History Repeats Itself

27 0 0
                                    

"Kymiel's POV"

Tumatakbo kami papuntang Private Room ng biglang may grupo ng kalalakihan na humarang samin at may dalang baseball bat at tubo ang bawat isa.

"Hep!", sabi nung isa sa gitna

"Wow! Orig ba yan Kuya?!", sabi ni Ace kaya tiningnan namin yung baseball bat na hawak pero ang gaan

"Local naman e! Dibisorya lang ATA yan e!", pang-iinis ko

"Made in China!", tapos saktong dumating sina Wax at nagulat naman yung lalaki pagkakita sa kanya

"Why? Is there any problem?", tanong ni Wax na mas kinagulat nung lalaki. Masama bang magsalita?

"Eto kasi oh!", sabi ni Ace at tinaas ang bat na hawak nya. "Local!", dugtong nya

"Tsss",sabi ni Wax at umiwas mula sa lumipad na tubo.

Tapos tumingin sya ng masama sa lalaki at sumignal na sumugod na daw. Kaya umatake kami at tumaob lahat ng lalaki bukod dun sa nasa gitna. Nasa ere na si Wax at sana'y susuntukin na sya pero biglang napalo si Wax ng bat

"Joaquin's POV"

Nasa ere na ko ng bigla Kong nakita ang tattoo nya sa balikat... Ito yung......yung....

<<flashback<<

Nandito kami ni Jake sa cafeteria ng Glaze Garden ( ito po yung elementary ng Glaze Academy) at dumating bigla ang crush Kong si Kate, at dahil torpe ako di ko alam ang sasabihin ko. Kaya umalis kami at sa Private Room kumain Kasama sina Ace, Nathan, at kymiel.

"Bro! Ang torpe mo!", sabi ni Jake at nagtanggal ng mask. Oo naka-mask sya kasi ayaw nina dad na malamang kambal kami.

"Ano bang gagawin ko?", tanong konsa kanya

"Eto suotin mo at akong bahala", iniabot nya ang mask. So, mag babaliktad kami ng katauhan ngayon?

"Game", sabi ko lang at lumabas na kami

"Kate---", di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ako nga pala si Jake ngayon.

"Hi Kate, ganda mo ngayon ah", sabi ni Jake bilang ako

"Salamat Joaquin", sagot ni Kate

"Lam mo nahulog nga ko sayo e. Sasaluhin mo kaya ko?", sabi nya

"Why not?"-Kate

"Kita tayo mamaya sa garden ng subdivision hah"- Jake

"Sure"- Kate

Tapos kumindat sakin si Jake at pumunta na kaming cr para mag palit ng katauhan. Sinuot nya na yung mask.

"Ikaw na bahala mamaya", sabi nya.

"Oo salamat", sabi ko

"Tara na 5:00 na pala", pag aaya nya.

"Tara na! Mukhang di dadating yung service.

Naglakad na kami at sinuot ko pa rin yung mask nya, trip ko lang. Ako pa rin si Jake ngayon hehe. Biglang may isang van na huminto sa harap namin at may lalaking lumabas

"Joaquin!", sigaw nya at....

*bang*

Kinapa ko ang katawan ko ngunit wala akong sugat at naalala Kong..... Ako si Jake ngayon at si Jake ay ako, kaya.....

Tumingin ako kay Jake at pabagsak na sya. Ngumiti sya ng mapait, na parang alam nya ang mangyayari

" Jake!!!", sigaw ko at tinuro nya yung lalaki at ang BRASO nito ay....

May DRAGON na naka-tattoo

----end of flashback----

Ang DRAGON! Ang tattoo!

Nagbalik ako sa realidad ng mahataw ako ng baseball bat at bumagsak ako...alam Kong namamaga ang mukha ko dahil sa pagkakatama, pero di ko yon ramdam

Ang huli Kong nakita ay ang mukha nina Ace ngunit si Jake ang narinig ko... Nagsasabing

"Bangon kambal! Ipaghiganti mo ko,",

Pinilit Kong tumayo pero bigla akong tinamaan ng tubo sa tagiliran at bumagsak uli ako

Sorry Jake

---------
A/N: Eto na yung twist ng storya! Eto na! Hahahahah

Don't Mess with the Dark SuperiorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon