XYRA
Examination day. Naalimpungatan ako dahil may tumatapik sa mukha ko. Dahil inaantok pa ako, walang anu-anong tinabig ko ang kamay ng tumatapik sa 'kin. May naririnig akong mga tinig.
"Gigisingin pa ba natin ang isang ito?"
"Oo, bawal mahuli sa examination. Last chance na niya kaya kailangang gisingin siya."
"Ano'ng gagawin ko? Ayaw magpagising eh."
Gulat na gulat na napasigaw at napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Napalingon ako sa nagbuhos ng tubig sa 'kin, si Frances. Halatang gustong matawa nina Wanda at Frances sa reaksiyon ko.
"Magbihis ka na Xyra kung ayaw mong mapaalis dito," sabi ni Frances habang nagpapatuyo ng buhok. Nagmadali akong umalis sa kama nang maalalang araw na ng pagsusulit. Dali-dali akong pumasok ng banyo, dala ang towel ko.
Paano ba ako nakarating sa dorm? Hindi ko matandaan na nakapaglakad pa ako dahil pagod na pagod ako kagabi. Ang natatandaan ko ay bumagsak ako sa sahig at nakatulog. Hindi pa ako nakakapagpasalamat kay Xander. Siya marahil ang nagdala sa 'kin sa dorm. Naligo at nagbihis na ako. Niyaya ko na sina Wanda na pumunta sa examination room.
"Tapusin mo muna ang pagsusuklay mo," utos ni Wanda.
Napalabi ako. Sinunod ko siya. Pagkatapos kong ayusin ang buhok, naglakad na kami patungo sa examination room. Puro third year ang nandoon dahil kami ang nakatakdang mag-exam. Halatang sabik na ang mga estudyante sa pagsusulit pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Kinalabit ko si Wanda. Nagtanong ako kung ano'ng pinag-uusapan ng dalawang babae.
"May surprise gift kasi kapag nakaabot sa Level 35. Ang sabi nila nakakatuwa ang surprise gift. Mula ito sa magical powers at kinakatawan nito kung ano ang user. Siguro nakakatakot ang surprise kung kaugali ni Clauss ang lalabas. Peace!" wika ni Wanda.
"Isusumbong kita kay Clauss," pagbibiro ko.
"Bakit? Close kayo?" natatawa niyang tanong.
"Malapit na," sagot ko. Inilabas ko pa ang dila kay Wanda. Pareho kaming natawa.
"Sabagay. Siya nga ang nag-uwi sa iyo sa dorm kagabi," usal ni Wanda. Nanlaki ang mga mata ko at nagtatanong na napatingin kay Wanda. Si Clauss ang nag-uwi sa 'kin kagabi? Paano?
"Siya talaga ang nag-uwi sa akin sa dorm? Hindi si Xander?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Si Clauss nga. Ang kulit. Teka, paano mo nakilala si Xander? 'Di ba, Section Two siya?" takang tanong ni Wanda. Nakapasok na kami sa examination room.
"Mamaya ka na magpaliwanag kay Wanda, tingnan muna natin kung pang-ilan tayo sa mag-eexam," wika ni Frances.
Tumango ako at sumunod sa kanila. Kasabay namin ang pangalawang section na mag-eexam. Ako ang pinakahuli sa mag-eexam. Nasa huli rin sina Selene, Akira at Clauss.
Nagsi-upuan na kami. Ang mag-eexam lang ang nasa stage. Kinakabahan ako dahil maraming nanonood. Sana hindi ako pumalya mamaya. Ako pa naman ang huling mag-eexam. Baka pagtawanan ako ng mga estudyante kapag hindi ko napalabas ang ID ko.
May lumabas na clear glass wall na pumalibot sa buong stage. Umabot ang taas ng glass wall hanggang kisame. Isa itong protective wall upang maiwasang masaktan ang mga manonood. May isang pinto para makapasok sa loob ng stage. May lumabas na malaking screen sa bawat gilid ng coliseum.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)
Fantasy[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action, Teen and Romance Story XD An academy full of magical powers. This was about a girl who's discovering her own magical power. What would she...