Chapter 26: Mission Unaccomplished

209K 5.8K 413
                                    

XYRA

Aatakihin sana ako ng halimaw pero pinigilan ito ng ice shield ni Troy. Pero pilit na tinitibag ng halimaw ang shield. Halatang ako ang gusto nitong atakihin. Masyadong malakas ang halimaw at nagkakaroon na ng crack ang ice shield ni Troy. Ilang segundo pa ay may mga tipak na ng yelo na tumatalsik sa direksiyon ko dahil sa sunud-sunod na malalakas na paghampas at pagsuntok nito sa ice shield. Lumilipad ako para mabilis na umiwas. Wala na akong pakialam kung may makakita mang ibang tao. Hindi na rin naman normal ang halimaw sa harap ko.

Inihanda ko ang sarili. Nang tuluyang matibag ang ice shield, napansin ko si Clauss na lumampas sa kinaroroonan namin. Gusto ko siyang tawagin pero nagmamadali siyang tumungo sa direksiyon na tinakbuhan nina Akira at Felicity. Mas mabuti na sumunod siya kina Akira. Kailangan niya silang tulungan.

Nagulat ako sa malakas na paghampas ng halimaw sa aking tagiliran. Malakas na tumama at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Bakit ba nawala ang atensiyon ko sa halimaw? Masakit ang katawan ko. May natamo akong mga hiwa sa kaliwang braso kung saan natamaan ng matutulis at mahahabang kuko ng halimaw. Dumadaloy sa mga sugat ko ang masaganang dugo.

Ang tanga ko naman kasi. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak-hawak ang brasong dumudugo pero agad akong dinamba ng halimaw at sinugod. Agad akong nakalipad palayo para umiwas.

Habang nasa ere, tinalian ko ang sugat ko ng panyo para mapigilan ang pagdudugo. Mahigpit ang pagkakatali ko. Buti dala ko ang backpack kung nasaan ang healing candies na ibinigay ni Cyril bago kami umalis. Limang piraso lang iyon kaya hindi pwedeng sayangin.

Napansin ko si Troy na kalaban ang isang lalaki na biglang nawawala at lumilipat sa iba't-ibang lugar. Teleportation ba ang power niya? Halatang inuubos niya ang oras ni Troy. Madali niyang naiiwasan ang mga atake ni Troy.

Samantala, si Xavier ay nakikipaglaban sa lalaking gumuguhit. Mula sa isang pahina ng sketch pad, may muling lumabas na halimaw. May isang malaking mata sa pinakagitna ng ulo nito, may mahabang dila at matutulis na ngipin. Mahahaba rin ang mga kuko nito at mabalahibo rin katulad ng nauna. Mas nakakatakot ito kaysa sa kaharap ko ngayon.

Nagulat ako nang mag-iba ang kulay ng kapaligiran. Unti-unting nilamon ng itim na puwersa ang buong paligid. Nawala ang mga bahay at nilamon ito ng kadiliman. Pero kahit madilim ay kapansin-pansin na nakikita pa rin namin ang bawat isa. Nasa ibang dimensiyon na ba kami? O darkness ang power ng isa sa mga kalaban namin? Pero tila hindi naman galing ang puwersa sa lalaking nag-teteleport o gumuguhit. Imposible namang galing ito kay Xavier.

The monster, targetting me, growled at my direction. Nalipat ang atensiyon ko rito. Humanda ako upang sumugod. Napansin ko ang isang magandang babae na nakaupo sa isang tabi at pinagmamasdan kami. Sa tingin ko ay kasing edad namin siya. Napansin ko rin ang itim na puwersa na nagmumula sa kanya. Kung ganun ay siya ang nagpadilim sa buong paligid. Kakampi ba siya o kaaway? Mukhang wala siyang balak na lumaban. Napaka-inosente ng mukha niya.

Inalis ko ang atensiyon sa kanya. Inihanda ko ang sarili dahil akmang susugod na naman ang halimaw na nasa baba. Aktong tatalon ito para maabot ako. I released my hurricane blades towards his direction but he avoided it fast. Hindi ko akalaing mabilis itong kumilos.

Tumalon na ito patungo sa 'kin kaya agad kong inilabas ang air eagle. The air eagle flapped its wings to release air blades and hit the monster. Nagtamo ito ng mga sugat sa iba't-ibang parte ng katawan. Halatang nasaktan ito dahil sa pagsigaw nito. May halong galit ang sigaw nito. Lalong nanlisik at namula ang mga mata ng halimaw. The monster gritted its teeth and growled. Mas humaba at tumulis ang mga kuko nito. Nakakatakot talaga.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon