Diary Entry #4 Life... So Slow

346 10 14
                                    

Hala sa sobrang pagmumuni muni ko late na ako, tumakbo ako sa banyo bitbit ang mga abubot ko. Buti na lang at may hot water na buti naman, kinuha ko ang tabo at unti-unting nagbuhos...

Ahhh

Ahhh

Ahhhh...

Ahhhng iniiiiiiiiiiiiiiiiit!

Anu bay an, di nga ako giginawin mapapaso naman ako huhuhu ang makinis at maganda kong kutis baka mairritate. Kaya dali-dali akong naligo at nag-ayos for 30 mins...

Suklay...

Blower...

Suklay...

Blower...

Plantsa...

Eye liner

Eye shadow

Mascara

Blush on

Perfume

Lotion

Dress

Stiletto

Handbag

Ipod

At higit sa lahat...

Tumingin ako sa salamin at nagpaikot-ikot

Inispray ulit ang perfume sa dadaanan ko at nagcatwalk dahan-dahan para dumikit sa balat ko ang jasmine scent...

Oppsss...

Ang aking kikay kit pa pla, kinuha ko ag lipstick at saka nagpout ng lips ready!

Mommy, daddy im going to work, see yah later!

Hintay hintay ako ng dyip...

Antagal...

Hindi ako maglalakad papunta sa isa pang sakayan, nakakapagod naka heels pa naman ako. Di naman ako nagrereklamo ganun talaga ang kagandahan itoh ang tinatawag na tiis ganda... MAGTIIS PARA MAGMUKHANG MAGANDA!

Hindi ako maglalakad...

Hindi...

Hindi...

Oh hindi late na ako kaya unti-unti na akong naglakad papalayo...

Lakad

Lakad

Lakad

Na parang model sa runway...

Bitbit ang aking handbag na nakalagay sa kaliwang arm ko at ang arm ko ay nakadiretso lng ganito magdala ng bag ang mga sosyal un parang may patungan ang arms mo hindi ung parang mamamalengke ka lang na may sukbit na bayong (ayan may natutunan ka na naman sa akin bwahahaha). Lumingon ako wala pa rin dyip...

Hingal na hingal akong dumating sa isang sakayan ayun at sakto may dyip naman hindi pa ako nakakatawid pero naghintay sya aba gentleman si kuya drayber i like!

Pagsakay ko nagbayad ako ng 100 pesos, sorry wala akong barya. Lumingon si kuya drayber ilan po, isa lang ang sinagot ko. At ayun gaya ng dati barya barya lang sa umaga pero hindi ko akalain na barya barya ang sukli and one hundred ko nagging ten, five at one peso coins, pero keber may handbag naman ako kinuha ko ang hello kitty na hot pink kong coin purse at nilagay lahat duon.

Hay... buti na lang at aba teka andito pa rin kami sa pinagsakyan ko?!

OMG! What happened?!

Hintay ng 5...

6...

7...

8...

10 minutes ayun umandar din

Pero teka di pa man nakakalagpas ng isang kanto at aba huminto na naman, kuya naman eh...

Sana nagdrayber na lang kayo ng truck ng basura, hakutero kayo eh. Maski di sasakay hinihintuan kaya pala kesehodang mamaya pa ako makatawid sige hintay ka lang dyan...

Nagmamadali na nga ako pero ikaw nagmamabagal ka pa...

At ayun after paulit ulit na andar hinto nakita ko na ang babaan ko, gamit ang aking pademure modulated voice...

“Para po sa tabi”, ay teka si kuya walang narinig

“Para po sa tabi”,, inulit ko ng medyo may diin pero wa epek

PARA SA TABI!

PARA, BABABA!

Hindi huminto si kuya at tipong galit pa na nagsabi na wala ng babaan dyan. Ako naman sumagot ng kelan pa? Kahapon eh dyan rin ako bumaba, sige pagbigyan ang face magkakalines...

Para po dyan sa tabi na lang sabay turo ko sa waiting shade though di naman nya nakikita na nakaturo ako kasi nga nakatalikod sya. Aba eh gusto ko magtuturo eh, wala naming nuno sa punso dito sa highway diba?! Meron ba?

Sumagot na naman si kuya, ay hindi pede dun na lang sa kabila sabay sabay na kayo.

Ansabee?!

Hanudaw?!

Kuya ano ito field trip dapat sabay sabay bababa, as in fall in line pa arms forward? (Pauso nito oh joke yun joke?)

Hay sa wakas nakababa na rin ngaun naman problema ko ang pagtawid papunta sa sakayan ng bus haist!

Late na nga eh di pa nakisama, lyf nga naman!

Di bale maganda ako period!

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon