Note: This short story will contain massive spoilers. Kung babasahin niyo ang first book ng Lakserf, marami kayong malalaman tungkol doon. Read at your own risk.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Code red! Code red! Code red! Code red!..."
Patuloy na umuulit ang katagang iyon kasabay ng mga pulang ilaw na nagpapatay sindi't tila sumasayaw sa ere. Kasabay din ng mga ilaw ang malakas at umaalingawngaw na ingay. Mula sa ingay ay hindi na mapakali ang mga taong may suot ng mga puting lab gown. Halos lahat sila ay tumatakbo, karamihan sa kanila ay tarantang may kinakalikot sa mga makinang nagkalat sa loob ng malawak na silid.
"Warning! Warning!" Tunog mula sa mga nakakalat na speaker. "Dark magic power on critical level. Lowering the power level is advisable." Patuloy nito. Wala pang ilang segundo ay muling may narinig dito. "Warning! Subject overcharge. Computer systems unstable. Initializing system's autocontrol. The system will reboot in 1 minute."
Lalong lumikha ng komosyon ang mga tao dahil sa kanilang narinig, ngunit sa kabila ng lahat ay isang babae ang hindi natitinag. Pokus na pokus pa rin ito sa pigura ng nasa loob ng human capsule. May bahid man ng pag-aalala ay napanatili niyang kalmado ang kanyang sarili.
"'Wag ninyong intindihin ang sinasabi ng system! Hold the dark magic on its current level!" Maawtoridad na hiyaw nito. "How's its vitals?"
"Unstable, ma'am. Everything's not normal," agarang sagot sa kanya ng isa pang babae.
Umiling ang babae dahil sa isinagot sa kanya. "No. Do something to stabilize it."
"Ma'am, the autocontrol has been--"
"Alam ko!" Inis na putol nito sa sasabihin ng isa pa sa kanyang mga tauhan. "I don't care if the autocontrol has been triggered or if the whole facility's going to explode. Sundin niyo na lang ang inutos ko!" Gustuhin mang manglaban pa ng kanyang tauhan ay hindi na nito ginawa, bagkus ay sumunod na lang ito sa inutos sa kanya.
Nagpatuloy ang ingay at gulo sa pasilidad at habang tunatakbo ang oras ay lalo lamang itong lumalala. Ang pagtutulungan ng mga bawat tao sa loob ay hindi naging sapat para masolusyonan ang komosyong nagaganap. Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa ang mga tao. Unti-unti na silang nauubusan ng oras.
"30 seconds left."
"Ma'am, kalahating minuto na lang po ang meron tayo!" Takot na sigaw ng isang lalake.
"Ma'am! The power's decreasing! Hindi na po namin kaya i-maintain ang power level!"
"Its body is failing. Most of its organs are no longer functioning!"
"It's no use! Bibigay na po ang systems kapag pinagpatuloy pa natin ito!"
Sa sunod-sunod na balitang natanggap niya ay napahampas na ito sa makapal na salamin ng capsule saka humarap sa kanyang mga tauhan. Hinarap niya ang mga ito na salubong ang kilay at nagngingitngit. "Prepare the dark essence. Kung kailangan ng pwersahang dagdag ng dark magic, gawin niyo!"
Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng kanyang mga tauhan at muli na lang humarap sa capsule. Alam man niyang tututol ang mga tauhan niya ay hindi niya 'yon inintindi. Sa isip lang nito ay hindi niya hahayaang mabaliwala ang kanilang napaghirapan nang ilang taon. Hindi ito makakapayag na mauwi lang sa wala ang lahat ng kanilang pinag-aralan at pagkalap ng mga impormasyon, maging ang pagkapit nila sa patalim. Wala ng iba pang tumatakbo sa isip ng babae kung hindi ang tagumpay ng kanilang proyekto.
"15 seconds left."
Dali-daling pumuwesto sa harap ng makina malapit sa capsule ang isang lalake. Nilabas nito sa bulsa ng kanyang lab gown ang isang tube na naglalaman ng itim na likido. "Inserting the dark essence!"
Ang kaninang klaro't maaliwalas na tubig sa loob ng human capsule ay dahan-dahan nang nababahiran ng itim. Mabilis na kumakalat ito hanggang sa nangitim na ang buong tubig. Mataman na pinagmasdan ng mga tao ang laman ng capsule at kitang-kita ng mga ito ang marahas na pagbula ng tubig.
"10 seconds. 10, 9, 8..."
"Ma'am, we're losing power!"
"Don't let it!" Hindi lumilingon na sagot ng babae. Tanging sa capsule pa rin nakatuon ang kanyang atensyon.
"7, 6, 5..."
"Still no changes with the vital signs."
"4, 3, 2..."
"Ma'am!"
Napakuyom na ng kamao ang babae sa tindi ng kabang nararamdaman niya. Maging ang mga tauhan niya ay hindi na magkandamayaw sa maaaring mangyari gayong paubos na ang kanilang oras. Ang tanging nagagawa na lang nila ay ang maghintay sa resulta ng naging huling aksyon nila.
"1--"
Kasabay ng huling bilang ay ang biglaang pagbasag ng salamin ng capsule at magliparan ang mga bubog sa buong pasilidad dahilan para mapadapa ang mga tao. Umagos ang itim na tubig na kanina'y laman ng capsule at kumalat sa puting sahig. Namatay sindi ang mga ilaw, ang mga screen ay naging static, lumitaw din ang mangilan-ngilang pagkislap ng kuryente sa mga kurdon at sunod-sunod nang namatay ang bawat makina sa loob ng pasilidad.
Nabalot ng tensyonadong katahimikan ang buong pasilidad matapos ang nangyari. Ang babaeng kanina'y matapang na hinaharap ang komplikasyon sa kanilang proyekto ay tila natigil ang paghinga sa gulat. Nanatili lamang siyang nakaharap sa sahig na nanglalaki ang mga mata.
Dalawang magkasunod na beep ang bumasag sa katahimikan. Pagkatapos nito ay sunod-sunod na nilang narinig ang muling pagbuhay ng mga makina.
"System stable. Normalizing power level."
Napabuga ng hangin ang babae sa kanyang narinig. Tila nabunutan ito ng tinik at pinakalma na ang kanyang sarili. Maingat at dahan-dahan na niyang inangat ang kanyang katawan, ngunit nang mapaharap siya sa kinaroroonan ng capsule ay muling lumaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Kusang napaawang ang kanyang bibig.
"Ma'am!" Masiglang hiyaw ng lalakeng tauhan habang kumakaripas ng takbo papalapit sa babae. "Nagtagumpay tayo! The Dark Project is finally a success!"
Ang anunsyo ng lalake ang unti-unting nagpaunat sa labi ng babae hanggang sa mapangiti na ito. Hindi nito makuhang makapagsalita, manghang nakatitig pa rin ito sa pigura ng taong nakatayo sa kinaroroonan ng basag na capsule, ngunit ang ngiting suot niya ay agad naglaho nang magmulat ng mata ang pinagmamasdan niya. Nakakasindak ang berde nitong mga mata. Nilamon siya ng takot nang tumagos sa kanya ang puno ng karahasan nitong titig. Mga titig na nababalot lang ng kadiliman.
Hanggang sa marinig na lang sa buong pasilidad ang irit ng babae. "Ahhhh!!!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Whew! That took longer than expected. Prologue lang 'to eh, ang haba na ng itinakbo. Hahaha!
Oh, before I forget, gusto ko lang idedicate ang prologue ng short story na 'to sa may-ari ng character na magiging main focus ng story, kay Averruncus. Kung wala siya, walang Fate. At siyempre wala ring cool character doon sa 1st book ng Lakserf. Haha! Thank you! :D
Anyways, I hope you guys enjoyed. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/46349478-288-k705485.jpg)
BINABASA MO ANG
Lakserf Legends
FantasyA compilation of untold stories, legends, folklores and myths around the magical world of Lakserf. Enchanted books of colorful and dark fantasy altogether, filled with adventure, humor, love and action. Short stories that will never fail to bring yo...