"Jake's POV"
"Before going to school on that day, dad told me....
Flashback
"Son, find a way to switch your personality with your twin brother. gusto ko na ikaw ang maging tagapag-mana ng Empire. Di ko kayo ipapasundo sa service ninyo kaya maglalakad kayo idaan mo sya sa eskinitang madilim, yung daan papuntang park? A white van will stop there at babarilin ka ng kunwarian. And by that time, dapat ikaw pa rin si Joaquin. darating ang mga miyembro ng Empire kaya ligtas kang makukuha at madadala sayong training house", sabi ni dad na ikinatuwa ko at ikinalungkot na rin dahil mahihiwalay ako kay Joaquin.
"But dad, how if I die because of that incident?",
"Don't worry son, planando ang lahat ng ito. Hindi ka babarilin, si Joaquin ay gagamitan ng Memory Drugs at papalitan ang ala-ala nya"
"Hindi ba delikado yun dad?"
"No son"
"E bakit di na lang po natin gawin iyon habang tulog sya?"
"Ang gamot ay may limitasyon din. Ang memorya lamang nya sa loob ng nakalipas na 30 minuto ang malilimutan at maari mo nang palitan ng ibang memories ang mga susunod na pangyayari"
"Fine dad",
"Nice. I gotta go. Goodluck son",
"Bye, dad"
end of flashback
"Bakit ikaw? Bakit hindi ako?", tanong ni Joaquin na halatang may halong inggit.
"Empire? S-sigurado ba kayo?", tanong naman ni Kate at si Chloe? Nakatulog. Better nama para wala syang malaman dito
"Wait lang Kate. Kay Joaquin muna, nauna sya e. Okay, since you're such a lame by that time, pinili ako ni dad kesa ikaw...."
"Yun lang?! Dahil mahina ako?! that's so damn unfair!", nagwawala na sya kaya tinigil nya na ang kotse.
"Wait Joaquin, patapusin mo muna ko pwede? Ayun na nga, pinalabas nila na ako ay ikaw. Dahil mga ilang araw matapos ang insidente, gumawa ng statement si dad na nagsasabing ako ang nabaril instead na ikaw, na talaga namang sinadyang ipalabas sa set-up Ibig sabihin, ang katauhang 'Jake Victor Glaze' ang namatay, ito ay para ikaw ang kilalaning heir. At ipinalam sa mga McFord na isa lang ang nararapat na magmana ng Empire. Ginawa ito ni dad para isipin ng kalabang gang na ang propesiya ay hindi na magkakatotoo", mahabang paliwanag ko
"Ahh so you just sacrificed your personality to save me and our family name. thanks bro. But what about the prophecy?"
"Ang propesiyang nakasaad ay nabuo noong pang panahon ng ating great grandfather. Ang McFord at Glaze ay nasa isang kompanya noon. Ah, mag-kasosyo lang sila sa business pero magkaibang company. Sinusuportahan ng McFord ang Glaze sa weapon factory nito. Hanggang isang araw, ang McFord ay nakipagkasundo sa mga Greenland at humiwalay sa Glaze. Ang mga papeles ay pineke lamang ng mga McFord kaya di alam ng kompanya nila lolo at nalugi sila. Pero ang buong pagkaka-alam ng Empire at ng Knights (gang ng McFord) ay ang McFord ang nagtayo ng Knights. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang gemini ni great grandpa ang nagtayo nito. Nahawakan lamang ng McFord ang Knights ay noong naganap ang kill and gain process. Napatay ng matandang McFord ang gemini ni lolo kaya sila na ang humawak. Nabuo ang propesiya dahil sa 'FORBIDDEN BOOK OF GANGSTER WORLD, at nasa lahi na ng Glaze ang magkaroon ng kambal na lalaki kada-ikatlong henerasyon. At kinatatakutan ngayon ng Knights na mabuhay ang kambal dahil mawawatak sila at babagsak. Dahil nasasaad dito na magkakaroon ng labanan sa pagitan ng kabalyero at ng hari (knights and empire) nito na may dalwang tinatagong baraha, ang Spade at ang Jack at babagsak ang matatalo at sa oras na maganap ito, ang gang na magtatagumpay ay pamumunuan ang ibang gang na mas mababa sa kanila. Sa tatlong beses na sumabak ang Glaze sa extreme fights ay di pa sila natalo. Kaya natakot ang Knights na matulad sa ibang gang"
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Dark Superior
Action"History has its own way of coming back". Para sa nakararami, di mo matatakasan ang nakaraan. Parte ito ng buhay mo. Ikaw ay ang nakaraan mo. Kailangan mong harapin ang takot na dala ng dati. Ngunit paano kung makaharap mo ito ng literal?