siya. At sabi meron daw papalit pero hanggang ngayon di pa nagpapakita.
"Anong patapos na ang sem? Eh two months pa kaya no? Nakakayamot na ngang pumasok eh. " si Anna yung sumagot habang may tinatype sa cellphone niya.
" Sino ba yan? " tinry kong silipin ung phone niya pero tinaas niya para di ko makita.
" Secret. " yun lang ang sinabi niya.
" Hmp. " inirapan ko nalang. Nangingiti pa ang babaita na parang kinikilig.
Di nagtagal, biglang natahimik ang maingay naming mga kaklase. Parang may dumating ata. Teka baka--
"Good morning class. I'm Red Lopez, your new instructor starting today. Before we start our lessons, let me check your attendance. " inaamin kong gwapo ang teacher namin, kaya nga natigilan itong mga classmates ko eh. Matangkad, tama lang ang kulay, at may malalim na mata.
Tumingin ako sa paligid para obserbahan ang reaksyon ng mga classmates ko at parepareho sila ng ekspresyon. Mga mukhang nakakita ng artista. Pero nabigo talaga ako dahil inaasahan kong--
" Miss Sanchez. " nawala ang mga iniisip ko sa pagtawag sa apelyido ko ng aming bagong guro.
" Ah. Present. " tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at nang nakita niya ko, ngumiti siya.
" Uy, ngumiti si sir sayo. Gwapo niya no? " nagkibit nalang ako ng balikat at pagtingin ko sa harap, isang lalaking pamilyar ang nakatayo ngayon sa may hamba ng pintuan.
"Si Hansel oh! " narinig ko pang bulalas ng mga babae kong kaklase.
"I'm sorry for being late sir. " bigla niyang sabi at bago siya maglakad patungo sa upuan niya, napansin kong tumingin siya sakin. Segundo lang ang itinagal non at pagkatapos ay tuluyan na siyang naglakad.
BINABASA MO ANG
This is Me
General FictionIto ang kwento ng istoryang pilit bibigyang buhay ang kwento kong walang ka buhay buhay.