Changes
" Talaga sir? " hindi ko mapigilang hindi matawa sa usapan namin ngayon.
" Ang gullible mo naman! Inaasar mo naman ako eh. " lalong tumingkad ang pagkakangiti niya.
"Ano naman pong masama sa pangalan niyo? Ang cute nga po eh. " natawa na naman ako.
" Kung sakaling magka-anak ka hindi mo naman siguro papangalanang yellow yun diba? "
" Bakit naman hindi? Maganda nga yun eh."
" Yeah right. " parang namungay ang mga mata niya habang nakatingin siya sakin ngayon. Nakaplaster parin sa mukha ko ang ngiting nabuo sakin simula nung makiupo siya para sumabay saking kumain.
Unti unti itong nawala nang mapansin kong hindi natanggal ang titig niya.
" Ahh.. Sir, m-may next class pa po ako. Mauna na po ako sa inyo? " parang ang rude naman ng approach ko? Eh kasi bigla akong nahiya dahil pinagtawanan ko ang pangalan niya to think na teacher ko pa siya. Nakakahiya.
" Ahh.. S-sure. I'm sorry natagalan ka sa pagkain mo. By the way, nice meeting you." naglahad siya ng kamay sakin.
Naiilang man ay tinanggap ko iyon. "Ako rin po sir. " ngumiti ako at ngumiti rin siya tapos nun naghanda na ako sa pag-alis ko.
Lalala lala.. Kumakanta kanta pa ako habang naglalakad sa may hallway papuntang room namin.
Nahinto ako sa paglalakad kasi tahimik ang paligid. May event kasi sa gymnasium. Siguro nagsipuntahan ang karamihan para makisilip kung anong meron.
Hayy. College students talaga. Nagtext na nga si ma'am na may klase kami sa Cost Accounting eh. Favorite subject ko pa naman yun.
Nagdesisyon akong pumasok nalang. Syempre favorite ko yun eh.
"Hoy. " nagulat naman ako sa narinig kong boses sa likod ko.
Alam ko kung sino yun eh. Nakakainis siya. Matapos akong itrato akong parang hangin heto at basta basta nalang nagho-hoy!
"Hoy ka rin. " hindi na ko nag-abalang harapin siya. Bahala siya diyan.
Napapansin ko parang ang haba naman ng hallway at ang layo layo pa ng room namin. At pansin ko rin na wala siyang balak na wag akong sundan. Siguro papasok din siya tulad ko. Whatever.
" Kamusta na? " di naglaon ay pumantay siya sakin at ngayon ay sabay na kaming naglalakad. Walang emosyon ang pagkakasabi niya non.
Bakit ba niya kailangan tanungin ako niyan? Seriously, hindi naman sa nagtatampo ako pero biglang nagbago ang pakikitungo niya. I know I don't have the right to ask that dumb question to him. Pero pinaramdam niya na parang wala... Eh kasi nga wala naman talaga. Hindi naman kayo magkaibigan. Classmates lang kayo. Acquaintance. That's the perfect word. And now that I've been thinking that there's a sudden change to him, I'm definitely wrong.
Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. At inunahan ko siya.
"Hey! " agad naman niya kong sinundan kaya ang kaninang mabilis na paglalakad ko ay naging takbo na.
Natalo ako dahil paglingon ko sa harap ay pader na ang mababangga ko. Dead end na pala. Nahawakan niya ko sa braso na ikinagulat ko.
" Bitiwan mo nga ako Hansel! " hingal na sabi ko.
" Let me talk to you. " seryosong saad niya at saka ako tiningnan sa mata.
" Ano bang pag-uusapan natin ha? " sa totoo lang nababato ako sa sitwasyon ngayon. It's too much cliche. That soap operas.
Hindi naman siya nag-abalang sumagot at basta nalang akong hinila.
" Ano bang problema mo ha? " inis na tanong ko habang nagdradrive siya ng kanyang kotse.
" Wala. Ikaw? What's the problem with you? " napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
" Hay ewan ko sayo! Ibaba mo na nga ako!" konti nalang sasabog na ko sa galit.
Hindi ko talaga siya maintindihan.
" Anong pinag-usapan niyong dalawa? " lalo naman akong nagtaka sa tanong niya.
" Anong pinag-usapan namin ha? Tsaka sino ba yung tinutukoy mo? "
" The teacher. Mukhang nagkakamabutihan kayo ah. You're close already? " ngayon naman napansin kong kumunot ang noo niya at humigpit ang hawak niya sa manibela.
Seriously, what's wrong with him? I have two theories constructed in my mind. Yung una ay may problema siya kay sir Red. The second one is that he's sounding like a jealous boyfriend. Mas kapani-paniwala yung una.
" May balak ka bang sagutin ako ha? "
" I don't have to explain myself to you. At isa pa, why are you asking me that? Kung may problema ka man don then I have nothing to do with that. Don't come and grab me then investigating me like you're a jea--"
" I'm jealous alright?! That's it... I guess you understand now. "and now I'm speechless. Kita ko ang pamumula ng mukha niya. Tumingin siya sakin at umiwas ulit. Narinig ko ang mahinang pagmumura niya.
Hininto niya ang makina ng sasakyan dahil sa traffic. Ilang saglit kaming natahimik. Hindi madaling iabsorb ang mga sinabi niya ngayon lang.
" Can you please give me a better alibi? Kasi hindi kapani-paniwala ang sinabi mo eh. Mas papaniwalaan ko pa kung sinabi mong galit ka kay sir Red eh. " still, I am not convinced with what he said a while ago.
" Why can't you buy my reason ha? You think I'm lying to you? "
" Wala akong sinabing ganon. Ang sa akin lang... Impossible kasi eh. I know you know how unlikely I am to be liked. " hate me for my low self-esteem.
" How could you say that? Tss. " napakamot siya sa ulo niya. " Believe what you want to believe, but don't ever accuse me a liar. Because I'm not lying when it comes to my feelings. Damn! "
Patuloy lang na nalalaglag ang panga ko. Rinig na rinig ko parin siya napatuloy na nagmumura. Well I'm not denying that he showed concern for me before but that's too early to say it's affection. Tsaka yung kanina na hindi niya pagpansin sakin? How could he reason out that?
Huminga ako ng malalim. " I believe you for now. Pero pwede mo bang iexplain sakin kung bakit mo ko dinedma kanina. We aren't friends pero yung kanina sa may canteen? Iniwan mo nalang ako non kahit di pa ko tapos kumain. Tapos you're saying now you're jealous of what you've seen kanina? That's quite confusing for me. "
"You wouldn't believe that I nearly want to break the neck of the teacher because of the attention he was giving to you. Mula pa kanina sa klase kung pano ka niya tingnan at ngitian. At ikaw naman parang tuwang-tuwa pa like you have a big crush on him. You know, excited akong makapasok ulit dahil makikita kita but I got disappointed with the way you give your attention to him."
Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Still unable to speak. With his brown eyes full of intensity.. I nearly got dizzy.
" And I'm sorry dahil iniwan agad kita kanina. I just want to see your reaction upon doing that to you. And I guess natuwa ka dahil sa presence ng teacher na yun. " tumawa siya na naiiling.
" W-why are you jealous? Do you like me?" jusko nahiya naman ako sa tanong ko. Eh kasi first time lang na may umamin saking lalaki tungkol sa feelings niya.
" You answer that Jamie. Ikaw ang pinakamatalino sa klase and yet you cannot find out? With all the hints and clues? "
Pinaandar na niya ang sasakyan. Nanatiling palaisipan ang mga sinabi niya ngayon.
" Look. I know there's a sudden change in me and I don't know when it started. It's disgusting, you know. But I won't deny this change. And you've got to deal with that. "
Bigla ay parang tumigil ang mundo ko sa paglapit niya sakin at mabilisang hinalikan ang pisngi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Muli ko siyang tiningnan na nakangiting nakatingin sa kalsada.
BINABASA MO ANG
This is Me
General FictionIto ang kwento ng istoryang pilit bibigyang buhay ang kwento kong walang ka buhay buhay.