Diary Entry #11 Okay Lang Bitter Wag Lang Puyat

174 5 9
                                    

Hay sa wakas uwian na!

After ilang hours ng pagprepretend that we’re working…

Malalaman mong uwian na pagnakakita ka ng babaeng kulay ube na dumaan sa glass door sa left side ng cubicle ko.

After ko magshutdown ng aking computer…

Kukunin ko na sa drawer ang aking bag at ang kikay kit na laman nito…

At ako’y tatakbo sa washroom to freshen up…

After 30 mins ng pagpapaganda, yes 30 mins bago kami masatisfied na A-OK na kaming lumabas sa madla.

Sorry naman ganaun talaga kaya masanay na kayong mga kalalakihan…

May nagyayang kumain, sino pa nga ba eh di si Ube

Sya lang naman gutumin dito ay saka pala ako pag stress ako antakaw ko!

Sa chowking kami kumain umorder kami ng…

Wanton na soup

Chicharap

Siomai

Buchi

Water convolvulus na side dish in short Kangkong

Coke (yes coke!)

At icetea kay Ube.

Pag-upo naming aba itong si Ube tawa ngiti, may katext na naman

Ako deadma kasi may katext din ako hahahah kala nya sya lang

Ang tagal naman ay bago ko makalimutan nakakainis lang minsan na pagbumili ka sa isang 24/7 na store sasabihin syo if may barya ka po ba ma’am.

Anu bay un 24 hours kayong bukas hindi kayo makaipon ng barya naman diba?!

Un lang buti dumating na yung pagkain…

Ay try naman natin sa yellowcab next week

Ay sige sabi ni Ube habang ngumunguya ng water convolvulus pero “hmmmm@#$@$%@”

“Okay”, sabi ni Ube

o_O

O_o

Anu raw?

“Anu pakiulit, lunukin mo muna yan bago ka magsalita ulit”, sabi ko habang inaagaw ang spoon sa kanya

“Ang sabi ko libre mo”, mabagal na pagkakabigkas ni Ube

“Ayos ka lang eh noh, ako na nga nagsuggest ako pa manglilibre”, wag na lng pla tyo mag yellowcab uwi na lng pla tyo”, ang banat ko habang nagpopout

“Oh cheer up nakapout ka na maganda ka pa rin”, sabay ngiti ni Ube

“Oh sige na nga libre ko na nga, sino ba katext mo?”, ang pag-uusisa ko

“Friend ko lang to”, sabi ni Ube

“Friend eh kung maka smile ka parang hindi friend yan eh”, ang sabi ko sa kanya na nakatawa

“eh nakakatuwa magtext eh” ang sabi nito habang tinatago niya ang cellphone niya.

After naming kumain, eksena sa bus

Nakabayad na kami so matutulog na agad un naman lagi ang Gawain naming

Matutulog n asana ako pero biglang

Brrrt… Brrrt…

Dali daling kinuha ni Ube ang phone nya at sinagot

“Hello, oh hi”, ang arteng sagot nya sa phone niya

Usap

Usap

Usap

Habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Ang lola ko kilig na kilig ang bilbil nagvivibrate

Maya maya tapos na silang magusap pero ang ngiti hala anu yan pininturahan at ayaw matanggal

Yun lng hindi ako makatulog kasi sa sobrang kakiligan pati ako damay sa pag-alog

Siomai naman!

Sige na ikaw na ang happy ikaw na inspired ako na ang bitter!

Okay lng sana bitter wag lang bitter na nga puyat pa :(

Ang Diary ng Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon