Despicable
3 days.
Pagkatapos niyang sabihing gusto ko daw makadate siya ay hindi na talaga ako tinigilan.
Nasabi ko na bang nalaman niya ang number ko sa di ko alam na paraan? Oo totoo at pagkatapos di na siya tumigil sa pagttext sakin.
"Guys pakipasa nalang ang mga papel sa likod at chechekan na natin." sabi nung prof sa harap. Si Ms. Diaz ulit.
"Jamie yung papel abutin mo na." untag sakin ni Anna at inabot ko naman.
Halos di ako makagalaw sa pwesto ko ng makita kung sino ang may-ari nito. Kasabay naman nun ang pagvibrate ng phone ko.
Hindi na ko nag abalang tignan kung sino dahil nasa loob ako ng klase.
"Si Hansel pala ang chechekan mo? Icheck mo na yan lahat dahil sigurado perfect yan. " si Anna yung nagsalita. Sinilip niya kasi yung papel na nasa desk ko.
Hindi nagbibiro si Anna. Matalino talaga yung mokong na yun kahit wala sa itsura. Lagi nga niyang perfect yung exams namin kahit bihira lang siyang pumasok ng klase. Ewan ko dun ang hilig umabsent. Hay bakit ba ko nagkwekwento ng tungkol sa kanya??
Balik tayo sa sinabi ni Anna. Hindi ko nalang siya pinansin. At peste lang kung kanina nagvivibrate yung phone ko ngayon naman..
babababa banana babababa banana banana.. Potato naaa....
Sa sobrang hiya ko napadampot ako sa cellphone ko sa bag ko at pinatay iyon.
Narinig ko pa ang mga tawanan ng kaklase ko sabay asar sakin. Kita ko pa si mam na pinipigil ang tawa.
Seriously??! What's wrong with my ringtone? Eh sa yun ang gusto ko wala kayong magagawa.
Haay. Sinilent ko nalang ang profile ng phone ko. Marami kasi ditong OA kung makareact eh.
As expected, perfect na naman ni Hansel ang exams. Di nga pumasok yun ngayon ewan ko kung bakit.
"Jamie papel mo." inabot sakin ni Luis ung papel ko.
"Ahh!!! Sabi ko na nga ba may tatlo akong mali eh... Haaaay..." napabuntong hininga ako pagkakita ng papel ko.
"Sus! Para yan lang. Wag ka ng madisappoint dyan sigurado ikaw naman ang top 3-"
"Yes perfect!! Sabi ko na sisiw lang tong Finacc eh. Yes! " naputol ang sinasabi ni Anna sakin nung biglang magsalita si Aaron ng ganon. Ang lakas nga ng boses niya halata mong nagyayabang na naman.
"Ang galing talaga ni fafa Aaron no? Ang gwapo pa ayyiee!!" mahinang sabi sakin ni Anna habang nakatingin dun sa mongoloid sa harapan.
"Whatever. " walang gana kong sabi at binaling nalang ang atensyon sa cellphone ko.
Nagulat naman ako pagkakita ko sa cellphone ko. Mokong 25 missed calls.
Ay peste! Di niya ba talaga ako titigilan??!
Sa muling pagtawag niya lumabas na ako ng room para sagutin siya. Umalis naman na si mam eh."Hoy ano ba?! Hindi mo ba ko titigilan? Grabe nang pagpapahiya ang ginawa mo sakin ngayong araw ah! Kung wala kang im--"
"Grabe ganyan mo ba ko namiss? Tatlong araw palang tayong di nagkikita miss mo na ko. Sweet mo ta--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi pinutol ko na.
"Miss miss ka dyan! Heh magtigil ka! Pag pasok mo makikita mo! Nako nakakainis ka talaga!!! "
"Wag ka namang magalit sakin. Kasalanan ko ba na minions ang ringtone mo? Hahaha sana nandon pala ako no? "
"Hoy pano mo nalaman yon ha? Argh!! Kainis ka I hate you! "napikon na talaga ako sa kanya kaya napasigaw na ako. Bigla namang nagtinginan ang mga taong nakakita sakin. Haay. Sobra na talaga to.
Narinig ko namang tumawa siya ng malakas."Nakakatuwa ka talaga. Anyway hindi mo ba ko tatanungin kung bakit ako tumawag? "
Ay oo nga no. Bat ko pa siya kinakausap? "Hindi. At wala kong pake kahit di mo sabihin sakin. Kung di mo lang ibabalik yung Gtech ko, mabuti pa wag na tayo magusap. Bahala ka na dyan. " at binabaan ko na siya ng telepono.
"Talagang ayaw mo sa akin ano?" bakit kahit binabaan ko na naririnig ko parin ang boses niya? Hay tama na nga. Wild imaginations ko lang to siguro.
Nagsimula na akong maglakad pabalik ng classroom nang may biglang humawak sa braso ko para pigilan ako. Humarap ako sa humawak sakin at pagtingin ko...
"Ay palaka! " halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang mukha ni Hansel na nakangisi sakin.
"Di mo ba ko namiss? Ako namiss kita. " at sabay kindat niya pa.
BINABASA MO ANG
This is Me
General FictionIto ang kwento ng istoryang pilit bibigyang buhay ang kwento kong walang ka buhay buhay.