Chapter 40: Final Counterattack

197K 5.7K 1K
                                    

XYRA

Nakaramdam ako ng galit sa ginawa ni Enzo. Masyado siyang tuso! Napaurong ako nang bigla akong sugurin ni Jonica gamit ang kanyang hunter knife. Naiwasan ko ang atake niya at nakalipad palayo sa kanya. Hindi ko pa nasusubukan ang kaya niyang gawin kaya kinakabahan ako. Alam kong kaya niyang gumawa ng mga ilusyon kaya hindi ako kampante sa labang ito.

Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin ko ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata. Blanko ang ekspresiyon ng mukha niya kaya natitiyak ko na nasa ilalim siya ng kontrol ni Enzo. Kailangan kong isipin kung paano siya ililigtas. Gusto ko mang iwasang saktan siya ay tiyak na hindi pwede 'yon. Kailangan ko siyang labanan lalo na't wala siya sa sarili. Kailangan ko ring magmadali para matulungan si Clauss na labanan si Enzo.

Muling sumugod sa 'kin si Jonica na handa akong saksakin gamit ang hunter knife niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya. Nadaplisan ang gilid ng suot ko nang umiwas ako palayo sa kanya.

"I need to kill you," wala sa sariling wika niya. Napagtanto ko na ang tanging iniisip lang niya sa oras na ito ay ang patayin ako. I think she would randomly attack me without thinking just to kill me.

Ikinumpas ni Jonica ang kamay niya. Biglang nagbago ang buong paligid. Napunta ako sa loob ng isang madilim at abandonadong building pero hindi ko makita si Jonica habang iginagala ko ang paningin. Alam ko na ilusyon lang ang lahat ng ito kaya tinibayan ko ang isip ko. Hindi ako dapat magpaloko. Lumapit ako sa pader at hinawakan 'yon. Hindi tumagos ang kamay ko kaya tiyak kong hindi basta-basta ang level ng kapangyarihan ni Jonica. Even if it's an illusion, it could deceive the five senses of my body, as if it were the real thing.

Maging ang kakaiba at malansang amoy na nanggagaling sa isang kwarto ay naaamoy ko rin. Napakunot-noo ako habang tinatahak ang kwarto sa dulo kung saan nakakaamoy ako ng kakaiba. Inihanda ko ang sarili dahil baka nag-aabang doon si Jonica. Nang tuluyan kong buksan ang pinto na bahagyang nakaawang, napatakip ang dalawang kamay ko sa bibig dahil sa matinding gulat. Halos masuka ako sa nakita ko. Nakakalat ang mga bangkay sa buong paligid. Amoy ng dugo at mga patay na katawan ang naaamoy ko kanina.

Napaluha ako nang makita ang aking ama na nakasandal sa pader habang nakatarak sa puso niya ang isang punyal na kasalukuyang nilalabasan ng masaganang dugo. Kahit isipin kong ilusyon lang ang lahat, hindi ko pa rin maiwasang maiyak.

Lalapitan ko sana ang aking ama pero may marinig akong ingay sa gilid ng kwarto kaya napalingon ako. Mula roon, isang pamilyar na mukha ang mala-demonyong nakangisi habang nakatingin sa 'kin. May hawak siyang punyal na puno ng dugo, maging ang mukha niya ay may bahid din ng dugo. Si Clauss ang taong 'yon. Nakaupo ito sa bunton ng mga bangkay. Nagulat ako nang dilaan niya ang dugo sa punyal habang aliw na aliw na nakatingin sa 'kin. Aaminin kong nakakatakot siya. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kahit ilusyon lang ito.

Napaurong ako nang tumayo siya. "So, you're the last to be killed," nakangising wika niya sa 'kin. Nakaramdam ako ng takot dahil sa malisyosong tingin niya sa 'kin. Gusto ko nang makawala sa ilusyon na ito pero hindi ko magagawa hangga't hindi ko pa natatalo si Jonica. Dahil sa naisip, agad akong tumakbo palabas sa kwarto para hanapin si Jonica at talunin. Pero kahit saang pasilyo ako magpunta ay hindi ko siya makita. Nakarating na ako sa rooftop ng building pero wala siya. Ang tanging nakita ko lang sa rooftop ay si Clauss na nakangisi sa 'kin, pero napansin ko ang walang kabuhay-buhay na mga mata niya.

"You can't run anymore. Do you want to make your death fast or do you prefer to be killed slowly?" tanong niya habang pinaglalaruan ang madugong punyal sa kanang kamay. Pinag-aralan ko ang itsura niya. May mali sa kanya. Nakita ko na ang walang buhay na mga matang 'yon. Katulad ito ng mga mata ni Jonica. Sigurado na akong si Jonica ang nasa harap ko ngayon. Ginamit niya ang kapangyarihan para magpanggap na si Clauss. Pero kahit nalaman ko nang si Jonica ang kaharap ko, hindi pa rin nawawala ang mukha ni Clauss. I'm still deceived by her illusions. Why?

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon