chapter two.

213 7 3
                                    

*dilat*

*kusot mata*

*yawns*

*stretch onti*

"GOOD MORNING!" ang ganda ng gising ko ngayon. ^^ hmm. halata ba? napasigaw agad kasi ako ng Good Morning kahit ako lng naman mag-isa dito sa kwarto ko ngayon .

HAHAHA. Excited lang siguro ako. :D First day of school kasi namin ngayon. At, fourth year na 'ko. Yep! isang year na lang at gagraduate na 'kooooo. HOORAYYYY! 

Dumeretso na ako sa CR at naligo na. Pagkatapos, nagbihis na ako ng aking precious school uniform, tapos nagcurl ako ng buhok. haha. Pagbigyan na ha? Ngayon lang naman to eh.Dapat kasi espesyal ang first dayyy. 

"Goodmorning Mama! Goodmorning Lolo!" binati ko na agad sila pagkababa ko sa hagdan namin. Naabutan ko naman si Lolo na nanunuod ng TV samantalang nasa Kitchen naman si Mama. 

"Aba aba! Mukhang maganda ata ang gising natin ngayon ah? tama ba ako?" tumayo si Lolo at sinundo ako sa dulo ng hagdan at kinuha ang braso ko at inilagay sa braso niya. yung parang escort sa sagala. tapos sabay kaming pumunta sa Dining.

"Tumpak na tumpak, Lolo! Syempre new day, new school year, new classmates, new teachers,..."

"...at new crush?" itinuloy ni Mama ang sinasabi ko nung pumasok sya sa Dining at dala na ang ulam namin. 

"hmm. pwede din? wahahaha. pero syempre least yun sa mga priorities ko" habang sinasabi ko yun ay inalalayan ko si Lolo na umupo tapos umupo na din ako.

"ah huh! Least nga ba? basta anak, di kita pinagbabawalan ah as long as you know your limitations." -Mama. eto na naman tayo. wuhooo

"Mama, alam ko na po yun. pass muna tayo dyan at nagugutom na po talaga ako." 

"hahaha. apo, hinay hinay ha? baka tumaba tayo nyan? pagkasabi nun ni Lolo ay tumawa na lang kami at kumain na. 

pagkatapos ko kumain ay nagtooth brush na ko at nagpaalam na sa kanila. 

Si Mama pumapasok din at nagtatrabaho sa bangko pero mamaya pang 8 ang pasok nya kaya di nya ako maihahatid. okay lang naman yun tutal walking distance lang naman yung school galing sa bahay. 

papasok na ako ng gate ng makita ko sila Trish. kung inaakala niyo na bestfriend ko sya, dun kayo nagkakamali dahil sya po ang kaaway ko dito. pano kasi nagkagusto sakin yung boyfriend nya I mean "ex" tapos nakipaghiwalay sa kanya. Hindi ko naman gusto yung guy so binasted ko at naging malaking issue din yun sa kanya. 

ayoko ng away sa first day of school ko kaya pinilit ko na di sya pansinin at umiwas na lang pero mukang balak nya talaga sirain ang maganda kong mood today. 

"Look who's here. tsk tsk tsk. ang kapal talaga ng pagmumuka mo na magpakita pa sakin noh!" 

"Not now, Trish. please." wala talga ako sa mood makipag-away ngayon eh pero na-spoil nya na agad yung "good" morning ko. 

"Look who's saying 'please' to me now. Hindi please ang kailangan ko, Macey kundi SORRY. I want your Sorry dahil inagaw mo sakin ang Troy ko! How dare you!"

Aysh! Ano ba naman tong babaeng toh. sige na nga, ayoko sya patulan pero pinilit nya ko. Hindi ako kabayo pero feeling ko ito ang dapat kong gawin. 

yes, tama ang iniisip niyo. Tinadyakan ko sya at dumeretso na sa paglalakad ko. 

Kay aga-aga eh binabadtrip ako at sa lahat ng bagay yun ang pinaka-ayaw ko lalo na't pinaghandaan ko 'tong araw na to. 

mahina lang naman yung tadyak ko sa kanya eh. sapat lang para mapatumba sya at umalis sa dadaanan ko. 

pero... mukang sobrang hina ata at nagawa niyang makatayo agad. pano ko nalaman? 

nakaramdam lang naman ako ng masakit na sabunot mula sa likod ko at pagharap ko, andun yung bruhang si Trish. 

Oh NO! Sayang effort ko magcurls kanina. huhuhu. 

gusto ko syang gantihan. at dahil mabait ako, pinagbigyan ko na sya. Sinabunatan ko na din sya at alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. 

"Bruha ka talaga! Sinira mo ang curls ko!!!"

"pakialam ko sa curls mo, inagaw mo ang boyfriend ko! "

"Di ko kasalanan kung nagkagusto sya sa magandang katulad ko at itinapon na lang basta basta ang walang kwentang bruha na katulad mo! 

tuloy pa din kami sa pagsasabunutan na may kasama ng tadyak. wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin o kung gaano na ba karami ang nanunuod samin. 

"KAYONG DALAWA! PRINCIPAL'S OFFICE NOW!"

bigla naman kaming napatigil nung narinig namin yun. 

PATAY.

sa dami ng teachers o maintenance na pwedeng makakita sa amin bakit yung mismong principal pa! /LALAS NA!

 Sa principal's office...

"Anong karapatan niyong gawing palengke ang school na to?! Kababae nhiyong tao ganyan ang mga pag-uugali niyo!" bakas sa boses ng aming principal na sobrang dissapointed at galit na galit sya. 

magkatapat kami ng upuan ngayon ni Trish at parehas lang kaming nakayuko. 

OhMYGOSH! Ano kayang punishment namin? TT_TT 

"Ngayon lang ako nakakita ng first day of school e may nagsasabunutan na agad! Grabe kayo! ang tindi niyo. And as the principal of this school I will not let this incident happen again. pamilyar ang mga muka niyo at alam ko na hindi ito ang unang beses na nag-away kayo!" 

tama. this is not the first time. kinakabahan na ako ngayon. parang alam ko na kasi yung punishment namin eh. 

"ipapatawag ko ang parents niyo at sasabihin ko sa kanila na dropped na kayo sa school na to"

DROPPED NA KAYO SA SCHOOL NA TO

DROPPED NA KAYO SA SCHOOL NA TO

DROPPED NA KAYO SA SCHOOL NA TO

OH NO!!!!!!! T_T

Di ko alam kung anong ginawa ko pero bigla na lang akong tumayo ay lumabas sa principal's office habang tumatakbo. 

dropped na ko. dropped na ko. 

pano na ko nito. 

anong sasabihin sakin ni Lolo? 

T______T

lolo...

kakasabi ko lang na ayaw ko na madissapoint sakin si Lolo pero tignan niyo naman itong ginawa ko.

ang sama sama sama sama sama sama sama sama kong apo. 

umalis na ako dun. dropped na din naman ako diba? 

HUHUHUHUHUHUHUHUHU. T__T

pumunta na lang ako sa isang lugar na ung saan magkakaroon ako ng peace of mind. 

san pa ba?

edi sa 

STAR PARK. 

Cupid's GranddaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon