Courtship
Hindi ito ang pinangarap kong maging linya ng istorya ng buhay ko.
Masyadong maraming cliches. Typical na makikita mo sa mga dramas sa tv. Sabagay, sino ba naman ako para magreklamo diba? Simpleng tao lang rin naman ako eh. Na may simpleng buhay.
Eh ano ngayon ang problema ko? Hay, ang labo ko talaga. Ang gusto ko lang naman eh magkaroon ng konting thrill sa buhay ko. Yung hindi mo inaasahan kung anong susunod na mangyayari.
Sabagay, hindi ko rin naman inaasahan na magkakagusto siya sakin eh.
Alam ko na kung anong gusto niyong malaman. Nagtatanong kayo kung anong nangyari nung sandaling yun noh. Sige na nga ikukwento ko na.
"Huy, san mo ba ako dadalhin ha? " di agad ako nakabawi sa sinabi niya kanina. Speechless parin ako eh.
Lumingon siya sakin saglit habang nagdridrive siya at saka sinabing " Sa bahay ko. Iuuwi na kita. "
" Ano?! Bakit mo ko iuuwi sa inyo eh hindi ko naman bahay yung bahay mo? " nababaliw na talaga ang isang to.
" Didn't I told earlier na gusto kita? So what do you think are we doing in my house? " kahit na nagkakaideya na ako sa gusto niyang mangyari pinilit kong wag paniwalaan yun. Tapos ang husky pa ng boses niya pagkasabi nun. Jusko ganito nalang ba kadali mawawala ang iniingatan ko?
" A-ano ba yang pinagsasabi mo? I-ikaw talaga mapagbiro ka hahaha. " dinaan ko nalang sa tawa yung nararamdaman kong kaba.
" I'm serious about it. So please don't laugh at me. " Oh my God seryoso talaga siya.
" Eh kasi.. Ano eh... H-hindi pa kasi ako handa sa ganun eh. " nako di na talaga ako mapakali sa sobrang kaba.
" Wag kang mag-alala dyan. Akong bahala sa mangyayari mamaya. " then I saw him smirk. Patay na Jamie.
Bago pa man ako makaalma, pinark na niya ang kotse sa malamang parking lot nila. Ni hindi ko manlang napansin na nandito na pala kami sa bahay niya.
Hawak hawak niya lang ang kamay ko habang papalapit kami sa pintuan ng bahay niya. Malaki ito. Mayaman nga talaga siya.
Pinagbuksan kami ng mga maid. Binati siya ng mga ito na hindi niya naman pinansin. Basta kinaladkad niya na lang ako sa kung saan.
Pigil ang aking hininga, sumunod nalang ako kung saan siya pumunta. Napansin kong nasa may bandang kitchen kami. Teka, wag niyang sabihing-
Mali. Dahil dali-dali ay kinaladkad niya naman ako papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Hindi. Hindi pwedeng mangyari to. Kailangan mong kumilos Jamie. Hindi pwedeng wala ka nalang gawin dyan! Basta kahit anong paraan makaalis ka lang dito!
Pipihitin niya na ang pinto ng siguro'y kwarto niya nang bawiin ko ang aking kamay at sinampal iyon sa mukha niya. Napahawak siya sa pisngi niyang namumula at gulat na napatingin sa akin.
" Walanghiya ka! Ano bang akala mo sa akin ha? Na isa akong bayarang babae? Ang kapal mo talaga! " balak ko pa sana siyang sugurin kaso nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.
Niyakap niya ko mula sa likod at tinakpan ng kamay niya ang bibig ko. Ito na naman yung abnormal na pagtibok ng puso na to. Pero wala kong panahong isipin yon dahil kailangan ko pang tumakas dito.
" Ahh!!! " hindi ako yan. Siya yon kasi kinagat ko lang naman ang kamay niyang nakatakip sa akin.
" Buti nga sayo!" at tinakbuhan ko na siya.
BINABASA MO ANG
This is Me
General FictionIto ang kwento ng istoryang pilit bibigyang buhay ang kwento kong walang ka buhay buhay.