tumayo na yung katabi ko kasi sya na yung next na magpapakilala.
0_0
wait.
sya.
sya yun.
O_O
"Thomas Irvin G. Castillo. 16."
sya yung lalaking nagbigay ng panyo sakin kahapon sa Star Park.
"Thomas..." napatingin sya sakin pagkasabi ko ng pangalan niya.
O_O
"tsk. babaeng iyakin" sinabi nya yun na may kasamang smirk.
ano daw? so ibig sabihin natatandaan nya ko?
uuuuuwaaaaaahhhh! nakakahiya namaaaan!
"sa--"
"Miss, you're next" gusto ko sanang magpasalamat kay Thomas para sa kahapon pero nagsalita bigla yung teacher ko. pagtingin ko, nakatingin sya sakin.
"Girl, ikaw na magpapakilala" siniko ako ni Aya habang sinasabi niya yun.
Aysh!
"ah. uhm. Macey"
"complete name please?"
"uhh-- Mara Cecilia F. Santiago po. Macey na lang itawag niyo. 16. s--salamat"
Ano ba naman yun Macey?! Nababaliw na ba ko? huhu.
pagkatapos ko magpakilala ay umupo na ako ng wala sa sarili.
nagpatuloy pa yung pagpapakilala ng mga kaklase ko pero ako lutang pa din. napahiya na naman ako sa first day ko. bat ba ang malas ko pag first day?!
Wala naman daw kaming masyadong gagawin ngayon kaya half day lang ang klase namin. niyaya ako ngayon ni Aya pumunta ng canteen tutal recess naman daw. Hindi naman pala ganun kaingay etong babaeng to. tama lang. wahaha. sorry naman, yun kasi yung first impression ko sa kanya eh.
"o eto na, pagkain mo." dumating si Aya sa table na inuupuan ko na may dalang tray ng dalawang spaghetti at dalawang coke in can.
"Ha? Hindi naman ako nagpabili sayo ah. Wait, magkano toh?" kukuha na sana ako sa bulsa ko ng pera pero pinigilan ako ni Aya.
"Ano ka ba Macey! Wag na, uy! Libre ko na 'to sayo."
"Talaga?"
"Bakit, ayaw mo? Sige na nga, Bayad?" uyy sayang din yun.
"uy, joke lang" tapos sabay kami tumawa.
napatingin ako bigla sa pintuan ng Canteen nang may apat na lalaki ang pumasok. Si Thomas yun ah... kasama si Sean? So magkaibigan pala sila? ...di halata ah.
"uh, Aya. Bakit mo naman nasabi na rapist si Thomas?"
bigla namang nabilaukan si Aya kaya binuksan ko yung isang Coke at agad 'yun inabot sa kanya. Nung okay na sya, tsaka sya nakasagot sa tanong ko. "Seriously, Thomas talaga tawag mo sa kanya?" Ahh. Dahil pala dun kaya sya nabilaukan.
"Eh, ano namang masama kung tawagin ko syang Thomas? Yun naman ang pangalan nya diba?"
"Yeah. But everybody here calls him Irvin. Dun kami sanay Tsaka parang hindi bagay sa kanya yung Thomas" ano?
BINABASA MO ANG
Cupid's Granddaughter
JugendliteraturMacey, isang simpleng babae na may di ordinaryong misyon na tuparin ang promise ng Lolo niya sa dating minahal nito. Ito ay ang hanapin ang lalaki na may hawak ng susi sa locket niya. Magawa niya kaya ang pangako niya sa Lolo niya o mapako lang iyo...