chapter nine.

85 3 5
                                    

"Wow! Ipopost ko talaga 'to sa instagram! First time kong naperfect ang adobo. I'm so great!!!"

"Magdadala ako bukas nito sa ospital para makatikim naman nito si Lolo. Hay!! Tama! Yun nga ang gagawin ko, baka dahil dito sa perfect kong Adobo tuluyang gagaling si Lolo. Yes! Ang galing ko talagaaa!"

"Macey haa, pag pinost ko 'to sa IG gusto ko ikaw ang first liker ko. :)) kasi ikaw yung unang nakatikim... Abaaa!!!"

"HOOOYYY!!!!"

Ha? Napatingin ako kung kanino ko narinig yung malakas na sigaw na yun.

"H-ha? May sinasabi ka ba?" Sabi ko kay Rachelle ng nakangiti pa rin.

"Aba! Malamang may sinasabi ako. Kelan ba nawalan haa? Ikaaaw! Kanina pa 'ko dada ng dada di ka naman pala nakikinig?! At para ka pang ewan na nakangiti dyaaan! Girl! Gising! Nababaliw ka na ba talaga?"

"Tse! Ano ka ba, " sabi ko sa kanya ng nakangiti pa rin.

"Seriously? Ngingitian mo lang talaga 'ko? Ayy!! Iba na 'to. Iba na talaga 'to..." Si Rachelle na may pailing-iling pa na nalalaman.

"Ewan ko sayo, Rachelle. Haha. Kumain na nga lang tayo." Syempre nakangiti pa rin ako. Ano ba toooo!

"Hinde. Hinde ito pwede. Iba na talaga eh... Iba yung ngiti mo. Parang gustong kumawala ng ngipin mo sa bibig mo. Daig mo pa ang model ng toothpaste kung makangiti. Iba na talaga 'to" tuloy tuloy niyang pagsabi. "OMG!!!" Tili niya naman na parang may narealize siya.

"What now? :))))))))"

"'Yang ngiting yaan.... Kinikilig ka ba? " tanong niya sakin ng seryosong seryoso. Etong babaeng eto talaga. Siya ata ang may saltik samin eh. Haha. "Kinikilig? Haha. Siguro? Anobayan! Hahaha! Siguro dahil..."

"Dahil?"

"Binilan ako ni Irvin ng bag. (_ _)"

"Haysus!!! Binilan ka lang pala-- BINILAN KA NI IRVIN NG BAG? OMG OMG OMG!" Wth. Ang OA ng reaction niya, super. Tumayo ba naman tas nagsitalon na parang ewan.

"Huy! Ano ka ba? Maupo ka ngaaa!"

"Binilan ka? Omg!!! Lumelevel up ka naaaa!!!" Eh bat feel ko mas kinikilig pa so Rach kesa sakin. Wahaha.

*cellphone rings*

"May tumatawag ata sakin." At kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Sean. Hmm. Bat naman kaya tumawag eto? Sinenyasan ko ng "sshhh!" Si Rachelle bago sagutin ang tawag ni Sean.

<<Phone Convo>>

Macey: hello? Sean? Bat ka naman napatawag?

Sean: uhm. Pwede ka ba bukas? Omg. Yayayain ba 'ko nito ng date?

Macey: bukas? Hmm.. Wala pa naman akong plano tsaka weekend naman kaya sige. San ba? San kaya kami magddate?

Sean: Nice! Yayain sana kita sa... Town fiesta namin. Di naman pala date pero niyayaya niya AKO.

Macey: sinasama mo talaga ako?...

Sean: oo naman noh, ikaw pa. Kasama din sila Aya, Avy, Arkin, Jayden, at si Irvin. Edi ako na assuming. (_ _)

Macey: ah sige, magpapaalam muna ako. I'll text you na lang kung kasama ako.

Sean: sige Macey. Sama ka ha? Byee. Macey: okay bye!

<< end of phone convo >>

Hmm. Magpapaalam pa? Sinong niloko ko. Well, magpapaalam naman ako pero sure naman ako na papayagan ako ni mommy. Di naman strict yun eh.

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon