Diary Entry #10 Use Bright in a Sentence

211 4 4
                                    

Pssst…

Paglingon ko nasa likod ko na si Ube…

“San tayo kakain?”, ang tanong nya habang sinusundot sundot ang arms ko

“San nga ba?”, sagot ko habang nag-iisip

Napatingin siya sa akin at sumimangot

“Kayo naman mag-isip, lagi na lang ako”, ang sagot niya habang nagtatampo-tampuhan

“Okay fine, Kahit saan”, sagot ko na nakasmile (hahaha)

“Alam mo gusto ko dyan, sa Kahit saan tapos bibili tyo ng kahit ano. Ang gulo mo”, sumisigaw na sya na halos kita na ang uvola (yun ung tear drop like na makikita pagsumisigaw na ung mga cartoon characters sa TV)

Ehem kahit maganda ako bright naman ako…

Beauty with brains sabi nga dibah…

Ansabee pa nga ng tita ko one time…

Bumili tayo ng shades kailangan ko yun…

Hala shades daw eh gabi na oh, muka lang maliwanag kasi nasa mall pa kami that time…

Tinanong ko siya why???

Ansabi ba naman kasi Hija ang bright ng future mo nasisilaw ako…

Ang tita ko may pagka-KORNEEE kung minsan…

Walang konek kung naghahanap kayo…

Mabalik na nga lang tayo kay Ube na tumutunog na ang tyan sa kagutuman…

“Si Makisig ang tanungin mo”, isa na namang bright idea ko

Parang oo or hindi lang yan na question eh…

Pagtinanong ka ng gwapo ba ung bf ni ano…

Mapapahinto ka at magiisip kunwari…

Matangkad, yan ang unang sagot ko

Tatanungin ka nila ulit, gwapo ba?

Mukha syang mabait…

Ang sabi gwapo ba???

Ah bagay naman sila…

Anu ba gwapo nga ba???

Mamaya pupunta sya tignan nyo na lang

Note: Sabi ng lola ko “If you can’t say anything good, just shut up”

Ang motto ko look at the bright side…

Naku pang ilang beses ko ng ginamit ang word na bright sa diary entry kong itoh ah…

After 30 minutes

Nakapagdecide na rin kami, eto na kami sa foodcourt, namimili if which food stall shall we eat…

Nauna si Ube na bumili ng food…

Spaghetti ang napili niya with chicken and garlic bread…

Mukhang masarap yun ah…

Napalingon ako sa isang side ng stall…

Andun si Makisig…

Bumibili sa isang stall na ang name ay Awesomeness

Masarap kaya dun???

Awesome kaya???

Korean style na food eh

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon