chapter four.

186 7 1
                                    

Anong nangyari? 

Ano nga ulit yung nangyari? 

Bakit parang ang bilis...

kanina lang, nakipag sabunutan ako sa school. tapos... na dropped ako. at umiyak sa Star Park. Pag-uwi ko, nalaman ko pa na sa DU ako mag-aaral... na kahit ang sama sama kong anak pinipilit pa rin nila na bigyan ako ng magandang kinabukasan. 

tapos ngayon. 

andito ako...

sa ospital

sa labas ng kwarto ni Lolo. 

umiiyak

kasalanan ko toh eh. >_<

kasalanan ko ang lahat ng nangyari. 

>>FLASHBACK<<

 paakyat na ko sa taas. kinakabahan ako. 

di ko kaya pag nagalit sakin so Lolo. 

this is it.! magsosorry talaga ako sa kanya ng napakaraming beses. 

*BLAAAAGGGG!!!!*

"LOLO!" 

Si.. si Lolo. 

bigla siyang nahulog dun sa inuupuan niyang rocking chair. 

"LO!! LOLO!' tinatapik tapik ko ang muka niya at baka saaling magising siya o ano pero wala eh. "MAAAA!!! MAMAAA! T__T SI LOLOOOOOOOO!!!" 

niyakap ko na lang si lolo habang umiiyak. ayoko. ayoko ng nararamdaman ko ngayon. 

"Macey?! PA! " hinawakan ao ni Mama sa dalawang braso ko. "Anong nangyari sa kanya???!!!!" 

umiling ako. hindi ako alam. iyak ako ng iyak. ano bang gagawin ko. si Lolo..

>>END OF FLASHBACK<<

buti na lang nakatawag si Tita Nancy ang ambulansya at nadala sya dito agad. 

kausap ni mama yung doktor. gusto kong malaman kung anong nangyari kay Lolo pero parang di ko maigalaw ang mga papa ko at pumunta sa kinaroroonan nila. 

"Anak."

napatingin naman ako kay Mama. 

"Ma. ano pong nangyari kay Lolo. okay na ba sya? makakauwi na ba tayo?"

"inatake ang Lolo mo. pero sabi ng doktor stable na daw ang condition niya. kaya lang di pa tayo makakauwi. oobserbahan niya daw muna ang Lolo mo dahil baka nagkaron o magkaron pa ng ibang kumplikasyon."

niyakap ko si Mama. "Salamat naman po. Pwede ba akong pumasok sa loob?"

"Pwede naman pero hwag mo syang gigisingin ah? " tumango na lang ako bilang sagot at pumasok na. 

"Lolo.  sorry po ah? alam ko namang may kasalanan din po ako kung bakit kayo nandito eh. Sorry Lolo. promise, babawi ako sa inyo." pinunasan ko yung mga luha ko na bigla bigla na lang tumulo. "at oo nga po pala, sinabihan na rin po ako ni Mama na bukas na daw po ako papasok sa bago kong school para di na din daw po ako masyadong mahirapan sa pag-aadjust pati na rin sa paghahanap ng bagong kaibigan. haaays! kaya sorry Lolo kung di kita mababantayan. di daw po ako pwedeng umabsent eh." 

"uhm. anak' napatingin ako nagsalita. pumasok na din pala si Mama. "umuwi ka na muna. maaga pa ang pasok mo bukas. nandoon na yung bago mong uniform. ayos na ang lahat. pasensya na muna dahil hindi kita maihahatid pero dahil malayo yun nakiusap muna ako sa Tita nancy mo kaya sabi niya dadaanan ka daw niya bukas bago sila pumasok." 

"okay po" sabi ko habang tumatango tango "eh Ma kayo po, di po kayo papasok bukas?"

"hindi na muna. pero bukas ay dadating ang Tito Chris mo kasama si Rachelle. tutal eh nasa bakasyon naman ang Tito mo." OFW kasi si Tito Chris na kapatid ni Mama. 

"Talaga po? ah eh pano po si Tita Rita at Christian?" asawa ni Tito Chris si Tita Rita at anak nila si Rachelle at Christian.

"sila daw muna ang magbabantay sa bahay nila pero siguro ay pupunta din sila sa bahay minsan para makasama ang papa nila. alam mo namang minsan lang magbakasyon ang Tito Chris mo." sabagay. 'sige na anak. umuwi ka na at mahirap kung mas gagabihin ka pa sa daan" 

"sige po. bye ma. " humalik ako kay mommy . tinignan ko naman si Lolo habang mahimbing na natutulog "bye Lolo." 

"ingat ka anak." ^_^

pagdating sa bahay dumeretso na ako sa kwarto ko.nakakalungkot lang kasi mag-isa lang ako dito. pero sabi nga ni mama dadating sila Rachelle dito bukas. excited na koo! 

pupunta na sana ako sa CR para makapagpalit na ng damit nang mapansin ko yung uniform na nakasabit sa pintuan ng cabinet ko. 

kinuha ko iyon at tinitigan. "dati pangarap ko lang na magkaroon nito tapos ngayon susuotin ko na  araw araw" sino bang ayaw na mag-aral sa DU na super sikat na school at magsuot ng ganto ka-cute at kagandang uniform. yung itsura niya kasi ay parang uniform ni Blair Waldorf sa Gossip Girl. Kahit sino magsuot ng ganitong uniform plus 10 ganda points agad. 

"Totoo ba to? mag-aaral na ako sa DU?! Waaaaaahh!" nagswimming ako sa kama ko habang sinasabi ko yun. 

"DOVE UNIVERSITY, HERE I COOOOOMMMEE!!!" 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*** di naman halata na super excited si Macey noh? kamusta naman kaya ang magiging first day niya sa bago niyang school? ^_- BWAHAHAHAHAHA. :P

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon