Chapter #12 The Walking Late

64 0 0
                                    

Kinabukasan...

As usual I'm late again...

Sa araw-araw na lang ng aking everyday life I'm always and will always be late.

Lahat na ata ng excuses for being late nagamit ko na at naitext ko na sa boss ko.

From...

Sir ang haba ng pila sa FX as in umabot na po ng 1 kilometro. (Paano ko nalaman? Exaggeration ko lang yun hindi ko un susukatin ano ako bale?)

Sir nahuli po ung driver ng FX, may pulis po kasing hindi pa nagbrebreakfast sa daan ayun humingi ng pang starbucks.

Sir nasiraan po ung sinasakayan kong FX eto ako ngayon alone and nag-aabang ng kahit ano FX, Taxi, Bus, dyip if may pedicab nga papatusin ko na rin para makapasok lang at hindi malate.

Sir naiwan ko po ung wallet ko binalikan ko pa po sayang nga po kasi kanina andun na ako sa pinakaunahan ng pila ng FX ayun pagbalik ko ang haba na naman ng pila.

Sir wala pong FX na masakyan trapik daw po ata sa EDSA pabalik dito.

Minsan I tried riding the MRT and hindi pa rin yan nakabawas sa pagiging late ko.

Sir skip train po ang MRT grabe, ang daming tao and I can't move.

Sir, I'm dying here ang haba ng pila abot na hanggang EDSA daming tao sa MRT Station.

Sir what have I done, grabe ako na ung papasok sa station eh. Nagstop entry pa matatagalan na naman ako nito makapasok.

Sir nasiraan ung MRT huminto po in the middle of nowhere as in no way na may bababaan to get out and sumakay ng taxi.

Kala nyo cheap ako, nagtry din akong magCAB pero late pa rin...

Sir late ako nagising napuyat po kasi ako kagabi kakapanuod ng America's Next Top Model. Ayun late na akong nakatulog at yes nanalo yung bet kong contestant.

Totoong malalate ka kahit nagtaxi ka baket?

Ah may sandali lang po talaga naiihi na po ako talaga igigilid ko lang po muna (Ay sige kuya ilabas mo na lahat yan baka gusto mo pumasok pa sa fastfood chain para makigamit ng CR nila. Kairita nagmamadali na nga ako eh bigla pang naihi. Pag ako ba naihi ihihinto nya ang Cab?)

one time isang matandang driver naman, Ah ma'am ilang taon na po kayo. Ako 59 years old na may tatlo akong anak lahat sila professional. Ayaw na nga nila ako pagpasadahin ng taxi. Itong taxi na to akin ito. Binili ng mga anak ko para sa kin, nun nakaraan naabutan ako ng malakas na ulan kaya ayun nagpalipas ako ng magdamag sa taxi ko. Alalang-alala nga sa kin mga anak ko tawag sila ng tawag kaso hindi nila ako makontak and his story goes on and on (Sobrang bagal magpatakbo ni lolo though I heart lolo pero please naman kaya nga ako nagtaxi eh nagmamadali ako hindi ako nagtaxi para makipagkwentuhan please naman po bilisan nyo na po)

So there kakabit na ata ng pagiging late ang kagandahan ko. Okay lang naman na malate basta maganda ka pa rin yung Tsunami walk at Cobra walk wala yan sa the walking late ko.

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon