One

491 18 0
                                    


"Mommy."

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na memoryadong memoryado ko.

"Baby." Malambing na sambit ko sa pangalan nito. Lumapit ako dito at lumuhod sa harap niya para pantayan ang tangkad nito. Mabilis naman na niyakap niya ako at pinulupot ang mga maliliit na braso nito sa leeg ko.

Napangiti ako ng maramdaman ko ang paghinga niya habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko. Hinihimas ko ang likod niya habang naglalakad ako patungo sa kwarto. Gabi na at baka lamigin ito kung mananatili kami sa veranda.

"Nigising ako kasi ala ako katabi." Sambit nito. Halata sa boses nito ang pagkaantok kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti.

Sa tuwing wala kasi ako sa tabi niya ay hindi ito makatulog. Tuwing nagigising ako sa hating gabi para uminom ng tubig ay magigising din ito. Madali kasi itong magising pag naramdaman niyang wala na ako sa tabi niya.

"I'm sorry baby. Hindi lang makatulog si mommy." Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya tsaka maingat na inihiga ito sa kama namin.

Mabilis naman na tumabi ako sa kaniya tsaka inayos ang kumot namin. Maingat kong hinimas ang tenga nito. Madali kasi itong makatulog tuwing gagawin ko ang bagay na iyon. Tulad ng inaasahan ko ay nakapikit na ang mga mata ni Kesha kahit na ilang minuto pa lamang ang nakalipas.

Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha nito ay hindi ko mapigilang maalala ang ama nito. Katulad na katulad kasi nito ang bawat ditalye ng mukha ng ama nito. Para bang girl version niya si Kesha.

"Anong iniisip mo?" Napangiti ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa batok ko. Kasabay nun ang pagyakap nito sa akin mula sa likod ko.

Hindi ko mapigilang bahagyang mapatawa ng halikan nito ang parte ng leeg ko kung saan may kiliti ako. Nakangiti kong hinarap sa Daniel. Ipinulupot ko ang kamay ko sa batok nito habang ang mga kamay naman nito ay nakahawak sa bewang ko.

"Naisip ko lang kung gaano ako ka swerte sa iyo." Malambing na sambit ko dito.

Lumawak ang ngiti sa labi nito. Ramdam ko rin ang paghigpit ng hawak nito sa bewang ko. "Wala pa sa kalahati ng swerte mo ang swerteng dumating sa akin ng makilala kita." Nakangiting sambit din nito. "I'm glad I met you. I hope you know that." Dagdag pa nito.

Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Maingat na hinawi nito ang buhok na humaharang sa mukha ko tsaka ito inipit sa likod ng tenga ko.

"I thank the person who broke your heart, for that became the reason why you're mine right now." Taimtim itong nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi ito.

Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ko ng nawala ang ngiti sa labi nito. "Why? May problema ba?" Mabilis na tanong ko sa kaniya.

Nagulat ako ng yakapin ako nito ng mahigpit at ibaon nito ang ulo nito sa leeg ko. "I'm scared baby." Malambing na saad nito. "I'm scared that you'll love someone else beside me. I'm afraid that if there's someone else catches your attention more, you'll forget about me, then ignore me and the worst is replace me." Dagdag nito tsaka niyakap ako ng mas mahigpit.

Lihim akong napangiti dahil sa sinabi nito. Pinilit kong kumalas mula sa mahigpit na pagkakayakap nito. Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ko ang magkabilaang pisngi nito. Tsaka ito taimtim na tinignan sa mata.

"Listen Daniel. You own my heart. I dont need someone else as long as I got you. I dont care if there is someone better than you because to me you are the right one and the only one that I want. I'll always love you. Forever and always, baby."

Napangiti ito sa sinabi ko. "I love you more. Forever and always." Nakangiting sabi nito tsaka dahan dahang inilapat ang labi nito sa labi ko.

Mariin akong napapikit ng may maramdaman akong mainit na bagay sa pisngi ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko tsaka muling itinoon ang tingin kay Kesha na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Maingat akong lumapit dito tsaka hinalikan ang noo nito. "I love you baby." Saad ko bago ko ito yakapin palapit sa akin.

-

"Mommy wake up."

Kinabukasan ay nagising ako ng maramdaman kong may kung anong kumikiliti sa pisngi ko. Nakangiti kong iminulat ang mata ko. Agad na bumungad sa paningin ko ang nakangiti kong anak habang naka dagan sa akin.

