February 13, 2014
Dug. Dug.
Kinakabahan ako. Hindi naman ako yung kasali pero ako yung kinakabahan. First time yatang magkaroon ng cosplay competion dito sa school. Isa kasi sa platform ng student council ay ang cosplay competition sa college department kapag foundation day ng school. Foundation day ang tawag but it is a one-week celebration.
I'm an otaku kaya masaya ako, but in the end, hindi ako sumali. Bakit ako kinakabahan? Pina-rent ko kasi yung Chun Li costume ko dun sa blockmate ko na may confidence lumaban. Aba syempre may parte ako kapag nanalo siya.
Nasa backstage kami ngayon at abala ako na turuan siya sa gagawin niyang cgaracter presentation mamaya. Stage manager lang ang peg ko. Aaminin ko, kami lang yung hindi bongga ang costume. Yung iba ay fully costumed talaga at full details kaya nakakakaba.
In fact, puro babae pa ang kasali at-- ay may lalaki pala. Isa lang siyang lalaki. Akatsuki? Sino na nga ba yung naka-mask na orange sa Akatsuki? Makapal ba talaga ang mukha niya para sumali o matapang lang siya since nakamaskara siya?
"Hani!! Ako na!"
Sigaw ni Kem. Go. You can do it. At yun na nga. Sumalang na siya sa stage.
---
"Congrats!" I said while hugging Kem. 2nd place siya at okay na yun. I didn't expect talaga pero siguro nadala nung fighting scene (since siya nga si Chun Li) ang performance niya. Yung iba kasi basta rumampa lang. Ahem. Best stage manager ako eh. Dagdag kita rin 'to.
"Vaughn!" sigaw ko dun sa classmate ko which is my best friend na rin siguro. Siguro? College freshmen kami at dito rin kami gumraduate ng high school. Yung kanya-kanya naming barkada ay sa Manila nag-aaral ngayon, kaya no choice kami kundi maging kaibigan ang isa't-isa.
"Tumabi ka dun kay Chii. Bilis" sabi niya. Feeling photographer ang loko since may hawak siyamg DSLR. Ofcourse kapwa ko otaku kaya nageenjoy siya sa mga cosplayers. At syempre siya ang photographer ko. Haha
Nagpapicture ako sa mga nakacostumes then nahagip ng mata ko yung nagiisang lalaki na contestant.
"Vaughn, ano ngang pangalan nung character na yun?" Tinuro ko yung lalaki sa sulok ng backstage na nakamaskara.
"Ah. Si Tobi ng Akatsuki yun. Geh dali. Picturan ko kayo."
Kinapalan ko na ang mukha ko at nilapitan ko siya at kinalabit.
"Kuya papicture po."
"Ah. Sure."
Click. Click.
Matapos yung shots ni Vaughn, nag- thank you ako dun kay Tobi at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
"Wait. Isa pa." He said and thenn he removed his mask and faced the camera.
Click.
"Thank you po ulit."
"Mukhang mahilig ka din sa anime a" sabi niya out of the blue then humarap sakin. Madilim kaya hindi ko makita ng ayos ang mukha niya. Naka- chikara hat kasi ako at anime shirt kaya niya siguro napansin.
Tumawa lang ako at ngumiti sabay nagbabye na. Umalis na kami sa backstage ng gym at hinablot ko yung DSLR kay Vaughn at tinignan ang mga kuha niya.
"Ay. Ang bait ni Tobi no." sabi ko kasi nakita ko yung pictures namin.
"Crush mo?"
"Grabe ka naman. Ano ako bata?" Sinamaan ko ng tingin si Vaughn. "Nabaitan lang ako kasi kinausap niya ako hindi katulad nung mga babae kanina na mukhang wala naman talagang hilig sa anime."
"Gusto mo ilakad kita? Haha. Wilchard Tayag. Tropa ng kuya ko yun eh. 2nd year BA student."
"Hell no. I don't care."
At isa pa. May boyfriend ako no. 2 years and 4 months na kaya kami.
---
Pag-uwi ng bahay.
Facebook. Search for Wilchard Tayag. Friends.
Friends kami sa FB? Siya to eh, Tobi ang profile picture. Bakit friends na kami? Weird.
BINABASA MO ANG
To My Almost
RomancePinag-landi lang kayo. Hindi kayo itinadhana. Tumalon. Nahulog. Na-fall. Lumagapak. Masakit? Tanga. "To my almost. For my To-Be"