"Joaquin's POV"
Naka-upo ako sa isang damuhan at isang matigas na puno ang nasandalan ko. Tirik ang araw ngunit di mo mararamdamn sa balat mo ang init nito, sa halip ay ang dampi ng malamig na hangin na bumabalot sa hardin o sabihin na NATING paraiso na napalilibutan ng rosas.
Sa kabilang dulo ng Hardin ay nakita ko ang taong kakabiyak ng buhay ko. Ang taong pumupuno sa aking pagkatao.
"Jake!", tawag ko sa kanya at inulit-ulit ko iyon hanggang narinig nya ako at tumingin sa gawi kung saan naroon ako. Ngumiti sya sakin. Ngiti na walang bahid ng kalungkutan at tanging kasiyahan lamang.
Hinabol ko sya ngunit tila di ako umaalis sa pwesto ko at dahan dahan syang naging abo at tinangay ng hangin. Tanging natira lamang ay ang rosas na puti at may bahid na pula na kung pagmamasdang maiigi ay mapapansin mong dugo iyon. Kinuha ko iyon ngunit may ahas na gumapang papunta sa akin at....
" Joaquin! ", sigaw ng pamilyar na tinig ng babae
"Wax! Pre! Gumising ka nga!",
"Joaquin! Ano ba?!", sunod sunod na sabi ng mga kaibigan ko. Dahan dahan ko iminulat ang mga mata ko at nakita ko sila na naka paikot sakin at naka luhod habang ako naman ay nakahiga.
"Na-nasaan sya? S-si Jake? A-ang rosas? Yung a-ahas? Yung lalaking may ta----", di ko na naituloy ang sasabihin ko
"Joaquin! Ano bang pinagsasabi mo jan? Kanina ka pa walang Malay at sigaw ng sigaw Jan!", sabi ni Ace na nag aalala
"Si Jake, kailangan ko syang maipaghiganti, yung lalaki kanina, sya ang bumaril sa kanya", sabi ko
"Kinuha na sila nung guards. Pano mo naman nasabing sya nga yun?",- Nathan
"Yung BRASO nya, yung tattoo na DRAGON sya yung nakita ko sa van noon", sabi ko
"Sshhh", sabi ni Kate na nandito rin pala.
"Kate?", nagtatakang tanong ko
"Oo Joaquin, ako ito. Nakita kong hinampas ka nung lalaki kanina e. Concern lang ako...kasi....kasi....g-g-gusto kita", alam Kong nag-blush ako sa sinabi ni Kate.
Napangiti na lang ako kasi bukod sa mga kaibigan at pamilya ko ay may makapag papasaya pa pala sakin.
"Osige Tara na! Magpahinga ka muna", sabi ni Kate at inalalayan ako sa pagtayo.
"Kaya mo na ba yan? Pupuntahan kasi namin yung mga lalaking gumulpi sa kanya kanina", narinig Kong tanong ni Kymiel Kay Kate.
"Oo kaya ko na to. May alam naman akong konti sa panggagamot e.", sabi nya.
"Oo gagaling ako, si Kate pa", pang-iinis ko at kinurot ang pisngi ni Kate.
"Oi! Bawal yan!", biglang sigaw ni Ace
"Wala ka nang magagawa", tapos binelatan ko sya
(HUGOT #1 by:Joaquin- Mahalin mo sya di dahil sa gusto at sinasabi ng iba. Mahalin mo sya dahil yun ang nararamdaman mo para sa kanya.)
-------
A/N: nagsimula na po ang HUGOT nilang magkakaibigan pati na rin ang lovelife ni Joaquin. Sa next chapter uli! Thanks.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Dark Superior
Action"History has its own way of coming back". Para sa nakararami, di mo matatakasan ang nakaraan. Parte ito ng buhay mo. Ikaw ay ang nakaraan mo. Kailangan mong harapin ang takot na dala ng dati. Ngunit paano kung makaharap mo ito ng literal?