"Ninang ganda is here." Masayang sambit nito.

Mabilis kong hinalikan ang pisngi nito. Kasabay ng pagbangon ko ang pagbuhat ko sa kaniya, dahilan ng paghagikgik nito.

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg nito tsaka kiniliti siya gamit ang paghalik ko sa leeg niya. Tawa naman ito ng tawa habang pilit na inilalayo ang leeg niya sa akin. Ng makita kong nahihirapan na itong huminga ay tumigil na ako tsaka kinuha ang bottled water na nakapatong sa side table ko. Pinainom ko siya ng tubig habang hinihimas ko ang dibdib nito.

Nang bumalik na sa normal ang paghinga nito ay nakangiti niya akong binalingan ng tingin. "Naluluto si Ninang ganda ng breakfast Mommy." Nakangiting sambit nito.

Nakangiti kong hinalikan ang noo nito tsaka binitawan. "Alright. Maghihilamos lang si Mommy tapos susunod na siya sa kusina, okay?" Sambit ko dito.

Tumango naman ito tsaka mabilis akong hinalikan sa pisngi bago tumakbo palabas ng kwarto.

Nakangiti akong tumungo sa cr ng kwarto namin tsaka naghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay nagpalit rin ako ng komportableng damit. Ng matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako patungo sa kusina.

Mula sa sala ay rinig na rinig ko na ang ingay na nang gagaling sa kusina. Hindi talaga maaring hindi makalikha ng ingay si Kesha lalo na at madaldal pa naman ito. Malamang ay kinukulit na naman nito si Julia.

"Good Morning." Nakangiti kong bati ng makarating ako ng kusina.

Mabilis na lumapit sa akin si Kesha tsaka nagpa karga. Binuhat ko naman ito tulad ng gusto niya.

"Good morning besties. Nahuli ka ng gising kaya naman naisipan ko na magluto ng almusal." Sambit nito tsaka ipinagpatuloy ang pagluluto nito ng pancakes.

"Yeah. Sorry about that. Nahirapan lang akong matulog kagabi." Saad ko. "Anyway, anong meron at napadalaw ka?" Tanong ko dito.

Madalang lamang kasi itong pumunta dito lalo pa at sa Maynila pa ito nag tatrabaho. Aabutin kasi ito ng limang oras na byahe patungo dito sa Pangasinan kung pupunta pa siya dito. Mapapagod lamang siya sa byahe kaya naman naisip nito na once in a month lang itong bumisita dito.

Napakunot ang noo ko ng mapatingin ito kay Kesha. Na kasalukuyang pinaglalaruan ang buhok ko. "Mamaya ko na lamang sasabihin pagkatapos kumain." Tanging sambit nito tsaka nag iwas ng tingin.

Pinili ko na lamang na ipagsawalang bahala ang sinabi nito. Habang kumakain kami ay wala kaming tigil sa pag kukwentuhan tungkol sa nangyari sa isa't isa. Maging si Kesha nga ay wala ring tigil sa pagkukwento lalo na kapag ako na ang nagsasalita.

Nang matapos kumain ay pinaakyat ko muna si Kesha sa kwarto namin upang makapagbihis ito ng damit. Naisipan kasi namin na maglakad lakad muna sa dalampasigan habang hindi pa mainit sa labas.

Nag presenta ako na maghugas ng plato dahil nakakahiya naman sa kaniya kung siya pa ang mag huhugas ng pinagkainan, lalo pa at siya na ang nagluto ng pagkain.

"Tungkol sa tanong mo kanina besties. May businessman na nag offer sa atin ng malaking project. Tayo ang napili para mag design nung resort na ipapatayo niya. Willing siyang gumastos ng malaking halaga basta daw maging maganda ang kalalabasan ng resort na ipapatayo nito." Mahabang turan nito.

Napatango naman ako. "Edi maganda. As long as malaki ang ibabayad niya sa atin walang problema doon." Saad ko kahit na nakatoon ang tingin ko sa basong hinuhugasan ko.

"Si Daniel ang businessman na tinutukoy ko."

Ganoon na lamang ang gulat ko ng mabitawan ko ang baso na hinuhugasan ko dahilan para lumikha ito ng ingay ng mabasag ito.

Take A Chance (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon