"Mommy."Napa angat ang tingin ko sa repleksiyon ni Kesha sa salamin.Kasalukuyan ko itong iniipitan. Nang sa ganoon ay hindi magulo ang buhok nito.
Bahagyang yumuko ito tsaka pinaglaruan ang kamay nito. Tanda na may gusto itong sabihin ngunit nahihiya ito. Isa ito sa namana niya sa Dad niya. Kung tutuusin ay mas marami itong namana sa kaniya kaysa sa akin.
"What is it baby?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"I just want to say sorry po. Kasi this ring you have sa bag niyo po nigalaw ko. I just cant help it mom. Its too cute." Mabilis na sabi nito sabay angat ng isang kamay nito.
Halos manlambot ang tuhod ko ng makita ko ang hawak na singsing nito. Ito ang dahilan kung bakit ayoko ng mga memories kaysa sa promises. 'Cause we break promises. But memories break us.
"Bro! Birthday ni Jason. Punta daw tayo!"
Napakunot ang noo ko ng may marinig akong boses sa kabilang linya.
"Sino yun?" Huli na ng malaman kong nasabi ko ang nasa isip ko. At alam kong narinig iyon ni Daniel.
Kasalukuyan kaming nag uusap sa telepono. Pagkatapos ng klase ko ay umuwi na ako. Hindi ako nagawang sunduin ni Daniel dahil may pinuntahan siya kasama ang mga magulang niya. Nagpupumilit pa nga itong huwag ng sumama kaso ay hindi ko ito pinayagan. Ayoko kasing ako ang dahilan kung bakit hindi na ito sumasama sa lakad nilang magpamilya.
Napilit ko naman ito ngunit sa isang kondisyon. Magkakaroon kami ng dinner date after nilang mag family bonding. Wala naman akong ibang nagawa kundi pumayag. Hindi lang para sumama ito sa mga magulang niya. Kundi para narin makasama siya.
"Si Clark. Niyayaya akong pumunta sa birthday ni Jayson. Malamang nagyayaya na naman iyong mag inuman kaya nag imbita." Sagot ni Daniel mula sa kabilang linya.
"Birthday pala ng kaibigan mo. Pumunta ka na. Pwede namang sa susunod na tayo mag dinner." Sabi ko dito.
"What? No." Rinig kong mariing saad niya mula sa kabilang linya. "Pass muna ako Bro! May lakad ako eh." Muli kong narinig ang boses nito pero alam kung hindi ako ang kausap nito.
"Bakit ginawa mo iyon?!" Gulat na sambit ko.
"Priorities." Rinig kong sabi nito. "I'll be there in 15 minutes." Sabi muli nito bago ibaba ang tawag.
Napakagat na lamang ako ng labi. Hindi ko mapigilang kiligin sa kahit maliliit na bagay na gawin nito. Pakiramdam ko kasi ay napaka importante ko sa buhay niya.
Nang makarating ito sa apartment ko ay hinayaan niya akong makapag ayos. Tanging simpleng floral dress ang sinuot ko at flat sandals. Mismong si Daniel ang pumili nito. Ayaw kasi nito na nagsusuot ako ng heels. Dahil noong huling suot ko ay halos mamaga ang paa ko sasobrang sakit. Kaya magmula noon ay hindi na ako nito hinayaang magsuot ng heels.
"Saan ba tayo pupunta?"
Hindi ko alam kung ilang beses ko na iyong naitanong sa kaniya. Mag mula ng umalis kami ay itinatanong ko na iyon sa kaniya. Ngunit tanging ngiti lamang ang sagot nito. At mahigit isang oras na kaming bumabyahe ngunit hindi parin kami nakakarating sa patutunguhan namin.
Tulad ng paulit ulit na sagot nito ay nginitian lamang ako nito. Gamit ang kanang kamay nito ay hinawakan niya ang kamay ko tsaka maingat iyong iniangat. Sunod ko na lamang naramdaman ang malambot na labi nito sa kamay ko. Ginawaran niya ang likod ng palad ko ng isang maingat na halik.
Pagkatapos ay idinantay niya ito sa hita niya. Hindi niya binitawan ang kamay ko, sa halip ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngunit ramdam ko parin ang ingat sa pagkakahawak nito.
Nakangiti na lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Makalipas rin ng ilang minuto ay huminto na ang kotse. Namalayan ko na lamang na nasa madilim na lugar kami.
Agad akong nakaramdam ng takot nang mapansin ko na napapalibutan kami ng mga puno. Napahigpit ang hawak ko kay Daniel nang akma itong lalabas ng kotse.
"Anong ginagawa natin dito?" Bakas sa boses ko ang takot.
Napapikit ako ng lumapit ito sa akin at maingat na ginawaran ako ng halik sa noo.
"Wag kang matakot. Hindi kita iiwan." Sabi nito.
Muli niya akong hinalikan sa noo bago lumabas ng kotse. Mabilis na umikot ako tsaka pinagbuksan ng pinto. Tinanggap ko ang nakalahad na kamay nito bago ako bumaba. Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya ng masara na niya ang pinto ng sasakyan.
Agad kong naramdaman ang lamig ng hangin ng mag simula na kaming maglakad. Halos kumapit na ako kay Daniel sa sobrang takot na nararamdaman ko. Kahit anong libot ng paningin ko sa buong paligid ay wala akong ibang matanaw kundi ang kadiliman. Hindi sapat ang nabibigay na liwanag ng buwan kaya naman hindi ko makita ang nilalakaran namin.
Napakunot ang noo ko ng alalayan ako ni Daniel. Hindi ako makapaniwala na pababa kami ng hagdan. Sa tantsa ko ay limang baitang ang binabaan namin. Pagkatapos ay kumaliwa kami ng landas. Maya maya ay may natatanaw na akong liwanag sa hindi kalayuan.
At ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang ilang puno na napapalibutan ng christmas lights. Ang buong paligid ay napapalibutan naman ng pulang petals ng rosas at mga kandila. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga larawang nakasabit sa puno. Sa gitnang bahagi naman ay naka handa ang isang table para sa dalawang tao.
Dahan dahan akong lumapit sa punong iyon. Ganoon na lamang ang kakaibang saya na naramdaman ko ng makita ko ang mga larawan naming magkasama ni Daniel. Ang iba ay stolen shots ko ngunit naroon rin sa larawang iyon si Daniel. At mapapansin agad na ito ang may kuha ng larawang iyon dahil kasama rin siya sa mga larawan.
"Did you like it?"
Nabaling ang tingin ko kay Daniel. Hindi ko na malayan na nasa likod ko lamang ito. At tahimik na pinagmamasdan ako. Mabilis na lumapit sa akin si Daniel at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ng marandaman ko na may pinahid itong kung ano ay doon ko lamang napansin na lumuluha na ako.
"Why are you crying? Hindi mo ba nagustuhan?" Puno ng pag aalala ang boses nito ng itanong niya sa akin iyon. Iritadong nag iwas ito ng tingin sa akin. "Nanood ako ng iba't ibang romantic movie. Tapos lahat ng idea ng date nila ay ginawa ko. Gusto ko kasi espesyal ang araw na ito." Nahihiyang saad nito.
Napakunot ako ng bahagyang lumayo ito sa akin. May kinuha ito mula sa bulsa niya. Ganoon na lamang ang gulat ko ng may kunin itong maliit na red box mula sa bulsa niya. Hindi ko mapigilang mapasinghap ng buksan niya ang box. Agad na tumambad sa akin ang dalawang koronang singsing.
"Alam kong this past few days ay nagkakaroon tayo ng alitan." Pag uumpisa nito.
Hindi ko mapigilang matawa ng mahina. Sa mga nakaraang araw kasi ay hindi nito mapigilang mag selos sa isa kong co-worker sa restaurant. Hindibko naman maaaring iwasan iyon lalo na at katrabaho ko ito kaya naman lalong nagtampo si Daniel.
"I admit that I get so damn jealous when it comes to you-- wait. I'm not jealous. I'm territorial. Jealous is when you want something that's not yours. Territorial is protecting what's already yours." Nakakunot na sabi nito. "I really don't like the idea of anyone else having you." Dagdag nito.
Kinuha nito ang isang singsing pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kanang kamay ko. "This would be our promise ring. One day papalitan ko iyan ng engagement ring. Hanggang sa maging wedding ring na." Sabi nito.
"I promise na sa iyo lamang ako. At dapat ganoon ka rin sa akin." Sabi nito tsaka dahan dahang inilagay ang singsing sa daliri ko.
Pagkatapos ay ako naman ang naglagay ng singsing sa kamay nito kasabay ng pangako ko na sa kaniya lamang ako.
"You make me so happy." Nakangiting sabi ko.
"That's my job." Nakangiting sabi nito tsaka niyakap ako ng mahigpit.
"I never want to lose you." Mahinang bulong ko habang nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya.
Naramdaman ko ang paghalik nito sa buhok ko. "Baby trust me you wont." Malambing na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Take A Chance (KathNiel)
FanficIt's hard to forget someone from the past when that person has been the one you ever wanted in your future.