Diary Entry #2 Imaginary Friend

771 17 16
                                    

Ang ganda ...

ay nasa isip lamang...

Isipin mong maganda ka...

Kahit hindi...

"Manong sandali lng, para lang po", sabi ko sa mamang drayber sa unahan ng dyip.

Akmang bababa na ako ng biglang tumayo ang babaeng mataba sa may tabi ko. Siguro nahirapan sya sa pagkakaipit ng mga taba nya sa sobrang siksikan na sasakyan.

Aba teka rewind-rewind nga ng konti!

Kung nahirapan sya ano kaming mga katabi nya nagdusa??? Eh daig pa namin ang nagpenitensya  sa pagkakadagan nya.

Di naman ako mapanlait, nagsasabi lang po ako ng katotohanan. Di naman ako mashadong kagandahan kasi magandang maganda ako hahaha etchos lang.

Ang bawat tao may kanya kanyang ganda... kanya kanyang katauhan na tanging sila lang ang nagtataglay.

Prangkahan na ito magalit na ang dapat magalit...

Teka baket seryosohan ang drama ko ngayon, diba nandito ka para tumawa at malibang. Makalimot ng problema pero wag ka akala mo lang dahil pagkatapos nito andyan pa rin yan at mas dadami pa.

Umpisahan na natin ang pagmamasid habang nasa mall at naglalakad.

Tara samahan mo ako kunwari isa kang imaginary friend or si Casper kaya friendly...

Tara tignan mo yung guard na nasa entrance ng mall, sa tingin mo nachecheck nya ung bag ng mga tao sa pagdutdot lng ng stick sa  loob ng bag o ung pagpagtingin kunwari eh makakatulong sa pagcheck if may bomba o wala. (Sabagay if may dala ka bang bomba eh magpapacheck ka hahaha!)

Sa paglalakad namin ng imaginary friend ko nakakita kami ng maraming interesting and not so interesting na mga bagay, tao, hayop at pangyayari...

Isa na itong magboyfriend-girlfriend sa harapan na kung makapaglakad eh parang naglalakad sa ilalim ng buwan or yung tipong hawak kamay pa sila and sa bawat paghakbang eh may tumutubong bulaklak sa daan at may mga butterflies pa na lilipad-lipad at isang malaking rainbow ang nasa kalangitan. Hay... (Ay teka excuse me ateh at kuya wag dito maraming tao ang nagmamadali sana lumingon kayo sa likod ang daming tao na ang nasa likuran na kung ikukumpara sa mga kotse at trapik sa edsa eh bumper to bumper na)

Ah sa wakas nakaligtas na sa karamihan ng mga tao na naglalakad...

Ah eh teka anu ba!!!

Blag!

Isang lalaki ang nakabangga sa isang manong na sobrang daming bitbit nagkalat ang mga pinamili nito nagkagulo ang mga tao at tila napahinto lakat nakatingin sa nangyari after 2-3 mins wala na balik ulit sila sa paglalakad there goes manong's 3 minutes of fame.

Rewind natin ang nangyari bago magbanggaan sina kuya at manong.

Eto si manong kakalabas lng ng sang botique...

Eto si kuya sa kabilang side nakagel, humahangos na tila siga sa kalye, feeling may dating, hinto tingin sa salamin, lakad then hinto ulit tingin sa kaliwa at ayos ng buhok na tila nagulo ata sa paglalakad nya (Imba sa pagka overconfident A for effort ba!).

There goes kuya, dahan dahan na naglalakad si manong at the right moment and the right time...

Blag!!! there goes the chaotic moment na naganap kanina.

Hay naku hayaan na nga natin sila dyan at tumungo na tayo sa bilihan ng clothes...

Sa loob ng bilihan ng clothes...

Oh!!! red love it, ayun may white para dalisay hahaha!

Ang saya naman sana may size for me...

Miss ano po hanap nyo po, sabi ng saleslady.

Sa isip-isip ko damit malamang if sapatos sa shoe section ako pupunta di po ako nagmamaganda kasi naman...

No it's okay, i'll call your attention if I'm in need of assistance, thank you sabay ngiti at lipat sa kabilang side.

Pero sa isip isip ko...

Please... Leave me alone I can help myself...

Ayoko kasi ng nagshoshop na may sunod ng sunod at nakikialam nakakahiya kasi at the same time if di ko gusto nakakahiya umalis ng walang binili di ba.

Ng makapili na ako nagpunta na agad ako sa counter at nagbayad...

Tingin ko seryoso ata mashado ng diary entry ko ngaun kaya siguro umalis ung imaginary friend ko nabore at...

Anyways...

Tomorrow is another day sabi nga sa patalastas!

Babushka at flyday na ako...

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon