- Cielle's point of view -
Nasan na ba siya? Ang tagal naman niya. Hindi nanaman ba niya ako sisiputin?
Chineck ko ulit phone ko. Wala pa talaga miski reply sa mga text ko. Ayoko naman masyado kulitin. Hay.
"Oy, Cielle!"
"Oh, Daesung!" Umupo si Daesung sa harap ko. "Ano ginagawa mo dito?"
"Wala, tambay." Tas nagkibit balikat siya. Nginitian ko lang siya. "Hinihintay mo parin si Jiyong?"
Tumango ako. "Oo."
"Ah..."
Sakanilang magkakaibigan, si Daesung ang pinaka close ko. Para kaming magbest friend.
"Gusto mo sumama nalang sakin?" Sabi niya tas nginitian ako. Cute talaga ng ngiti niya. Pang anghel, kaya type na type siya ng best friend ko ring anghel. -____- "Ano? Tara nalang!"
"Ayoko nga, baka biglang dumating si Jiyong nuh."
"Tsk."
"Ikaw nalang. Baka magalit pa sakin si Jiyong pagumalis ako."
Tumayo siya tapos tumingin sa orasan niya.
"Sige ah, text mo nalang ako pagnagkaproblema." Tumango ako at kumaway sakanya.
Nagorder ako ng Choco Frap. Pero ung maliit lang. Para pag dating ni Jiyong pwede pako uminom uli. Excited nako makita siya. ^________________^
Kaso 5 oras nako nandito, wala parin siya. Text ko na nga muna. Isa lang naman eh.
To: Jiyong <3
Hubby, nandito na ako! San ka na po? ^^
Maya maya pa. Siguro mga 10 minutes after nakareceive ako ng reply.
From: Jiyong
Ay, may lakad pala kami ngayon nila Taeyang. Bukas nalang, ah?
Napabuntung hininga ako. Kaya pala eh. Kasama pala si Taeyang. Okay lang. ^_____^ Tumayo nako at umalis. Magcocommute pala ako pauwi. Akala ko kasi mahahatid ako ni Jiyong ngayon. Di bale, sanay naman ako magcommute.
Sumakay na ako ng trike at nagpahatid sa Sinagtala.
*Katok katok* "HOY DAN! YURI! Buksan niyo ako ng pinto. T~T"
"Eh nasan ba susi mo?" Bungad sakin ni Dan pagbukas niya ng pinto. Siya nga pala ung head over heels kay Daesung. Hahahaha ^______^
"Naiwan ko sa kwarto eh. ^___^V"
"Tss. Oh nasan si Jiyong?"
"Wala eh. ^____^"
"Ang saya mo ah." Sabay labas ni Yuri. "Pang ilang beses ko na niya hindi sinipot?"
"Hala, Yuri, hindi naman niya sinasadya na may lakad sila ngayon." Sabi ko sabay pasok na sa bahay. Umupo ako sa couch namin at nanuod ng TV. Sama sama kasi kami ng bahay. Eh sa iba't ibang school kasi kami nagaaral kaya kailangan magsama nalang kami ng bahay para hindi mawalan ng contact. ^____^
"Ilan nga?"
"Hindi ko bilang eh." Sabi ko habang nililipat ang channel.
"Ako bilang ko!" Singgit ni Dan habang umiinom siya ng Alaska sweetened milk. =___= "20 na ata eh?"
"See?" Sabi sakin ni Yuri.
"Ano meron?" Sabay kamot ko sa ulo. "Edi congrats at bilang niyo! I'm so proud of you both!" Sabi ko na nakangiti pa.
"Cielle naman, hanggang kailan ka ba magpapakatanga kay Jiyong?"
"Maka tanga ka naman dyan, Yuri."
"Bat ka kasi nagpapakatanga?" Huminga ako ng malalim at tumayo.
"Wala, mahal ko eh."
"Hihintayin mo pa ba na maabutan mo siya sa kama na may kasamang ibang babae?"
Sinamaan ko siya ng tingin tas akyat na papunta ng kwarto ko. Hay, ano ba mahirap intindihin dun? Mahal ko nga ung tao eh. Atsaka hindi naman siya sumusobra eh. Kaya ko naman lahat. Wag lang ung sinabi ni Yuri. Yun kasi ang pinaka masakit na parte para sakin. Ayoko lang naman magaya sa tita ko na iniwan ng pinakamamahal niya dahil hindi siya marunong umintindi kaya nga ito ako, pinipilit intindihin si Jiyong sa lahat ng bagay. ^______________^
Nagising ako ng mga 6pm. Nakatulog pala ako. =____=
"Sleepyhead." *Toink* Binatukan ako. =___= Gaganti na sana ako nung nakita ko kung sino gumawa nun.
"Hubby!" Sabay yakap ko sakanya. "Ano ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Pinuntahan lang kita. Kanina pa nga ako dito eh, kaso tulog ka."
Ngumiti naman ako. "Sorry po."
"Okay lang." Sabay gulo niya ng buhok ko. "Namiss moko?" Tumango ako.
"Sobra."
Nagpout siya. Eeeeh. >///< "Eh nasan kiss ko?"
"Nawawala ba?"
"Fran. =______="
"Joke lang! ^__________^V" Tumayo ako at lumapit sakanya. "Mwaaaaaaaaaaaah~!" Sabay kiss ko sa cheeks niya... Cheeks niyang napaka kinis. ^__^
Ngumiti siya tapos tumayo. "Sige, alis nako."
"Eh? San ka pupunta? Kakadating mo lang ah?"
"Hindi. Kakagising mo lang. Kasalanan mo. Bye na." Tas lumabas na siya.
Kasalanan ko! Natulog pa kasi ako eh. Saklap. =____________= Tumayo nako at bumaba.
"Hi Daaaaan~! Si Yuri?"
"Bumili ng ingredients ng lulutuin niya." Sabi niya habang naglalaro sa Ipad niya.
"Yaaaaaaaaay~" Magaling kasi magluto si Yuri kaya ang saya niya kasama sa bahay. ^___^
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Napagisipan ko na. D: Short story lang siya. ^____^V
Eh sa feeling ko walang patutunguhan story ko if ever mahaba eh. Hahaha.
OKAY COMMENT MAAWA KAYO. T^T

BINABASA MO ANG
Only Look At Me
RomansaA love story about a girl being stupid and a boy being selfish. She loves him so much she gave up everything and willing to give up more. Whenever people ask her why, the only answer she's holding on is "Mahal ko siya eh." What if she gets tired o...