Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons

182K 5.2K 160
                                    

XYRA

Bumalik kami sa WMA para hanapin ang mga baby dragons. Nagpasalamat ako nang makita namin ang mga baby dragons kasama si Ericka—pero nagtaka rin ako. Akala ko hindi na namin sila makikita dahil nawala na ang mga kapangyarihan namin. Masaya nila kaming sinalubong pero napansin ko na wala na ang baby dragon ni Selene. Lumapit sa 'min si Ericka.

"Ano'ng nangyari sa baby dragon ni Selene?" malungkot na tanong ni Akira. Napabuntong-hininga si Ericka bago nagsalita. "Bigla itong naglaho sa hangin habang napapaligiran ng kulay berdeng liwanag."

Malungkot na napatango si Akira kay Ericka. Dumapo sa balikat ni Akira ang baby dragon niya samantalang buhat-buhat ko naman si Baby Xyra. Si Baby Clauss naman ay kinukulit si Clauss.

Napalingon kami kay Ericka nang magsalita siya. "Ahmm, dumaan dito ang air goddess para kunin sana ang mga baby dragons. Hindi sila sumama dahil gusto nilang magpaalam sa inyo. Baka mamaya ay narito na muli ang air goddess."

Malungkot na tumingin kami sa mga baby dragons. Napansin ko si Baby Xyra na tila maiiyak na habang nakatingin sa mga mata ko. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo. Mamimiss ko ang kakulitan ng mga baby dragons. Sayang naman dahil hindi na namin sila pwedeng makasama. Dinilaan ni Baby Xyra ang mukha ko.

Biglang lumabas ang air goddess. Malungkot siyang ngumiti sa 'min. "I hope you already bid your farewells. Don't worry. Sa Island of the Gods na sila titira."

Malungkot na humiwalay sa amin ang mga baby dragons at lumapit sa air goddess.

"Wait! Ano'ng nangyari kay Selene? Hindi ba pwedeng ibalik niyo na lang siya?" tanong ni Akira. Malungkot na napailing ang air goddess sa kanya. "Maniwala ka na lang muna sa sinabi ng earth god sa 'yo."

Natahimik si Akira. Napayuko siya bago nagsalita. "Pero hindi malinaw sa 'kin ang gusto niyang iparating. It was like a riddle that I still need to solve to discover the correct answer." Ikinuyom niya ang mga kamao. Mabining ngiti ang ibinigay sa kanya ng air goddess. Tahimik kaming nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"I'm sorry but there's nothing I can do. We'll go now. I'll give you these dragon pendants as remembrance. Matutulungan din kayo ng mga ito kung sakaling mapahamak kayo," sabi ng air goddess. May tatlong dragon pendants na lumipad patungo sa kinaroroonan namin. Bawat dragon pendant ay may bato sa gitna. Blue ang kulay ng sa 'kin. Red naman kay Clauss samantalang golden brown kay Akira. May ibinigay na pendant na may bilog at puting kristal sa pinakagitna ang air godess kay Xavier. Sa apat na sulok ay may apat na batong nakapalibot dito – red, blue, green and golden brown.

Napalingon kami sa mga baby dragons na nakangiti na sa 'min. Napangiti rin kami. Mas makabubuti na rin kung sa Island of the Gods sila titira. Malayo sila sa gulo at sa mga tao.

"Farewell, baby dragons," mahinang sabi ko habang unti-unti silang naglalaho sa hangin. Napansin ko ang pagliwanag ng mga bato na nasa dragon pendants. Pakiramdam ko, hindi sila tuluyang nawala sa 'min. Naramdaman ko ang pag-akbay sa 'kin ni Clauss kaya napalingon ako sa kanya.

Tahimik na umalis sa lugar si Akira. Alam kong gusto niyang mapag-isa kaya hindi namin siya pinigilan. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya ng earth god. Gusto kong itanong pero natatakot ako at nagdadalawang-isip. Dapat ako ang nawala at hindi si Selene.

Nagulat ako nang mapansin na nasa harap ko na pala si Clauss. Pinitik niya ang noo ko kaya napahimas ako sa noo. "Don't think too much. It's bad for the health, you know," wika niya. Napilitan akong tumango para hindi siya mag-alala. Malalim akong napabuntong-hininga.

Muli akong napatingin sa dragon pendant na hawak. May kakaiba akong naramdaman sa pendant na hindi ko maipaliwanag. I could feel a strong power flowing through it, or was it just my imagination? Niyaya na ako ni Clauss upang umalis kaya sumunod na lang ako. Sana wala kaming maging problema sa hinaharap.

Lahat kami ay nawalan ng kapangyarihan kaya mamumuhay na kami nang normal. Nalulungkot ako sa nangyari kay Selene. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas niya sa 'kin kaya ipinangako ko na hindi ko sasayangin ang buhay na iniligtas niya.

***

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon