Kaharap ko ngayon ang kalahati ng buhay ko at bumubuo sa aking pagkatao. Ngunit sa isang iglap....
"Joaquin!", sigaw ng lalaki sa van at....
*BANG!*
Unti-unti syang bumagsak at binigyan na lamang ako ng mapait na ngiti. Yung ngiting alam nya ang mangyayari.
" Jake!!!", sigaw ko sabay sapo sa kanya. Tinuro nya naman ang lalaking bumaril at tila awang awa ito sa kanya. Napa dako ang tingin ko sa BRASO nya at....
----------
"Hoi Joaquin! Gumising ka na jan! Para kang bata na gigisingin tuwing papasok!", bigla akong nagising noong sumigaw si mama.
Yung panaginip na iyon. Si Jake, bakit? Bakit lagi na lang akong binabalikan?
*********
A/N: Hi po, eto na po yung revised edition. Sorry po medyo matagal haha. Sorry sa Intro, semi-masabaw ako ngayon e. Next time ulit!
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Dark Superior
Action"History has its own way of coming back". Para sa nakararami, di mo matatakasan ang nakaraan. Parte ito ng buhay mo. Ikaw ay ang nakaraan mo. Kailangan mong harapin ang takot na dala ng dati. Ngunit paano kung makaharap mo ito ng literal?