SURPRISE!

13 0 0
                                    

Joaquin's POV"

"Well you only need the light when it's burning low. Only miss the sun when it starts to snow. Only know you love her when you let her go", pagdu-duet...or should I say 'pagwawala' nilang dalawa sa backseat ng kotse ko habang papiyok-piyok pa at parang nagko-concert. Napangiti ako ng makita ko sila sa rareview mirror, para silang bata.

"Only know you've been high whe...", kakanta pa sana sila pero sumingit ako.

"We're here",sabi ko sabay bumaba at pinagbuksan silang dalawa. Gentleman mode ngayon haha.

"Yehey! Makakapag shopping na naman tayo! Bibili tayo ng maraming dress at shoes para sayo tapos, tapos, kakain tayo sa ....", hyper na sabi ni Chloe habang patalon-talon at parang kikay ang paggalaw

"Libre mo ba?", natatawang putol ni Kate sa sinasabi ni Chloe.

"Juklang! Magwi-window shopping lang tayo fren! Kaw naman di na mabiro?", biglang sabi ni Chloe.

"E pano yan ala kong dalang pera? Kala ko kasi manlilibre ka e. Paasa naman to!", nagtampu-tampuhan si Kate na parang bata. Kung di ko sila kilala iisipin ko na mag kapatid lang sila.

"Teka tawagan ko si Mang Kardo papadala ko wallet ko", dugtong nya

"Ako din friend e, naiwan ko sa inyo wallet ko. Baka matagalan sya?"tanong ni Chloe. Sabay silang napahinto at tumingin sakin. Patay!

"ahh-hehehe...uwi na ko di maganda pakiram....", palusot ko at akmang aalis.

"Hep! Hep! Hep! Mister Joaquin Von Glaze...ikaw ang incharge sa shopping allowance namin dalawa sa ayaw mo at sa gusto hanggang di pa naihahatid ni Mang Kardo ang wallet naming dalawa!", mataray na sabi ni Kate. Oooppss!

"Yes maam!", hay nako! Napasubo pa ko.

"Oh friend! keri na pala ng papabols mo ang kachurvahan natin! Gora na!", sabi lang ni Chloe at tumakbo na sila papunta sa loob.

Ayun, nagpabili lang sila ng nagpabili ng dress, sapatos saka make-up kit. Kikay na kikay sila. Tapos non kakain na...yare! Malaki laki ang mauubos ko pagkain, andami nang naka-planong oorderin e.

"Libre mo ba?", tanong ni Kate

"hehe....pwede bang wa---", sasagot na sana ko pero tulad ng inaasahan, uunahan ulit nila ko para di makatanggi.

"Yehey! Sagot nya na raw bakla!", sigaw ni Kate kay Chloe na nasa counter na. Lumapit na ko sa pila nila para abangan kung sila na ba ang oorder. Nasa fastfood lang kami dahil mas marami naman daw ang pagkain dito at mas mura. Sa resto naman kasi ang mahal mahal tapos yung gitna lang ng plato yung may laman.

(A/N: ang fast food na ito ay imbento lamang)

"Talaga? kakahiya naman. Osige ito na lang akin", sabi ni Chloe at bumuwelo. Napapikit ako dahil alam ko na ang mangyayari

"Two piece chicken, tatlong regular fries, isang coke float, spaghetti, burger, ice cream, halo-halo tapos yung pizza na may pineapple peron walang pinya.", napadilat matapos nyang umorder. Teka! walang pineapple
pero may pinya? Nako!

"Yun LANG?", tanong ko... inemphasize ko talaga yung 'lang'

"Oo yun lang", ngiti nya.

"Kaw sweetie?", biro ko kay Kate

"Sweetie ka jan?! Kung ano sayo yun din akin",

"Osige. Eto 1k bayaran nyo na. Sasabog na ata pantog ko e, pag kulang bayaran mo na muna bayaran ko na lang. Steak lang akin saka pineapple juice tapos isang slice ng black forest cake", sabi at inabot kay Kate yung pera at umalis na.

Don't Mess with the Dark SuperiorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon