August, 2014
Ang hirap maging single. Ang sakit sa mata kapag nakakakita ka ng mga mag-syota.
Oo. Break na kami ng boyfriend ko nung June. Wala namang third party, ugali lang niya talaga ang problema. Di ko feel na girlfriend niya ako. Mukha ngang title lang eh.
Isa pa, nakipagbreak ako saktong June 11, para kinabukasan Independence Day. Joke. Namatay kasi yung sister-in-law ko. Nagsabay sabay ang problema sa family kaya ayun, sinabay ko na rin siya sa problema kaya nakipagbreak ako. Tutal sa UST siya nag-aaral kaya LDR kami.
*
By the way,
Officer's ball ngayon at namomroblema ako kasi naka-heels na naman ako. Bilang one of the boys, sanay ako na hindi prim and proper. Straight na babae naman ako pero hindi ako paarte katulad ng iba. Cowboy attitude kumbaga.Pero I admit, sabik din naman ako mag-make up. Minsan lang kasi tapos parang ang laki ng ikinagaganda ko. Hahaha. Pwede ko na rin palitan yung profile picture iong magsisix months nang naka-set sa Facebook.
Nasa right side kami ng gymnasium, event place. Per organization/club yung arrangement ng tables and chairs. Syempre nakahiwalay din yung faculty.
Naka-mask kami lahat since ito ang theme ng bagong set ng student council ngayon. Masquerade party. 2nd year na ako at year level coordinator ng JPIA (Junior Philippine Institute of Accountants) kaya 2nd time ko na ring aattend dito sa ball.
Graphic artist din ako sa school publication at member sa ilang clubs. Anong connect? Well, I have this secret. Sa totoo lang, hindi ko gusto 'tong course na 'to. I'm into fine arts o di kaya architecture. Pero may tatlong kontrabida kung bakit hindi ko napursue yung gusto ko.
First, tight ang budget. Magastos ang fine arts at mahina ako sa painting kaya baka mag-fail lang ako. Also, kung arki, madami ring math. Takot po ako sa algebra. Lastly, ayaw ng parents and relatives ko. Wala akong magawa. Matalino daw ako eh. Sige panindigan na lang natin. Buti na lang at basic math lang sa accounting. Yung pagaanalyze mo lang talaga ang problema.
So back to the program, nakaka-inip nga eh at lahat ng officers per club ay maglalakad sa gitna--catwalk. Naka-mask sila pero nakikilala ko naman yung iba. Naalala ko tuloy yung mga movies na naka-mask lang yung bida ay hindi na nakilala yung pagkatao niya although litaw yung trademark nung person. Kamusta si Sailor Moon!?
"Loko loko talaga yang si Wilchard Tayag."
Pumintig ang tenga ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Wilchard Tayag? Andito siya? Officer siya? Weh?
After kasi nung nangyari nung February, kung anu-ano na ang sinasabi ni Vaughn sakin about kay Tobi (Wilchard). Magulo, maangas, malakas ang trip at sakit sa ulo. Pero officer siya?
Maya-maya nakita ko na siyang naglalakad sa gitna kasama ang mga ka-org/club niya na hindi ko narinig kung ano. Naka-gas mask siya. Yung mask na ginagamit kapag may hazardous chemical. Nagstandout siya since karamihan ay nakasuot ng mask na pangfairytale, yung parang kay Batman. Cool. He's not that popular tho.
Ang angas niyang maglakad at nagpalakpakan yung mga lalaki na I assume na kakilala niya. Malakas nga ang trip.
Lalo pang lumakas yung kantsawan nung gumanap siyang bakla dun sa video parody nila na siya ang bida. May kakapalan nga ang mukha.
Teka, bakit nga ba nakafocus ako sa kanya? WTH?

BINABASA MO ANG
To My Almost
RomancePinag-landi lang kayo. Hindi kayo itinadhana. Tumalon. Nahulog. Na-fall. Lumagapak. Masakit? Tanga. "To my almost. For my To-Be"