Entry Entry #1 Ang Ganda Ko!

2.1K 39 53
                                    

Hay...

Ang ganda ko...

Ang ganda ganda ko...

Isa pa di pa ko nacoconvince eh...

ANG GANDA KO!

Bongga!

Pupunta ako sa mall, maggagala malamang ano pa ba sa tingin mo.

Oo ikaw titingin pa sa likod eh at aba teka magkakamot pa ng ulo soplakin kaya kita dyan!

Ikaw na nga tong nakikibasa dyan, ang hirap naman nito ang buhay ko open book, di naman ako libro.

Tao ako tao! Di po ako dyosa maganda lang talaga ako.

Baket ayaw mong maniwala, maligo ka kasi para matanggalan ka ng libag itsura nito.

Ang hirap mag-abang ng taxi, ang init-init may payong na nga ako may pamaypay pa sa kabilang kamay kulang pa rin. Sino ba kasi nagpauso ng pagjajacket kahit mainit, kung di lang ito in di ko gagawin to eh. 

Ah keber sa paghihintay ng taxi, ayun may jeep. "Kuya Para!", ay okay eto na sabay lakad ko paakyat ng jeep, meron pa? Parang wala na ata ayako namang bumaba nakakapagod nandito na ako eh saka mainit, di bale na may mga lalaki naman sana may magpakagentleman.

Kailangan gamitan ng ganda, wait paano nga ba yung nakita ko sa pelikula, ah ayun. Ipaling ang ulo paharap mula sa kanan pakaliwa, kailangan ung buhok sasama at medyo tatakip sa mukha sabay isang malakas na hawi pabalik para may wind effect at project ng close up smile ng konti at pout ng lips.

"Miss", sabi ng isang gwapong lalaki sa may kaliwa

Tinignan ko sya eye to eye contact at nagpademure.

"Yes", ang sabi ko sabay smile.

"Sasakay ka ba o hindi ang dami na kasing sasakyan na nakapila sa likod oh", sabay-sabay na nagbubusina ang mga ito. Ako naman ay parang nahimasmasan.

Antipatikong ito sampalin kita dyan ng kaliwa't kanan eh pero dapat composed pa rin ako.

"Ah kasi wala na atang pwesto, sorry...", sabi ko

Akmang bababa na sana ako pero may nagpaupo rin sa akin. Anak ng putakte, nag-abot ako ng bayad buo pero ang sinukli sa akin eh puro tagpipiso. Ano ako alkansya, tapos may sumakay pang babae na malusog sobrang lusog nya siguro ng namamahagi ng kalusugan gising na gising siya at sinalong lahat kung yung iba eh plangana ang dala sya ata eh drum di lang isa dalawa pa huh partida pagkaupo nya parang nahawi ata ung sa side ko. Ganun siguro nadama ng mga isda at mga lamang dagat nun hinati ang red sea.  Hala at medyo tumabingi ang jeep, maya-maya umaandar na ulit ito.

Sa kahabaan ng kalsada na tinatahak namin medyo nagumpisa ang kalbaryo ng dyip hindi ako, akala mo naman commercial ito ng imodium na ako ay namimilipit sa sakit ng tyan hindi noh di ko papayagang mangyari sa kin yun OMG! No no no... mabalik tyo sa usapang dyip.

Huminto ang driver sa pagmamaneho at tumingin sa likod, bumaba, umikot at tinadyak tadyakan ang gulong ng jeep. Iiling-iling ito na sumakay at nagmaneho ulit, kaya pa kaya itong umabot sa mall. Mukhang di na ata para lang kasing usad pagod at tila nagmamakaawa na ang dyip hihinto, iiistart at hihinto ulit sabay uugong ng napakalakas ano ba yun kaya pa nga ba. Andar, start, ugong. yugyog at usad ng paulit-ulit sa pagsapit sa destinasyon isang malaking ginhawa ata ang naramdaman ng dyip isang malakas na tsug at isang makapal na usok na ubod ng itim ang lumabas mula sa tambutso nito. Kaawa-awang dyip... Sa wakas nasa mall na ako...

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon