November, 2014 (First week of 2nd Sem - Friday)
As usual. Attendance lang ulit ang ginawa namin. Siksikan sa isang table sa laboratory dahil andun yung yellow paper na susulatan mo ng pangalan mo.
Ito ang masaya kapag first week ng pasukan, halos hindi nagkaklase ang mga prof. Papasok ka lang para sa attendance sheet at para makareserve ng gusto mong seat sa klase.
"Hani, ikaw na" tulak sakin ni Vaughn sabay dutdot nung ballpen niya sakin. Alam niyang manghihiran ako eh. Haha. Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko na laging may nakadrawing na star sa dulo, isa ang naka-agaw ng pansin ko..
1. Wilchard Tayag
Sh*t.
Magkaklase kami! Nahampas ko bigla si Vaughn at lumingon siya sakin nang nakasimangot.
"Anong problema mo? Nanghahampas ka dyan?" Hinampas ko ulit siya ng mahina at itinuro ang unang pangalan na nagattendance sa yellow paper. Nung una di pa niya ma-gets. Tapos biglang napangiti siya. "Kinilig ka naman?"
"H-hindi ah. Ang weird lang kasi..diba ahead siya ng one year satin tapos classmate natin siya. Duh."
From snobber ganap to crush-ko-siya-pero-indenial-kunwari ganap ako ngayon. Tahimik ang buhay ko kapag ganito. Yung walang nanunukso. Yung walang awkwardness. Yung walang kokontra.
Pero wala ngang kokontra, wala ring makakaalam na may gusto ako sa kanya. It means na kahit sino sa mga classmate ko ngayon ay posibleng magkagusto sa kanya. Paranoid na kung paranoid.
Bakit ba nagpapaka-China ako? Sobrang territorial kahit hindi pa sigurado kung pagmamay-ari na. Ugh. I hate this feeling.
Dear Lord, grabe ka po! Di ko ineexpect na magiging classmate ko siya. Syempre soon, makikilala na niya ako. Mehehe. I love you Lord!
BINABASA MO ANG
To My Almost
RomancePinag-landi lang kayo. Hindi kayo itinadhana. Tumalon. Nahulog. Na-fall. Lumagapak. Masakit? Tanga. "To my almost. For my To-Be"