Chapter 31: Altered

191K 5.8K 607
                                    

CLAUSS

Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ni Jigger. Iniiwasan kong makahalata si Jigger. Nakangisi siya habang pinoposasan kaming dalawa ni Selene. Naaasar ako sa itsura niya. Pakiramdam ko may masama siyang binabalak.

"Follow me," nang-aasar na utos niya. Tahimik kaming sumunod kay Jigger. Nagtaka ako dahil tumigil kami sa tapat ng kwarto ni Selene. Binuksan ni Jigger ang pinto at inutusan si Selene na pumasok sa loob. Hindi siya maaaring lumabas hangga't hindi sinasabi ni Jigger. Nagtatakang sumunod si Selene pero hindi tinanggal ni Jigger ang posas niya. Jigger even locked the door from the outside.

"Ano'ng binabalak mo?" inis kong tanong. Nakangising sumagot ito, "We know that you formed an alliance with them, with Bryan. We're not going to test you because we're going to punish you."

Napatigil ako sa paglalakad dala ng pagkagulat. Namutla ang mukha ko dahil alam na nila ang binabalak namin. Nag-alala ako sa maaaring mangyari kay Claudette dahil sa kapabayaan ko. Tumawa nang malakas si Jigger. "We're not naive, Clauss. Kung nagtataka ka kung paano namin nalaman, malalaman mo kapag nakarating na tayo sa underground cell."

I gritted my teeth. Hindi ako nagsalita. Kailangan kong malaman kung hanggang saan ang nalalaman nila Enzo. Itinulak ako ni Jigger para magpatuloy sa paglalakad. Tahimik akong nag-isip. Hindi ko magagamit ang special ability dahil sa iron handcuffs.

Tumigil sa dulo ng pasilyo si Jigger na ipinagtaka ko. Dead end na ang tinigilan namin. May itinulak na brick si Jigger sa pader, isang switch. Bumukas ang pader. It's a secret door. Ngayon ko lang mapapasok ang underground cell. Naglakad kami pababa ng hagdan. May mga lampara na nakadikit sa dingding na nagbibigay liwanag sa buong pasilyo. Iginala ko ang paningin sa bawat selda upang hanapin si Felicity. Walang kabuhay-buhay ang mga mukha ng mga nakakulong doon. Parang tinakasan na sila ng pag-asa. Maging ang kalusugan nila ay hindi rin naaalagaan. Ang papayat nila.

Ang daming selda sa underground cell. Hindi ko nakita kahit saan si Felicity. Mapapansin na lahat ng mga nakakulong ay nakaposas ang mga kamay. Mga power users sila. Malapit na kami sa pinakadulo ng underground cell nang mapatigil ako. May nakilala akong isang pamilyar na mukha sa isang selda.

Duguan ang mukha niya. Nagulat din siya nang makita ako. Nag-iisa siya sa selda. Nakataas ang mga kamay na nakaposas sa magkabilang gilid ng pader. Pinahirapan siya base sa itsura nito. Si Mr. Robin Williams ang taong 'yon. Nagtatanong ang mga matang napalingon ako kay Jigger. Ngumisi si Jigger bilang sagot.

Itinulak ako ni Jigger para pumasok sa katabing selda ni Mr. Williams. Sinubukan kong sipain siya pero nakailag si Jigger. Mariing hinawakan ako ni Jigger sa balikat mula sa likod ko at malakas na itinulak sa pader. Napangiwi ako sa lakas ng paghampas ko sa pader. "Don't try to resist. Tandaan mo nakasalalay sa 'yo ang buhay ng kapatid mo," matalim niyang wika. Humarap ako sa kanya at masamang tiningnan siya. Pasalamat siya dahil nakaposas ako.

Inalis niya ang posas sa kanang kamay ko at ikinabit ang posas na nakakapit sa pader. Ganoon din ang ginawa niya sa kaliwang kamay ko. Maging ang dalawang paa ko ay pinosasan din niya.

"Paano niyo siya nahuli? Kailan pa?" nagngangalit kong tanong. Nakausap pa namin si Mr. Williams nang bumuo kami ng plano ni Bryan.

"We kidnapped him while you were on your mission. Someone with a cloning ability took his place. Siguro naman alam mo na kung paano namin nalaman ang lahat?" Jigger grinned evilly. Napamura ako sa isip ko. Alam na nila ang buong plano namin.

Jigger suddenly punched me hard on the right side of my face. Nalasahan ko ang dugo mula sa gilid ng bibig ko. Hindi ko ipinakita kay Jigger na nasaktan ako sa ginawa niya. Walang ganang tiningnan ko siya. Nainis si Jigger sa ginawa ko kaya sinuntok niya akong muli sa kaliwang bahagi naman ng aking mukha. I spitted blood on the floor and mockingly looked at Jigger.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon