New Year's Special

206K 5.2K 723
                                    

XYRA's POV

December 31, 2013

Sobrang busy ang mga magulang ko sa paghahanda ng bagong taon. Kasama ni Dad sina Akira sa pagbili ng mga firecrackers para mamayang alas-dose. Dito sila magbabagong taon dahil inimbitahan sila nina Mom and Dad. Mas marami, mas masaya, ayon na rin sa mga ito. Wala rin naman ang magulang ni Akira dahil nasa Japan. Samantala, wala na'ng mga magulang ni Troy.

Inimbitahan din ni Dad sina Clauss pero hindi sila pwede dahil first New Year nila kasama ang mga lola't lolo nila. Kaya nakakalungkot dahil hindi kami magkikita ngayong New Year. Sina Felicity at Xavier naman ay sa bahay na nina Clauss magbabagong taon. Tinutulungan ko naman si Ma'am sa pagluluto at paghahanda ng mga pagkain. Walang mga kasambahay dahil binigyan sila ng day off nina Dad at Mom para naman makasama nila ang mga pamilya nila.

Excited na ako para mamaya pero naiinis ako dahil hindi man lang ako tinatawagan  ni Clauss. Nainis yata nang malaman na dito magbabagong taon sina Akira at Troy. Hanggang ngayon, nagseselos pa rin siya kay Akira. Baliw talaga ang lalaking 'yon! Bahala na nga siya! Kung kailan naman matatapos na ang taon, saka pa kami mag-aaway.

"O? Bakit ka nakasimangot?" tanong ni Mom. Napilitang ngumiti ako. Napailing naman si Mom sa inasal ko. Gumagawa kami ng fruit salad. Pero sa totoo lang, pinapanood ko lang naman siya. Inaabot ko lang lahat ng mga ingredients na kailangan niya.

"Si Clauss ba ang iniisip mo?" nang-aasar na tanong ni Mom. 

At dahil masyado akong defensive... "Hindi po! Bakit ko naman iisipin ang mokong na 'yon? Naku! Hindi po talaga! Kahit hindi niya ako pansinin sa buong 2014, ayos lang! Akala niya! Naku! Hinding-hindi ko siya maiisip!" iritableng sabi ko.

"Ah, LQ?" natatawang usisa ni Mom. Mas lalo naman akong napasimangot.

"Hindi po," nakasimangot na sagot ko. Magtatanong pa sana si Mom pero pumasok na sa kusina sina Dad dala ang mga pinamili nila. Bumati sa'kin sina Troy at Akira. Buti naman, hindi na ako matatanong ni Mom. Nagpresinta sina Troy at Akira na tutulong din sila sa pagluluto. Si Dad kasi ang magluluto ng mga pang-ulam kaya tumulong sila rito.

Nakakatuwa silang tingnan dahil mukhang close na close sila. Bakit ba hindi ako nagkaroon kahit isang kapatid man lang? Masyado naman kasi nilang kinarir ang family planning. Nagtatawanan pa sila. Hindi ko naman ma-gets ang pinag-uusapan nila. Ganito lang ang ginawa namin buong araw.

Malapit ng mag-alas dose pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Wala pa rin kasing text si Clauss sa'kin. Kamusta kaya ang pagsalubong nila sa Bagong Taon? Masaya kaya? Hindi ako nagtatangkang magtext sa kanya. Bakit ako ang unang magtetext? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. May kumatok sa pinto kaya napapitlag ako.

"Tuloy!" sigaw ko.

Pumasok si Akira na kakaligo lang. Nakasuot siya ng pulang polo samantalang ako ay nakapulang dress naman na puro polka dots. Kailangang ganun ang isuot para maging maganda ang pasok ng pera. Natatawa na lang ako sa mga pamahiin pero wala namang mawawala kung gagawin namin. Sabay sa uso. Nakangiti siyang pumasok pero napakunot-noo rin pagkatapos makita ang mukha ko.

"Problema?" tanong niya. Nakakainis! Halata ba talaga kapag may problema ako? Masyado naman yata akong madaling basahin.

"Bakit pala?" balik-tanong ko upang iwasan ang pagsagot sa tanong niya. 

"10 minutes na lang bago mag-12 midnight. Ready na nga sila sa baba. Hinihintay ka rin nila kaya inutusan na nila akong tawagin ka," sagot ni Akira.

"Ah, sige, susunod na ako sa baba," sabi ko na lang. Tumayo na ako at inayos ang suot ko.

"Hmmm... Si Clauss ba ang pinoproblema mo?" tanong kapagkuwan ni Akira. Napilitang ngumiti ako kay Akira. Bakit ba kapag nakasimangot ako, si Clauss lagi ang binabanggit nila? Siya lang pa ang pwede kong problemahin?

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon