Diary Entry #3 What a Beatiful Day

474 9 19
                                    

Ahhhhh…

Ahhhhh…

Ahhhhhnganda ng umaga!

Lalo na pretty face ko ang makikita…

Kakapagod buti na lang I feel fresh kahit na ang messy ng hair ko…

Naalala ko tuloy nun one time feel ko magpakulot, eh wala pa ko pampasalon noon. Tama di porket mukhang mayaman eh mayaman talaga minsan nga kahit na fake ang suot mo basta kagandahan ka katulad ko eh hahablutin pa rin ng snatcher yung hikaw mo kahit na magdugo pa tenga mo kulang na lang sabihin mo kay kuya na oppsss wait-wait ako na itoh na nga oh tinatanggal na wag mo lang sugatan ang tenga ko ibibigay ko na buong puso. Kasi naman bente pesos lang bili ko dyan magagastusan pa ko sa pagpapaduktor noh!

Ay teka mabalik tayo sa pagpapakulot, ayun na nga sabi ko sa nanay ko noon ay mommy pala.

“Mommy, graduation na bukas”, sabi ko excited

“Oh, ano naman ngayon anak”, taking pagtatanong nya

Mommy sabi ko ulit na may halong pabeybi effect. Alam mo naman diba graduation, so need ko mag-ayos. Tinanong ako ni mommy, alam mo pala kailangan mag-ayos eh dapat bago pa lang umayos ka na. Bago pa lang nagumpisa ka nag-aral umayos ka na, eh san mo ba dinadala yung mga binigay ko sayong allowance yung kuya mo ang liit lang ng allowance Engineering pa yun eh ikaw ang course mo lang naman eh cosmetology triple pa ang allowance mo.

Ako naman syempre naginit ang ulo ko, mommy ang kagandahan ay hindi tinitipid kahit kalian pa man. Aba tignan mo ung mga artista, dati mataba nagpalypo na. Yun pango aba antangos na, yung mga maiitim ngaun malagatas na ang kulay alam mo ba kung gaano kamahal ang binayad nila para sa ikagaganda???

“Aba anak mga artista yun, artista ka ba???”, tanong nya sa kin na tila kulang na lang eh ipagduldulan sa mukha ko na hindi ako artista.

Oo mommy, oo mommy ang banat ko lagi na lang oo mommy…

Hindi ako artista pero mukha akong artista and that doesn’t count? Anak nyo ako anak, hindi ako baboy at lalong lalo na my brother is not a pig! Sabay talikod ko na medyo hihikbi hikbi…

“Bravo!”, pumalakpak si mommy. Yan ang anak ko pede ka ng mag-artista anak isasali kita sa starstruck, sa mga reality shows. Ipapakilala kita kay Kuya Germs, kay Ate V at Ate Shawie.

Ako naman, nagulat. Kelan nya pa naging kapatid ang mga iyun, ampon ba ako?

Ay mommy tama na nga yan, baka mamaya pati si Princess Diana eh kakilala mo pa, baka tumambling na ako sa pagkagulat. Ayun na nga mommy, sabi ng professor ko may award ako kaya need ko magpakulot now na.

Pero dahil wala kaming pera, ang nanay ko nanghiram ng curlers sa kapitbahay…

Mga 7PM n noon at 6AM ang alis naming papuntang graduation ceremony…

Lagay ng curlers, lagay ng curlers hanggang mapuno ang ulo ko. Oh anak matulog ka na opo mommy. Pero teka pano ko matutulog nito eh nakacurlers ako OMG!

After ilang minutes ayun ako natutulog ng nakaupo sa harap ng PC yung lang kc ang upuan na may cushion, tulog… tulog… hilik… tulo ang laway… Tuka tuka ng keyboard blag! Aray! Oh anak gising na 5AM na maligo ka na at magtatanggal pa tyo ng curlers mo.

So best dress ito, graduation eh. Dress check, stiletto check, accessories check, toga check pero di ko toh susuotin mamaya pano makikita ng mga klasmeyt ko ang magandang dress ko kung magtotoga ako saka ang curled hair ko pano masisira ng cap ng toga. Di ako makakapayag, nagtiis akong matulog ng nakupo para sa ikagaganda ng hair ko tapos tatakpan lang noway highway!

Sa open court pala ang graduation naming, hala sige pawisan sa init at tagaktak na pawis saka uhaw. Pero minsan lang ito.

Aba humangin, okay

Lumilim, okay

Medyo nagkaclouds, okay

Ang kaso kumulog…

Kumidlat…

At bumuhos ang malakas na ulan…

Ayun ang curls ko nanguluntoy…

Ang mascara ko naging eyes shadow ng babaing iniwan ng boyfriend na halos matalo pa ang mga emo sa pagkaitim sa sobrang kakaiyak. Ang graduation ko naging haloween party parang walking dead…

Pero hindi ako natinag, umakyat ako sa stage at tinanggap ang award ko. At sinabi sa sarili ko hinding hindi na toh mangyayari ever!

Next time magpapakulot ako sa salon hindi na sa bahay!

Tapos nagpicture picturan na at kinabukasan ayun sinipon ako hahaha.

Old times nakakatawa, pero ngaun hindi na ako ang dating ako kasi hindi lang ako maganda ngaun dahil ako’y MAGANDANG MAGANDA! (Wag ka na umangal ikaw na kaya gumawa ng story dito).

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon