Kamot ulo dito. Kamot ulo doon.
Ano bang nangyayari sa'kin? Tch. Kainis naman o. Para lang akong kinukuto dito. Err. -_____-
Pa'no ba naman kasi, simula pagpasok ko ng gate namin eh wala na akong ibang inisip kundi YUNG BAG KO.
Okay. Masyado ba talaga akong nagwapuhan kay Thomas para pati bag ko e nakalimutan ko na?
Hay nako, Thomas. Bakit kasi ang gwapo mo eh.
Ay mali!
Hay nako, Macey. Bakt kasi ang shunga mo?
Sana nakuha talaga ni Thomas yun. Bigay pa naman ni Lolo yung bag na yun sakin. :'(
"Sorry po talaga. Nakalimutan ko po kasi na kailangan ko sya antayin eh pagdating po kasi nung driver namin nag-aya na po agad ako umuwi dahil naalala ko na nagsisimula na yung paborito kong tv show. Di ko naman po alam na di pala sya marunong umuwi. Sorry po dahil nawawala po sya ngayon dahil sakin..." okay. Sinong nawawala?!
Pumasok na 'ko sa bahay namin. Muka ngang wala pang nakapansin sakin eh. Busy pa rin kasi sila sa pag-ikot ikot dio sa bahay. Seriously?
"Sorry po talaga. Di ko nga po alam kung bakit di parin sya nagtetext sakin ngayon eh" patuloy pa rin niya sa pag-eexplain. Teka bat nga ba andito to?
"Sean?" Woah! Para silang nakakita ng multo. Ang lalaki ng mata eh. "Bawal na ba 'ko umuwi sa bahay ko ngayon?" Hala! Hindi pala multo. Para silang nakakita ng patay na muling nabuhay. Sinalubong nila ko ng Power Hug!!! Buti na lang tatlo lang sila (Sean, Mama, Rachelle) kundi baka napipe na ko sa sobrang higpit ng yakap nila.
"HHUWAAAAAIITTT!!!" At dun pa lang sila kumalas sa yakap nila sakin. My Gosh. Kala ko madedeads na 'ko dun ah. "Anong nangyayare, aber? Pakiintinde, okay?"
Isang batok ang natanggap ko mula sa napakaBAIT kong pinsan. Huh! Nice welcome, couz! "Eh akala kasi namin patay ka na." WTH?! "Sa lakas ng ulan na yan eh hindi kami mapakali kung bakit wala ka pa din. Hoy Ateng, ipapaalala ko lang sayo kanina pa pong alas dose ang uwian niyo at alam mo ba kung anong petsa na? Mag-aalas cinco lang naman. [A/N: di niyo ba pansin na exagge ang oras sa storyang to? Bilis diba?] Hay nako, Macey! Pinag-alala mo kami, alam mo ba yun? Nakakaloka! Muntik na kaming magpasagawa ng rescue operations. Tapos malalaman namin na etong Sean na 'to..." sabay palo sa ulo ni Sean ng hawak nya na dyaryo "...pinagpalit ka sa TV Show?! GAAAH! Sa susunod kasi magtetext kaaa!!!" ako lang ba o sadyang OA ang pinsan ko?
Wait. Sinermunan nya ba talaga ako? "tapos ka na?" napatingin sya sakin nun. "Hoooy Rachelle, daig pa ang nanay at pari kung magsermon ah?" Etong pinsan ko talaga, tinarayan pa ko. "Okay. SORRY. kasalanan ko naman to eh. Wag niyo sisihin si Sean kasi kaya lang naman di niya naalala dahil hindi ko sya naitext. Kashungahan ko po iyon, Mama, Rachelle. Nakalimutan ko kasi yung cellphone ko dito sa bahay at huli ko na narealize yun. Kasalanan ko. Sorry na po kung nag-alala kayo (_ _)"
Nakaramdam naman ako ng yakap mula kay Mama. "Okay na yun, anak. At least, nakauwi ka ng ligtas. Hmm. Oo nga pala, Pa'no ka nakauwi e hindi mo naman alam ang daan?" o-ow!
Anong isasagot ko? "Po? Ah... Kasee... Meron lang po akong kaklase na naabutan ko sa gate. Sakto naman na dito din siya sa Star Homes nakatira." sinabi ko na lang ang totoo kahit alam kong delikado...
"Haaayy! Mabuti kung ganun, para may kasabay ka nang umuwi araw araw." -Mama. Mabuti nga kung gusto din ako kasabay nun. -___-
"Si Irvin ba yun?" Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. o_o Binigyan ko si Sean ng 'bakit-mo-sinabi-look'. Malamang pangalan ng lalaki yun, patay ako kay Mama.

BINABASA MO ANG
Cupid's Granddaughter
Teen FictionMacey, isang simpleng babae na may di ordinaryong misyon na tuparin ang promise ng Lolo niya sa dating minahal nito. Ito ay ang hanapin ang lalaki na may hawak ng susi sa locket niya. Magawa niya kaya ang pangako niya sa Lolo niya o mapako lang iyo...