6 - Computer 3

37 1 0
                                    

November, 2014 (Third week of 2nd Sem)

I really hate Mondays. But now, I'm starting to like this day. MWF classes are my energy for the whole week. Sinong di gaganahan pumasok kung ang crush mo ay classmate mo, diba?

Kakalabas ko lang ng cr. I checked my face kung presentable ba. Kailangan humarap ako sa kanya nang maganda. Tinanaw ko ang third floor sa kabilang building kung nasaan ang computer laboratory namin. May ilang kaklase na ako na nadoon sa corridor. Mukhang wala pa yung sir namin.

Searching....

Ugh. Wala pa siya. Last week, nakadalawang absent agad yung lalaking yon. Minsan nakakadisappoint din kasi excited akong pumasok pero abesnt siya.

I decided na pumunta na rin don. Bakit ba kasi sa kabilang cr pa ako nagpaganda? Ang layo tuloy ng lalakarin ko ngayon plus yung hagdanan pang grabe ang magnetic field!

"Sana hindi pumasok si sir." Sabi nung classmate ko nung makita niya ako. I smiled in return. Sa ganitong panahon, hindi ko hinihiling yun.

*

Marami-rami na rin kami ditong nagaantay kay sir. Pero wala akong paki kung ma-late siya, basta andito na si Tayag. :>

Kausap niya si Vaughn sa may malapit. About anime yata ang pinag-uusapan nila. Ako, poker face lang ako habang nakasandal sa pinto ng laboratory. Kunwari walang pakialam na malapit siya. Hahaha.

Maya-maya, dumating yung dalawa ko pang tropa: si Jay at si Jeff. I really enjoy their company since I'm 'one of the boys' diba. Habang papalapit sila, napansin nila na naguusap si Tayag at Vaughn malapit sa akin sabay nagbulungan sila. Si Jeff, ngumisi sakin sabay taas ng kilay.

They're up to something. Sinimangutan ko sila in return. Humanda kayo sakin kapag hindi ko nagustuhan yang planong pinag-iisipan niyo.

Inakbayan ni Jeff si Tayag. "Uy pre, musta? Bakit ka naligaw sa klase na to ha. Haha"

He answered Jeff's question casually. Magkakilala nga rin pala sila pero hindi ganun ka-close.

Tumingin ulit si Jeff sa akin saglit sabay tinanggal ang kamay na nakaakbay kay Tayag. "Wilchard, oo nga pala."

"Huh?"

"May ipapakilala ako sayo." Sabi ni Jeff na nagpapanic sa puso ko. Shit.

"Sino?" Tanong ni Tayag habang naghahanap-hanap kunwari sa corridor. Habang si Vaughn at Jay ay nagtawanan habang nakatingin sakin.

Hinila ni Jeff si Tayag papalapit sakin. "Ay Wilchard, si Hani pala, tropa namin. Hahaha."

Si Jay at Vaughn naman ay nag-ingay kaya napansin ng mga kaklase ko. Woo! Uyy! Puro ganyan ang naririnig ko. Tsk. It's not good! Mamaya eh pagbintangan ako ni Tayag na may gusto ako sa kanya...well, totoo naman..pero ayokong mahalata niya yun ngayon!

"Ah. Hi. Hani." Then he smiled

Those three words.

Those three words mga beh!! Para na rin niyang sinabing I LOVE YOU!!!

:'>

"Hi." I replied. Wala na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Poker face pa din para hindi halata. Inirapan ko yung mga tropa ko kasi muntikan na akong mabisto.

Saktong dumating naman si sir kaya pumasok na kami sa lab. Saving me from that situation, nakakatuwa. Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa paghiyaw. Pumunta na kami sa mga seats namin, and to my luck, nasa may likuran ko lang siya :)

To My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon