3 - Marathon

25 1 0
                                    

September, 2014

Yawwwn.

4:00 AM nasa school na kami. Hindi ako officer ng Sports Club pero pinsan ko kasi yung Sports Coordinator at adviser ng club kaya kumbaga, responsibilidad kong tumulong.

Last day ng inramurals ngayon at kailangan talaga namin magmadali kasi may bagyo. Kanina pa nga umuulan. Mukhang baha na nga dun sa street na dadaanan nila. Kung meron lang sanang running track sa school edi sana hindi ganito diba. Pero okay na yun, kaysa naman tumaas ang tuition.

Marathon ang event ngayon kaya konti lang ang nasa school at isa ito sa pinakamadaling matapos at pinakaboring na event para sa audience.

"Sumakay na kayo sa jeepney." Announce ni Ma'am Jessie, yung pinsan ko.

Kami kasi yung nagaassist sa boys category. Nakalimutan ko na kung ilang kilometers ang tatakbuhin nila pero mas malayo kumpara sa girls.

Puno ang school jeepney namin. Andito ang iba't ibang president ng bawat department para sa support at sa pagbibigay ng energy drinks. Andito ang ilang officers ng Sports club at syempre mga Red Cross Youth Club volunteers.

Bumyahe kami ng mga 10 minutes palayo sa school. Isinabay na rin namin yung pagsasight seeing since hindi sa amin pamilyar yung place/street na dinadaanan. Andyan din yung magbibiruan kami sa loob ng jeepney. Nung magsimula na ang marathon (6 lang ang kasali - 2 representatives per clustered college) sinusundan lang ng jeepney yung nahuhuling runner.

Dumating na kami sa street na laging binabaha. Siguro 5 inches palang yung lalim. Nagtatawanan kaming mga nasa bandang likuran ng jeep kasi mukha kaming nagjejetski. Konti pa lang yung mga sasakyan sa kalsada since around 5-6AM na at ang alam ko, kanselado na ang mga klase sa ibang schools. Kami lang naman ang waterproof.

Maya-maya may lalaking umupo sa flooring ng jeepney malapit sa pinto sa likod. To be exact, nasa harapan ko siya at nakatingin din sa labas. And it's him--si Wilchard.

Di ko pa siya natititigan ng matagal pero nagsalita siya..

"Sir! Pwede po bang bumaba? Ang sarap tumakbo sa bahang kalsada. Haha"

"Sige. Mag-ingat lang!"

Huminto ang jeep at bumaba siya. Nung una nagulat pa siya sa lalim pero okay naman nung sumunod. Bumaba din yung isang babae na taga education department. Napasimangot ako. Sino naman yun?

Gusto ko rin sanang sumunod kaso nga lang, nagdalawang isip ako since may maliit na sugat ako sa paa na nakuha ko nung isang araw. Baka ma-infect sa baha. Di ko alam kung bakit ako naiinis.

Nabalik sa realidad ang isip ko. Tumingin ulit ako sa labas--kay Wilchard at dun sa babaeng kasama niyang tumatakbo. Tawa sila ng tawa at minsan  nahahawa na rin kami kasi nga nakakatawa na minsan ay bumabagsak sila dahil napapatid sa baha.

Tinitigan---I mean tinitignan ko siya. Yung smile niya. Yung mata niyang medyo nawawala kapag tumatawa. Yung mga minamaktol niya kapag nakakakita ng mga basura na nadadaanan niya. Yung tshirt niyang basa na din sa ulan na yumayakap sa katawan niya. Yung buhok niyang mistulang nagiging bangs. Hay.

Cute pala siya.

Pagdating namin sa school, pumunta lahat nung runners ,kasama kaming nasa jeepney na kakababa lang, sa may students' lounge for free coffee. Agad hinanap ng mga mata ko si Wilchard. Nasa may bungad na table lang siya at tinatawanan ang sarili niya sa kalokohan niya kanina.

Para-paraan. Kumuha ako ng isang upuan at ipinwesto dun sa lamesa kung nasaan si Wilchard. Kunwari di ko na lang siya kilala. Snobber ang ganap ko ngayon.

Mga ilang minuto pa ang lumipas, tinabihan ako nung best friend ko. College girl-best friend to be exact. Siya ang partner-in-crime ko ngayong college. Hindi naman pwedeng si Vaughn lang diba? Iba pa rin pag may babae kang best friend.

"Ay kuya, ikaw yung tumakbo sa baha kanina no?" Tanong ni Louise (yung best friend ko) kay Wilchard. Nanlaki yung mata ko since tumingin siya sa dereksyon namin.

Nakakainis. Buti pa si Louise nakakausap niya nang matino si Wilch--Tayag (Tayag na nga lang muna itatawag sa kanya) samantalang ako kinakain na nang awkwardness eh wala pa ngang sinasabi.

"Ah oo. Saya nga eh. Haha." sabi niya

Damn. Nakakaattract ang boses niya. Hindi masyadong malalim at playful pa ang tono. Bakit ang lakas ng dating niya sakin? Please po, ilayo niyo ako sa temptasyon!! Ayoko pang mahulog. Crush lang dapat to. Hanggang dun lang to dapat. Hani, please control yourself. Save yourself from the fires of hell.

After few minutes, the event is over. Uuwi muna ang lahat tapos balik na lang mamayang hapon para sa awarding ceremony. Tumayo na si Tayag at saka umalis.

Kinalabit ko Louise sabay sabing "Wag mong sabihin kay Vaughn nanakasabay natin si Wilchard ngayon ha."

"Sinong Wilchard?" Nagtatakang sabi niya

"Yung lalaking tumakbo kanina sa baha." Hindi ko na inantay na itanong niya kung bakit kasi halata na sa mukha niya ang pagtatanong. Kaya ieexplain ko na. "Siya kasi yung tinutukso sakin nila Vaughn. Siya yung nakasama ko nung cosplay event. Wag mo na lang sabihin kasi baka lalo pa nika akong tuksuhin."

Nag-okay naman siya. Pero ako yata 'tong hindi okay. Yung pagsabi ko nun, hindi dahil sa nagaalala akong tuksuhin ng tropa, nagaalala lang ako na baka magustuhan niya na rin si Tobi. (Tobi na lang pala ang itatawag ko kay Wilchard...less obvious kapag may makarinig). Gosh. Bakit ganito ako? It's not normal.

Geez. Why am I so territorial?

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon