chapter three.

209 8 11
                                    

"Aysh! Ano ba naman yung nagawa ko!!!" 

nandito ako ngayon sa Star Park specifically dun sa puno na lagi kong pinagtatambayan. 

nakapulot ako ng bato at binato ko iyon sa malayo. "Arrrgggghhh! Ano nang sasabihin sakin ni Lolo nito? kababae kong tao nadrop ako sa school ko. T_T" 

DROPPED NA KO.

Anong school naman kukuha sakin ngayon? Oo, alam ko pwede pa ako humabol kasi first day pa lang naman ngayon eh. kaya lang... sinong tatanggap sa isang tulad ko na nakipagsabunutan sa first day of school. 

"WALAAAA!!!" binato ko ulit yung isang bato na napulot ko at nagsimula nang umiyak ng umiyak. yung maingay. yung parang bata. kasi di ko na alam ang gagawin ko. "WAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! HUHUHUHUHUHU! HUWAAAAAAAAAH!!!" 

ano na bang gagawin ko? 

ayoko k--

"PESTE NAMAN OH!" 

bigla naman ako napaayos ng upo nung narinig ko yung sigaw na yun. Oh no!

di lang pala ako ang tao dito. 

narinig ko na parang tumatayo yung lalaki. oo, alam ko na lalaki. DUH. halata sa boses, okay? pero yun nga. kinabahan ako bigla. pano kung isa pala tong gangster tapos ipabugbog ako? o di kaya isang apo ng mangkukulam tapos ipakulam ako. O di kaya isa--

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" napatayo ako nung narinig ko syang sumigaw. nandito na pala sya sa harap ko. Seryoso ako, nakakatakot talaga syaaa.

"ANO?! TINATANONG KITA ANO B--"

"OO NA! S--so--sorry na! hindi ko si--sinasad--ya na guluhinyungtulog mo." Di ko na sya pinatapos magsalita kasi natakot na talaga ako sa kanya. iligtas niyo na ko dito.  "Please!!! parang awa mo na, wag mo kong papakulam sa lola mo o di kaya pabugbog sa mga ka-gang mo. please please please." (_ _) 

oh no. ayan na, sisigawan niya na naman akooooo....

"A-ano bang sinasabi mo?"  -_^

totoo ba ito? O_O napaangat talaga yung ulo ko nun at napatingin sa kanya. Di niya ako sinigawan? ^0^ pero nakataas naman yung kilay niya. :( 

"Teka nga miss, una sa lahat di ko alam kung bat ka nandito. pangalawa, wala akong lolang mangkukulam at di ako gangster. kaya please tumahimik ka na lang kasi sobrang inaantok talaga ako. AT AYOKO SA LAHAT YUNG GINUGULO YUNG TULOG KO!:" nakooo, ayan na naman sya. 

"sorry. Di ko naman kasi alam na---na may ibang tao pala dito." pagkatapos ko sabihin yun napatingin ako sa kanya. pano, wala akong nakuhang reply eh. hmm. pero ayun sya tinulugan ako. 

umupo na lang ako sa tabi niya, "uhmm. su--sungit. pwede ba ako tumabi sayo?" yung ayos nya kasi di naman totally nakahiga. half body niya nakasandal sa puno tapos yung mga kamay nya nasa likod ng ulo niya at yung mga paa niya naman nakastretch lang.

"Silence means YES diba? wag ka mag-alala gusto ko lang naman may makausap. o mapagsasabihan man lang ng problema."

di ko alam pero nagsimula na naman akong umiyak. 

"ang sama ko bang tao? masama ba akong anak o apo? pinagtanggol ko lang naman yung sarili ko eh. kaya ayun, ginantihan ko si Trish. napuno na kasi ako sa kanya. nakakainis kasi dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay na-dropped ako sa school ko. ngayon problema ko kung pano ko haharap kay Mama... kay Lolo" di ko alam kung anong meron sa katabi ko pero komportable ako na magkwento sa kanya o dahil alam ko lang na natutulog siya ngayon at di naman nakikinig.

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon